Kabanata 7.

2.7K 110 74
                                    

"Allow me to the moon
Who can change into any form
Their skin is comfortable in"

Sa isang matayog na kaharian kung saan ay napapaligiran ng mga malalakas na kawal. May isang pagpupulong na nagaganap. Ang labing isang Celestial ay nakaupo sa gintong upuan na nasa entablado habang hinihintay ang magaganap na palabas.

"Ipinatawag ko kayong lahat upang mag bigay aliw sa mga Celestial." Isang matandang lalaki ang nagsasalita sa harap ng napakaraming tao. Mga mababang uri at ginawang alipin ng malupit na mga Celestial. Isang Admiral ang tumayo mula sa pagkaka- upo at may mahabang papel itong hawak.

"Magkakaroon ng tayo ng palabas. Ang aking babanggitin na pangalan ang siyang sasali sa larong aming inihanda."

Ang mga tao'y nagsimulang mag wala. Alam nila ang larong ibig sabihin ng Admiral. Isang larong ubusan ng buhay para lamang mag bigay aliw sa mga Celestial.

Lahat ng mga taong pumapalag ay walang awang hahampasin gamit ang metal na hawak ng mga kawal. Wala silang kawala. Sila ang mga taong simple lang ang pamumuhay ngunit ginawang laruan ng mga Celestial, tulad din ng mga bampira.

"Ate natatakot ako." Isang batang lalaki ang nakayakap sa kanyang nakatatandang kapatid. Alam niya na taon taon ay may ganitong palaro ang mga Celestial kung kaya't halos mawalan siya ng malay nang magsimula muli ang palabas.

"Wag kang matakot. Hindi kita pababayaan." Tirik na tirik ang araw na dumadampi sa kanilang balat.

Sa kasamaang palad, nabanggit ang pangalan ni Jiseyo ang batang lalaki na labis-labis ang takot.

Galit naman ang kanilang ama dahil wala man lang siyang magawa para sa kanyang pamilya.

Ngunit naglakas loob si Lafiya na mag boluntaryo para sa nakababatang kapatid. Napaisip ng matagal ang admiral.

"Ano ang magiging silbi mo para pumalit sa batang ito?" Kunot noong tanong ng Admiral.

"Kaya ko kayong bigyan ng magandang palabas." Iyon lamang ang sinabi ng dalaga na siyang nagpangiti sa mga Celestial. Kaagad namang pinayagan ang hiling nito at nakipag palit sa kanyang kapatid. Siya na mismo ang isa sa maglalaro sa gaganaping palabas.

"Jiseyo, anak..." Tawag ng ina nito. Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Jiseyo nang kunin ng mga kawal ang kanyang nakatatandang kapatid. May sakit pa ang ina nito kung kaya't labis na lamang ang pag-aalala ng bata.

Ngumiti lamang ang dalaga sa kanyang pamilya nang siya'y nag kusa ng sumama sa mga ito.

Gabi nanaman, ito ang paborito ng mga halimaw na uhaw na uhaw sa dugo. Sa ilalim ng palasyo kung saan nasa loob ng bilangguan ang mga sasabak sa palabas. Naroon ang isang babae at nakadungaw lamang sa maliit na bintana.

"Bilog ang buwan ngayon..." Sabi ng isa pang bilanggo. Lumingon ang babae rito.

"Ako nga pala si Clara." Pakilala ng babae na unang nag salita.

"Lafiya ang aking pangalan." Sagot naman nito. Si Lafiya ang nakatatandang kapatid ni Jiseyo.

"Bukas hindi ko alam kung tayo'y buhay pa." Sabi ni Lafiya na muling itinoon ang mga mata sa buwan. Alam niya kung gaano kabagsik magpalaro ang mga Celestial. Buhay ang kapalit ng kanilang libangan.

Bumuntong hininga si Clara. Labing siyam na taong gulang pa lamang siya at marami pang pangarap sa buhay. Doon ay nagka kwentuhan ang dalawa nang bigla na lamang huminto si Lafiya.

"Naririnig mo ba iyon?" Tanong niya kay Clara.

"Ang alin?" Walang kaalam alam ito sa tinutukoy ni Lafiya.

Before Dawn: My Aloof Husband 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon