Kabanata 5

13 3 1
                                    

" This is it." Bulong ko sa sarili habang nasa gate ng Salcedo high. Hindi ko inaakala na mabilis na lilipas ang panahon, parang kahapon lang nang pumunta kami rito.

Napabalik lang ako sa wisyo ng nilampasan na ako ni Ed. Ngumuso ako at humawak sa strap ng bag ko at sumunod sa kanya. Hindi ako sanay sa mahabang palda ng uniform, nasanay kasi ako sa maikli dahil ganoon ang uniform namin sa Manila. Kulay gray ang palda, plain lang ito at blouse na white at necktie na parang ribbon, gray din.

" Saan ka?." Natatarantang tanong ko ng makitang iniwan niya ako sa tapat ng isang classroom. Kumunot ang noo niya na tumingin sa akin, hindi inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ko.

" Senior high ako, hindi tayo classmate.." naiinis ng sabi niya, ngumuso ako at tumingala sa tapat ng classroom. Grade ten Rose ang nakalagay, tama nga at ito na ang classroom ko. Nang muli akong lumingon kay Ed tiningnan niya ako na parang nagpapaalam, tumango na lang ako.


Hinatid ko siya ng tingin ng lumiko na siya sa isang hallway pataas sa second floor ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Napakagat pa ako sa labi bago humakbang papasok. Parang natahimik ang lahat ng makita akong pumasok, hindi ko alam ang irereact ko dahil napakagulo nila ng pumasok ako.

" Elisha.!" Para akong nakahinga ng maluwag ng marinig ang boses ni Enid, hinanap ko siya at nakitang naroon siya sa pinakalikod. Ngumiti siya sa akin at senenyas na roon ako maupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. Nahihiya akong dumaan sa gitna dahil nasa akin padin ang paningin ng mga magiging kaklase ko.

" Kanina ka pa.?" Tanong ko ng maupo, ngumiti naman siya at sinabing kakarating niya lang din daw. Pasalamat ako at laging pupunta si Enid sa bahay kaya parang nagkaroon kami ng closeness, binilin din ni Mama na i-guide niya raw ako rito. Actually mabait naman siya tmat medyo jolly nga lang, nakakatuwa dahil parang ang dali dali niyang makahanap ng kaibigan.




" Si Ed ba anong year na?." Bigla ay tanong niya na dahilan ng paglingon sa kanya. Nakangisi siya sa akin.



" Senior High, grade eleven." Sagot ko naman, nawala lang ang tingin ko sa kanya ng pumasok ang isang pamilyar na babae. Naagaw niya agad ang attention ng lahat dahil sa malakas na boses niya. Nakangiti siya habang naghahanap ng upuan, sumakto namang bakante ang sa aming unahan. Umupo siya roon hindi na nag-abala na lingunin kaming narito sa likuran niya.



" Si Antonette yan.." bulong sa akin ni Enid ng mapansin na hindi ko na naalis ang tingin kay Antonette.



Kung hindi ako magkakamali siya iyong babaeng umiyak ng umalis sin KD. Siya rin ang nakikita kung kausap at sinusungitan ni KD noon. Kailan lang kami nagkita pero parang May nagbago sa kanya, siguro ay dahil sa buhaghag at wavy niyang buhok.

" Good Morning Marites.." naagaw na naman ang atensyon ko sa tatlong lalaking pumasok, isa roon ay si Wave. Nakapamulsa at nakangisi dahil sa akin mismo unang dumapo ang paningin niya. Ang lalaki namang sumigaw ay kumaway kaway doon na parang kumakandidato.

" Ano ba yan AJ, kaklase na naman kita" rinig kung reklamo ng isang babae na nakasuot ng eye glasses. Bumaling naman sa kanya ang Aj na tinawag niya.
Ngumuso ito at naupo roon sa tabi ng babae, hindi ko naman narinig ang kung anong pinaguusapan nila.

Nagulat nalang ako ng tumakbo si Wave at isa niya pang kasama. Nagpapanic ang dalawa kung saan uupo, nalaman ko na kaagad ang dahilan kung bakit nagpanic sila ay dahil pumasok na ang proffesor namin.



As expected sa first day of school, introduction lang. Nasa huli kami kaya nakikinig lang ako sa kung sinong nagpapakilala.

" Maria Enid Aguilar, taon taon ko namang pinapakilala ang sarili ko." Napairap siya sa kawalan at bumalik sa upuan, narinig ko pa ang tawanan ng ilan. Dahil ako na ang sunod, nakaramdam ako ng kaba habang naglalakad papuntang harapan. Palagay ko kasi ay nakatutok lahat ng mata sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na nagpapakilala ako ngunit nakakapanibago dahil ibang mga mukha na naman ang makakaharap ko.


WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)Where stories live. Discover now