Chapter 1

13 2 0
                                    

WARNING: This story contains mature words that may not be suitable for young readers. Anything you read in here are purely fictional, and does not reflect the exact meaning of the song. If you know it's bad, do not imitate it.


Enjoy reading!


-----


"Viv! Oh my gosh! Have you heard about it? May bagong labas na ang Chanel! And it's limited edition!" My heart bounced when I heard Seah's voice na kapapasok lang ng room. Sobrang tinis ng boses. 


"Si Vivienne pa ba magpapahuli? Eh para nga 'yang si Jenni--" Napatigil si Leigh sa pagsasalita nang ipakita ko sa kanila ang bagong bili kong Chanel bag. "Oh, diba, I told you." Mapang-asar na sabi ni Leigh kay Seah.


"Ako pala ang late," Naka-ngusong sagot niya 'saka umupo sa tabi ko, because the class is about to start. 


We had our last 3 exams for today. Nauna nang umuwi yung mga kaibigan kong sina Leigh at Seah, we're all in the same course, Pre-Vet. We've been friends for some quite long now, sila lang naman kasi 'yung nakakatiis sa ugali ko. Dumaan muna ako sa cafe na malapit sa University para bumili ng kape, I just like coffee, especially kapag maraming gatas. 


I went home straight at bumungad sa'kin ang mommy ko. Lalagpasan ko na sana siya nang tawagin niya 'yung pangalan ko. 


"Vivienne Guzman!" She said my full name, lagot na. 


"Sabi na nga ba, sana nagtagal muna ako sa coffee shop." Bulong ko sa sarili ko. 


Walang gana akong humarap sa kaniya, habang pinipilit na itago 'yung bag ko sa likod ko. Napatingin ako sa hawak niyang papel, "Ano na naman bang binili mo, Vivienne? Bakit ang laki ng bill ng card mo?" 


"I bought something, of course." Malumanay kong sagot.


"Did you buy another bag, Vivienne?" There's a hint of frustration in her voice.


"Yes, but--" 


Mom cutted me off, "Jusko naman! Magthi-3rd year college ka na, 21 years old ka na! Hindi mo pa rin alam kung ano dapat na mga priority bilhin o mas importante?! Bakit ka bibili ng bag na worth 40k? Ang liit ng bag na 'yan!" She pointed out the bag behind me. "Tapos, naka-ilang bili ka pa ng sapatos last week! Ay, jusko!" Mom massaged her temples.


"At 'saka bakit mo dadalhin sa school mo 'yung ganiyang kamahal ng bag? Hindi mo ba alam na puwedeng manakaw 'yan doon?" Inis na turo niya sa bag ko.


"What am I going to do here? Just display it in my room? And duh, I have 2 bodyguards, gosh daig ko pa ang artista!" Pabalang kong sagot, kita kong kumunot ang noo ng mommy.


"You do really need bodyguards, at hindi lang dapat dalawa! Dahil sa dami ba naman ng mga kalokohan mo, kulang pa 'yon!"


"Are you done?" Spoiled kong tanong. She didn't even bother asking me how was my day, o kumusta man lang 'yung klase namin? 

Bibingka (Ben & Ben Series #2)Where stories live. Discover now