Kabanata 2.

4.2K 192 49
                                    


ANG HARI ng Abalon ay nasa dulo lamang ng napakalaking barko. Ang mga kawal na isinama nito sa kanyang paglalayag at maging ang kanang kamay ay naghahanda sa pagsalakay ng mga halimaw. Hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa likod ng makakapal na ulap. Painit nang painit ang temperatura habang sila ay papalapit sa kanilang destinasyon.

Muling sumilip ang haring buwan. Ang suot ni Liu ay yari sa pilak kaya nang tamaan ito ng sinag ay kumislap ito. Nakakabulag kapag natamaan ang iyong mga mata dahil sa lakas ng ilaw.

Isang malakas na ugong ang umalingaw-ngaw sa kalangitan. Mga malalaking pagaspas ng pakpak ang iyong maririnig. Katahimikan ang namayani sa barko habang ito ay patuloy na lumulusong papunta ng Agape.

Ang kanang kamay na si Riku ay nakahanda nang bumunot ng kanyang espada. Bigla na lamang nawala ang malakas na pagaspas. Ilang segundo nang isa sa mga kawal ang nawala nang parang bula. Sa bilis ng mga mata ni Liu ay nakita nito ang hugis ibon. Malaking mga paa ang siyang kumuha sa kanyang kawal at ito'y inilipad nang malayo.

"Protect the King!" Sigaw ng Commander of Royalties na si Riku. Pinaligiran naman ng mga kawal ang kanilang hari. Ilang saglit pa at may bigla na lamang lumitaw sa kalangitan na isang malaking ibon. Ang mga balahibo nito'y kulay itim at may ulo ng dragon. Kakaiba ang anyo ng halimaw na nagpakita sa kanila. Ang mga mata'y kulay pula na nanlilisik.

Ang buhok ng hari ay nagsimula ng maging kulay abo. Ang mga mata nito'y naging pula na tila handang-handa na sa pag salakay ng kalaban. Ngayon pa lamang sila nakarating ng Agape at mapanganib ang rutang kanilang nilakbay. Pumagaspas ang malalaking pakpak ng halimaw na siyang nag iba ng direksyon ng hangin. Kumukulo ang tubig ng dagat. Waring nasa kalagitnaan sila ng impiyerno.

Sasalakayin ng malaking ibon na may ulo ng dragon ang malaking barko. Lahat ng kawal ay nagliparan nang tamaan ng matutulis nitong mga pakpak. Bumunot na ng espada si Riku at pinang sangga sa malalaking ngipin ng ibon. Ang hari ay kalmadong nakatingin lamang at nanonood. Isa pang maling galaw ng nilalang na ito'y malalagot sa mga kamay niya. Sumilip muli ang buwan at ang sinag nito ay tumama sa pilak na kasuotan ni Haring Liu. Ang malaking ibon ay tila nabulag sa lakas ng ilaw nito at mabilis na umurong.

Lumilipad-lipad ito sa himpapawid habang galit na bumubuga ng apoy. Papalapit ito muli sa barko upang sadyain ang hari na nagpabulag sa kanan niyang mata. Pabilis nang pabilis ang kanyang paglipad at nagliliyab ang bibig sa galit. Ulo ng hari ang kanyang pakay kaya naman nang ito'y makalapit na'y ibinuka niya ang malaking bibig. Wala namang pag aalinlangan si Liu. Nakatayo pa rin ito sa dulo ng malaking barko at hinihintay ang sagupaan nilang dalawa. Bakas sa mga mata ni Riku ang pag-aalala aa hari ngunit nasaksihan nito ang kapana-panabik na parte ng laban.

Mabilis ang mga pangyayare nang dukutin ni Liu ang lalamunan ng kakaibang ibon. Hinugot nito palabas at napag tagumpayan niyang nakuha ang buto nito na pumuprotekta sa utak. Lumagapag ang malaking katawan sa dagat, tumutulo ang dugo sa matutulis na kuko ni Liu.

"What was that thing?" Tanong niya sa kanyang kanang kamay na si Riku. Umiling ang komander dahil maging siya ay walang alam na nabubuhay pala ang ganong klase ng halimaw sa ka kanilang mundo. Mukhang umatras ang ibang mga ibon nang umalingawngaw naman sa kalangitan ang ungol ng isang aso. Isang lobo na tila hinihigop ang lakas na nang gagaling sa kabilugan ng buwan.

Hindi na sila ngayon nag-iisa dahil huli na nang kanyang malaman na napapaligiran na sila ng malalaking lobo.

"The Lycans." Sabi ni Riku. Mas malakas ang mga ito sa uring bampira dahil sa buwan. Mga mapupulang mga mata ang kanilang natanaw sa kabundukan habang patuloy ang pag abante ng barko. Nag aabang lamang si Liu sa pagsalakay ng malalaking aso ngunit pinigilan ito ni Riku.

Before Dawn: My Aloof Husband 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon