A/N: Before you proceed, make sure to read first the book 1&2 of My Aloof Husband Series.
AFTER DARK (book1)
EVENFALL (book2)Disclaimer:
Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.BEFORE DAWN (BOOK 3 OF MY ALOOF HUSBAND)
Book Cover by:
blackroguexI will avenge his death. His death will not be for anything. Get ready for the battle for there will be blood.
PROLOGUE:
"GISING ka na pala." Sabi ng isang ginang na may dalang pag kain. Napa-upo ako at humawak sa 'king ulo. Ang sakit nito na para bang binibiyak.
"Hija hindi pa lubusang gumagaling ang sugat mo." Nang sabihin niya ito'y naramdaman ko naman ang pag kirot ng aking tagiliran. At nang tagpong iyon ay siya namang pag bagsak ng aking mga luha.
"Hija ano ang masakit sa 'yo? Sandali lamang at tatawagin ko ang mang-gagamot." Hindi ako kumibo hanggang sa ito'y makalabas. Hindi ko ininda ang sakit at kirot dahil mas masakit na ala-ala ang muli nanamang nabuhay.
"Nasaan ako?" Tanong ko nang ito'y makabalik kasama ang isang matanda na tila mang-gagamot.
"Nasa mansiyon ka ng Duke." Nilingon ko ito at doon ko lamang napagtanto ang kakaiba nilang kasuotan. Sinipat ng mapanuri kong mga mata ang bawat sulok ng silid. Malinaw sa akin na wala ako sa mundo ng mga tao.
"Duke?" Takang tanong ko.
"Duke Maynard Hamington." Sabi ng ginang.
Matapos suriin ng espesiyalista ang aking sugat ay nag reseta naman ito ng halamang gamot. Kaagad ding umalis at naiwan kami ng ginang.
"Natagpuan kita sa pusod ng kagubatan. Ano ba ang nangyare sa iyo hija?" Tanong ng ginang. Muling nanakit ang aking ulo. Ang huling naalala ko lamang ay ang pagbaon sa akin ng patalim.
"Hindi ko alam. Gaano katagal na akong natutulog?" Tanong ko.
"Mag dadalawang linggo na nang dalhin kita sa mansiyon ng Duke." Kaagad naman nitong sagot. Tumayo ako kahit na nanghihina pa ang aking mga tuhod. Isang malaking salamin naman ang bumungad sa 'king harapan kung kaya't nakita ko ang kabuohan ng aking pagkatao.
Hinawakan ko ang malaking salamin at pinakatitigan ang aking mukha. Ang mga mata ko na dati ay masaya'y napalitan na ng galit at pagkamuhi. Iisang nilalang lamang ang ibig kong makita. Iisang nilalang na sumira ng buhay ko.
"Maaari mo ba akong dalhin sa Duke?" Tanong ko sa ginang.
Yumuko naman ito at nagpakilala.
"Ako nga pala si Mirasol ang naatasan bilang maging taga-sunod mo. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan bago tayo pumunta kung nasaan ang Duke?" Tanong nito.
Lumingon ako sa kanya at napahinto ng matagal. Malalim ang aking iniisip. Dapat akong maging maingat.
"Hindi ko maalala."
"Ikinalulungkot ko ang pagkawala ng iyong ala-ala." Sabi ni Mirasol at yumuko. Maya-maya nama'y inihanda na niya ako sa pagkikita namin ng Duke.
Isang mahabang kasuotan na may malaking laso at eleganteng puting balabal ang aking isinuot. Marahan kaming naglalakad sa malawak na mansiyon papunta sa hardin kung nasaan ang Duke.