Kabanata 8

11 1 1
                                    

" Ang bobo ano?." Hinampas ko si Wave ng science workbook dahil sa sinabi niya.

Kakatapos lang namin report sa Science at sinisisi niya ako dahil may isang question si Ma'am na hindi namin nasagot. Wala naman akong kasalanan at lahat naman kami ay tinanong, at ang bwesit na ito ay ako ang sinisisi dahil eight over ten lang daw ang nakuha namin.

" Tanga ka alam mo 'yon." Ganti ko sa kanya, pero ang bwesit ay inismiran ako at nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako kung saan.

" Lunch na, samahan mo akong kumain." Nagpapalambing na sabi niya na dahilan ng pag irap ko. Hindi naman kami mag jowa or something, wala nga kaming relasyon maliban sa classmate, tapos ang lagay ay nagpapalambing siya sa akin. Napaka-kapal talaga ng pagmumukha ng bwesit na ito.

" At bakit ba kita sasamahan, can't you eat alone" mataray na sabi ko ng nang makawala sa hawak niya. Nagmamakatol siyang humarap sa akin, and damn I find it cute pero hindi ako magpahalata bagkus binigyan ko siya ng nandidiri na tingin.

" Wala pa talagang epekto sa 'yo ang
Kagwapuhan ko.?" Nagmamakatol ngunit may halong ngisi ng sabihin niya ang bagay na iyon. Napataas ang kilay ko, hindi makapaniwala na ganoon ang sagot niya sa naging tanong ko.

" Excuse me 'pa'?, Correction hinding hindi ako maaapektuhan niyang sinasabi mong kagwapuhan.!" Pagkatapos kung isigaw sa harap niya ay nagmamartsa akong bumalik sa classroom.

Maraming gwapo sa pinanggalingan ko, kaya huwag siyang umasta na siya na ang pinakagwapo. Oo, baka rito ay siya pero may iba namang gwapo rito, lamang lang siya.

Hindi pa ako nakakalayo ng nakaramdam ng gutom. Tiningnan ko ang oras at nakitang pasado alas dose pa lang. One pa ang simula ng panghapong klase kaya gugutumin ako. Nang lumingon ako ay nakita kung naroon padin si Wave, nakatingin sa akin at nakakrus ang mga braso. Tinaasan niya ako ng kilay ng humarap ako.

Kaya kahit labag sa kalooban looban ko, dahan dahan akong lumapit sa kanya. Ako na mismo ang humila sa kanya papuntang canteen, para makabili ng pagkain.

" Sasama rin pala.." rinig kung bulong niya.

Hindi ako kumibo at mas lalong hindi rin siya nagsasalita habang naghihintay ng pagkain. Nakatingin lang ako sa paligid habang siya ay nilalaro ang lace ng ID niya. Nang tinawag na ang pangalan namin, tumayo kami at kinuha iyon.

" Iyan lang ang lunch mo?." Takhang tanong ng masilip ang spaghetti na nasa plato ko.

" Yes, busog narin naman ako rito. Spaghetti at plato diba?." Sarkastikong sagot ko, narinig ko ang pagggaya niya pero inirapan ko lang.

Gladly, kahit ilang araw pa lang ako at unti unti narin akong nakaka-adjust. Pero may mga times parin talaga na naroon ang paninibago sa isang lugar, nahohome seek ako. Normal lang naman siguro na maramdaman ko iyon.


Isa pang bagay ang dapat kung makasanayan ang makita ang pagmumukha ni Wave araw araw. Napilitan lang naman akong kasama siya dahil wala si Enid at may ginagawa roon sa Faculty, ngayon ko lang nalaman na vice president pala siya ng SSG.

" Wala ka bang girlfriend or whatever?." Bigla na lang ay natanong ko na naging dahilan ng gulat niya. Napa poker face na lang ako.

Binaba niya ang kubyertos." Marami na akong..." He intended not to continue his words, kaya naman ay nagtaka ako.

" Whatever, why did I ask anyway." Binaling ko na lang ulit ang atensyon sa pagkain.

" Heto naman 'di mabiro. Syempre wala akong naging girlfriend huwag ka nang magselos mahal. " Nanlaki ang mata kung binalingan siya ng tingin. Hindi makapaniwala at nakakahiya dahil hindi lang ako ang nakarinig!. Nilingon ko ang ilang estudyante na nakarinig at nasa amin na ang atensyon nila. Para pa silang nanonood ng paboritong loveteam dahil mukha silang kilig na kilig!.

WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)Where stories live. Discover now