"Don't run away from fate...""THAT'S treason!" Hindi napigilan ni Riku ang sarili nang malaman ang binabalak ng Hari. Nakarating na sa kanyang kaalaman ang aksiyon ng Reyna patungkol kay Dawn.
"Gusto mo bang makulong sa Saint Hall?" Galit na sabi ng kanang kamay ni Liu dahil sa plano niyang pakikipag kita kay Dawn ng palihim. Ang Saint Hall ang kulungan na malapit sa kapital.
"There are prisons for royalties like me." Napailing na lamang si Riku sa sarkastikong sagot ng Hari.
"That's dangerous. Pardon me your highness." Ibinaba ni Riku ang panulat. Nasa loob sila ng silid-aklatan sa loob ng palasyo.
"Please gusto ko siyang makausap." Si Riku lamang ang maaaring makagawa ng paraan upang mawala ang mga mata sa Hari. Ang plano ay gaganapin pagkatapos ng koronasyon.
Nasa silid si Dawn matapos nitong ilagay ang ilang mga bagahe. Kanyang isinuot ang nararapat na kasuotan ng isang taga-sunod. Hindi niya alam ang maaaring mangyare nang malaman niyang siya ang gagawing taga-sunod ng Hari. Bagsak ang kanyang katawan nang maupo sa malambot na katre. Malalim ang iniisip na may halong takot. Marami pa ring katanungan ang nabubuo sa kanyang agam agam. Ang nakaraan... nakaraang kanyang hindi pwedeng makalimutan.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kuwintas na ibinigay ng Duke habang unti-unti nanamang nanunumbalik ang ala-ala nang paslangin ni Liu ang sariling anak.
Ilang pagkatok sa pinto ang nagpabalik dito sa katinuan. Inayos niya ang sarili at binuksan nang marahan ang malaking trangkahan.
"Naabala ko ba ang iyong gabi?" Isang nakangiting babae ang nasa kanyang harapan.
Umiling si Dawn at pinatuloy ito ngunit nag alinlangan ang babae at may pinarating lamang na mensahe.
"Pinapatawag ka ng Commander." Kunot-noo si Dawn nang kunin nito ang isang papel na tila naglalaman ng liham. Pagkatapos ay kaagad na nagpaalam ang babae at iniwan na ito. Pagkasara ng pintuan ay binuksan niya agad ang liham. Sumulat sa kanya ang Commander at pinatatawag nga ito sa Saint Hall.
Mabilis na nagbihis si Dawn at sumunod ito sa utos. Sa likod ng palasyo ang daanan papunta ng Kapital kung nasaan ang Saint Hall. Ang lugar na ito ay kilalang kilala dahil dito ibinibilanggo ang mga bampirang sumusuway sa batas.
Madilim ang daan at malamig ang paligid. Ramdam ni Dawn ang mga matang sumusunod sa kanya kaya't ito'y napapalingon kung saan saan. Nang makumpirmang walang sumusunod ay binilisan na niya ang paglalakad hanggang sa makarating sa Saint Hall. Nang siya ay nasa tapat na ng kapital ay kaagad itong sinundo ng isang lalaking nakatakip ang mukha.
"Narito na tayo sa Saint Hall. Hanggang dito na lamang ako." Sabi ng lalaki at siya ay iniwan sa higanteng pintuan. Bumukas naman ito at lumabas ang dalawang kawal para papasukin sa loob si Dawn. Itinuro ng isa ang kanyang dadaanan papunta sa liblib na bahagi ng Saint Hall. Sinunod niya iyon at nang makarating ay kaagad niyang natagpuan ang Commander na naroon at nakasuot ng mahabang itim na balabal.
Inayos ni Dawn ang sarili. Alam niyang si Riku ang nasa harapan at hindi siya dapat mahalata nito.
"Luna." Nakangiting sabi ng Commander nang ito'y makalapit.
"Ano ang aking maipaglilingkod Commander?" Nakangiti ng malaki si Riku at tinanggal ang itim na balabal.
"Bukas ang koronasyon ng Hari. Huwag kang mawawala. Kailangan kita sa oras na matapos ang seremonya. Ang kailangan lamang ay ang presensya mo. Huwag kang hihiwalay sa Reyna hanggang sa matapos ang seremonya. Mag iiba ka lamang ng landas kapag isinuot na ang korona sa Hari." Hindi malaman ni Dawn kung bakit sinasabi ni Riku sa kanya ang mga bagay na ito.