How do you fight the moon?
"ARE you okay?" Naramdaman ko ang presensya ng Duke. Lumapit ito sa 'kin habang may dalang kopa na may lamang alak. Inabot n'ya ito at kaagad ko namang kinuha.
"I'm okay thank you Duke Maynard." At yumuko ako rito.
"Nag-aalala ako sa 'yo Luna. Pagkatapos ng kasalan ay hindi ka na bumalik sa loob para makisaya." Napatahimik ako ng matagal at huminga ng malalim. Natapos ang pag-iisang dibdib ni Liu at Katalina at saksi ang aking mga mata. Mas lalong nag sikip ang aking dibdib sa labis na galit. Galit sa pagkamatay ng nag-iisa naming anak.
Nakatitig lamang ako sa alak habang natatanaw ang sariling repleksyon. Napalunok ako at akmang iinom nang magulat ako sa mga susunod na nangyare. Tinabig nito ang hawak kong kopa at hinawakan ang aking pulso. Kaagad kong nilingon ang taong nasa likod nito na siya namang ikinagulat ko.
"Your highness." Yumuko rito ang Duke. Nakita ko ang walang kabuhay-buhay na mga mata nitong nagsisimula nanamang maging pula.
"My wife is allergic to alcohol." Pabulong na sabi nito sa 'kin. Sino s'ya para umasta na parang walang nangyare?! Kaagad naman itong lumingon sa direksyon ni Duke Maynard at nagsalita.
"She's allergic to alcohol." Walang emosyong sabi nito.
Pasimple ko namang tinanggal ang aking pulso sa pagkakahawak nito at yumuko tulad ng ginawa ng Duke.
"His highness is concern about you." Nakangiting sabi ni Duke Maynard nang umalis agad si Liu. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang galit na gustong kumawala.
"Hindi ko alam na hindi ka pala umiinom. Mabuti at malakas ang pang-amoy ng kamahalan." Natatawang sabi ng Duke Maynard habang napapakamot sa ulo. Inilingon ko ang paningin sa iba nang magsimulang tumunog ang musika.
"The royal ball has begun, may I have your first dance?" Nakita ko ang pag-alok ng Duke sa akin ng sayaw. Nagdadalawang isip ako sapagkat matataas na antas ang nasa gitna ng pagdiriwang.
"Duke Maynard…" Bakas sa mukha ko ang pangangamba.
"Wear your mask Luna." Nakangiting sabi naman nito at sinuot niya ang kanya. Sa pamamagitan ng kwintas at maskarang ito'y hindi malalaman ang katauhan ko. Sinunod ko ang kanyang inutos at isinuot ang sa akin. Tinanggap ko ang kanyang kamay tsaka nagpadala hanggang sa gitna ng sayawan.
"Relax your shoulder." Sabi nito. Hindi ako sanay sa mga matang nakatitig ngayon sa aming kinaroroonan.
Nahagip ng aking mga mata ang dalawang maharlika na nakaupo ngayon sa kanilang trono. Nakita ko ang pag takip ni Reyna Katalina ng kanyang kalahating mukha at may ibinulong sa Hari. Nakatitig naman ang Hari sa 'king kinaroroonan. Suot ang kanyang kumikinang na korona at kulay pulang kasuotan na napapaligiran ng ginto. Hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan.
Umikot ako dahil sa kamay ng Duke na aking sinusunod. Sa aking muling pag sulyap ay wala na ang mga ito sa kanilang trono at nagsimula nang maglakad patungo sa sayawan.
Huminto naman ang musika at nagsimulang magpalakpakan ang lahat nang tumapak na ang kanilang mga sapatos sa entablado. Muling tumunog ang musika, malungkot at malumanay. Hinapit naman ng Duke ang aking beywang at nagsimulang sumunod sa ritmo. Sa bawat pagkumpas ng sayaw ay hindi maiwasang magtama ang aming mga mata.
Ang kanyang mga itim na matang hindi pa rin nagbabago. Habang ang Reyna ay sinasamba ang kanyang buong katauhan ay siya namang pagbabaliwala n'ya rito.
Maging ako'y hindi na nakikinig sa mga sinasabi ng Duke dahil nilalamon ako ng mga titig ni Liu. Tumuloy ang pag-tugtog ng malungkot na musika hanggang sa magdikit ang aming mga balikat na hindi sinasadya. Huminto kaming apat at yumuko naman ang Duke bilang pag bati sa dalawang royalty. Maging ako'y yumuko at bumati kahit na ang totoo ay gusto ko nang umalis.