Kabanata 8.

1.6K 69 47
                                    

Let the moon usher you through the night with her bright and brilliant might.

Lafiya:

Gabi nang mag-kalansingan ang mga bakal sa loob ng bilangguan. Hudyat iyon na mainit at gising na ang mga presong lalaban sa palabas na magaganap. Akin nang hinahanda ang telang binabalot sa aking dalawang kamay.

"Natatakot akong mawala sa mundong ito na hindi man lamang nakakahingi ng tawad sa aking mga magulang." Mahabang salaysay ni Clara habang ito'y nakasandal sa malapad na pader.

"Nakakatakot man ngunit kailangan nating makabalik ng buhay para sa ating mga minamahal." Sabi ko rito.

"Lafiya, kung hindi man ako magwaging makabalik maaari mo bang ibigay ang liham na ito sa aking mga magulang?" Pakiusap ni Clara sa akin.

"Hindi ka mawawala sa mundong ito, Clara. Lalaban tayo at makakabalik sa ating pamilya." Tinapik ko ang kanyang balikat upang palakasin ang loob nito.

Bumukas na ang selda, nagsipasok na ang mga kawal at ito ang hudyat na gaganapin na ang palabas para sa mga Celestial.

Tumayo ako't sumunod si Clara. May bakal ang aming mga kamay. Walang palag na sumunod sa mga kawal ng palasyo palabas ng kulungan.

Napakaraming preso ang nakapila. Napakaraming kalaban. Dinala kami ng mga ito sa isang silid na punong-puno ng mga sandata. Isa-isa kong sinuri ang talas ng mga espadang kumikinang at nakuha ng atensiyon ko ang isang kulay itim na mahabang espada. Kukunin ko na sana ito nang biglang may kumuha nito.

"Sa akin ang isang 'to."

Binawi ko ang espadang hawak niya.

"Ngunit ako ang nauna." Sambit ko.

Itinulak ako ng babae na may mataas na tono ng pananalita.

"Ibabaon ko sa kaibuturan mo ang talas ng espadang ito." Ngumisi ito bago nilisan ang silid. Napakunot-noo akong umiling.

"Hayaan mo na Lafiya huwag mong sayangin ang enerhiya mo sa babaeng iyon." Si Clara ito na nag aalalang lumapit sa akin.

"Wag kang mag-alala Clara, hindi siya ang klase ng nilalang na pag-aaksayahan ko ng panahon."

Sa huli ay pinili ko na lamang ang magparaya. Marami pa namang armas na magagamit sa paligsahan.

Bumukas na ang napakalaking pintuan patungo sa arena kung saan gaganapin ang laban. Dinig ang buong hiyawan ng mga taong may mataas na antas. Nilibot ko ang aking paningin at natunton nito ang kina-uupuan ng mga Celestial. Maging sila'y nagagayak at handa ng masaksihan ang gaganaping laban ngayong gabi.

Sinindihan na ng mga kawal na may malaking katawan ang kawayang may langis upang mag silbing liwanag. Napakalawak ng arena. Tanaw rin ang kalawakan at sumisilip na ang buwan sa makakapal na ulap.

Umihip ang malakas na hangin na siyang nagpagulo ng umaalon kong itim na buhok. Ang maputi kong balat ay kumikinang sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa buwan.

Nagsalita na ang isa sa mga Warlord na hudyat na mag uumpisa na ang ubusan ng buhay. Itinali ko na ang aking itim na buhok bilang pag hahanda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Before Dawn: My Aloof Husband 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon