Kabanata 6.

1.7K 90 23
                                    

The moon is beautiful but lonely.

Mula sa malaking salamin ay seryosong pinagmamasdan ni Katalina ang kanyang kabuohan. Kinuha nito ang gintong suklay at itinapat sa kanyang taga-sunod na at inataasan itong suklayin ang kanyang kulay dilaw at mahabang buhok.

Ito'y bumuntong hininga na tila ba'y malalim ang iniisip. Tuloy lamang ang kanyang utusan sa pagsuklay ng mahabang buhok nito habang siya'y nasa kawalan ang sistema. Maya-maya pa ay nagsalita na si Katalina.


"Nakahanda na ba ang aking kasuotan?" Tanong nito dahil balak niyang mag tungo sa bayan para mamili ng kanyang mamahaling alahas. Tumugon naman ang kanyang taga-sunod at tuloy muli sa pag suklay sa Reyna.
Ini-angat ni Katalina ang kanyang kamay upang patigilin ito. 


"Tama na, ihanda mo na ang aking kasuotan at ipatawag mo si Luna upang ako ay samahan."
"Ngunit aking Reyna si Luna ay abala kasama ng Hari ngayon sa plaza." Kumunot ang noo ni Katalina at ito'y napalingon sa kanyang taga-sunod.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Yumuko ang taga-sunod at muling nag salita.
"Sa aking pag-kakaalam ay siya rin ang naatasang taga-sunod ng mahal na Hari... aking Reyna." Natahimik si Katalina, muli itong kumalma at huminga ng malalim. Kanyang inayos ang magandang postura at naglakad patungo sa malaking bintana.

"Kung gano'n ay tawagin mo ang ilang mga kawal at ipahanda ang karwahe, nagbago na ang aking gusto. Ibig kong mag tungo sa plaza upang surpresahin ang aking Hari." Nakangiting sabi nito.

"Masusunod kamahalan." Lumabas na ng kanyang silid ang isang taga-sunod na kanyang inatasan. Pagkatapos ay ipinahanda nito ang simpleng itim na kasuotan na kanyang gagamitin.
Lumabas na si Katalina nang ito'y matapos at balak nang mag punta sa plaza. Nagkataon na nakasalubong pa nito ang kapitan na si Riku na mukhang galing sa pangangaso. Suot suot ang itim na guwantes at hawak ang ulo ng isang tigre na wala ng buhay.

"Mahal na Reyna." Nakangiting bati nito at akmang hahalik sa likod ng kamay ni Katalina.
"Ika'y mag tigil. Ayokong mabahiran ng dugo ang aking balat." Ngumisi naman ng nakakaloko ang kapitan.
"Saan ang iyong punta?" Tanong nito.
"I want to see him." Simpleng sagot ni Katalina. Tumawa lamang si Riku dito.
"Katalina, ikaw ang Reyna ng Abalon. Anong saysay ng imperyong ito kung pati ikaw ay nasa labas?"
Kumunot noo si Katalina at namula ang magkabilang tainga sa labis na inis.
"Tawagin mo akong Reyna. Huwag kang hangal."
"Oh, I'm sorry your highness." Pilosopong sagot ni Riku at tumingin sa malaking orasan.
"Tila hinahanap ka na ng iyong guro, mabuti pa'y mas pag tuonan mo ng pansin ang pag aaral ng kasaysayan kung ibig mong mapansin ng Hari sa pamamagitan ng talino at hindi sa pisikal na ganda lamang." Ito'y umalis na ng hindi man lang hinihintay ang sagot ni Katalina na siya namang galit na galit dahil sa sakit na pananalita ni Riku.
Patabog na pumasok si Katalina ng kanyang silid. Galit na galit ito dahil sa labis na pamamahiya sa kanya ng kapitan.
"How dare you!" Pag sisisigaw nito. Tahimik lamang ang kanyang taga-sunod. Wala nang nagawa pa si Katalina at nagtungo sa aklatan. Naroon ang kanyang guro at naghihintay sa kanya.

"I admire you for being firm." Sabi nito dahil malumanay lamang ang kanyang guro sa bawat kilos nito.

"I'm sorry I'm late..." kaagad na naupo si Katalina.
"Would you like some tea?" Tanong ng guro nito na nagmula rin sa isang mataas na antas na klase ng mga bampira.
"No, I more prefer to drink a glass of wine... wine of blood." Habol pa nito. Kaagad namang pinaanyayahan ng guro ang kanyang kagustuhan.

Sa kabilang banda, kasama ni Dawn ang hari sa Plaza. Ayon sa Mayor ay may isang lupain na hindi kalayuan sa Abalon ang kinakailangan ng tulong. Napag alaman nilang tag-gutom ang mga taong naninirahan roon na hindi nila kalahi. Nagkatinginan ang dalawa nang malaman ang sistema nang pamamalakad ng dating hari. Nangunot noo na lamang si Liu dahil hindi agad nakarating sa kanya ang suliraning iyon.

Before Dawn: My Aloof Husband 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon