Chapter 6

10 1 0
                                    

"What do you want for Christmas, anak?"

Napatingin ako kay daddy nang bigla siyang magtanong habang kumakain kami. Saglit akong natahimik para mag-isip.

"I think, I'm good, dad." Naka-ngiti kong sabi. Pero may biglang pumasok sa isip ko. "Or what if daddy, i-cash mo na lang 'yung gift mo sa'kin. I wanted to have some kind of Christmas Party for the kids here!" Excited kong sabi.

Nagkatinginan si daddy ate tita Jess. "That's a good idea, hija! Hindi pa nagagawa 'yon dito. Kadalasan ay sa fiestas lang nangyayari 'yan." Sabi ni tita.

"Don't worry, anak. I'll sponsor that. Also, I saw the toys sa living room, that's really good! I appreciate that you have compassion sa mga bata." Daddy said.

"Natauhan kasi ako Dad sa sinabi ni Kib kanina, na mas masaya magbigay sa iba kaysa puro sa sarili," Hindi ko namalayan na naka-ngiti na din pala ako.

"It seems that Kib is a good influence to you, anak." Dad said before drinking from his glass.

I shrugged, "I guess so. Pero madalas, nakakainis siya." I rebutted, 'saka muling kumain.

"Palabiro lang talaga ang batang 'yon." Natatawang sabi ni tita Jess.


KINABUKASAN, maaga kaming umalis para sa Simbang Gabi. Napa-ngiti ako when I realized that I am already slowly adjusting dito sa probinsya. Well, hindi naman pala siya super pangit at boring gaya ng nasa isip ko noon. Syempre, minus the fact na mahina talaga ang signal dito.

"Magandang umaga, Gov!"

"Good morning po, Ma'am."

Maraming bumabati kila daddy, as usual. Tahimik lang akong naka-sunod sa likuran nila, tapos nasa likod ko naman 'yung mga bodyguards.

"Madam!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. It was him.

"Good morning po, Gov, ma'am Jess!" Masiglang bati ni Kib.

"Magandang umaga, hijo. Nasaan ang mama mo?" Tanong ni tita Jess.

"Pasunod na po 'yon, ma'am. Hinintay niya lang po yung kapatid ko." Tumango lang sila daddy at nagsimula na ulit maglakad ara maghanap ng mauupuan.

Nagulat naman ako nang biglang tumabi sa'kin si Kib sa paglalakad, "Saan ka uupo, Madam?" Tanong nito.

"Bakit?" Tanong ko din.

Umiwas siya ng tingin, "Wala, natanong ko lang."

"Syempre sa tabi nila daddy," Sagot ko.

"Patabi din ako." Sabi niya.

Bigla akong napatingin sa kaniya, "Nakiki-pamilya? Wala ka family?" Natatawa kong sabi.

Napakamot siya sa ulo, "Damot mo naman," Naka-nguso niyang sagot.

Nahampas ko tuloy siya sa balikat kakatawa, "Oo na, tara tabi ka samin. Pero baka hanapin ka ng mama mo,"

"Hindi, malaki na 'yon." Natatawa niyang sabi.

"Baliw."

Mabilis lang na natapos ang misa. Hindi nga ko masiyadong makapag-concentrate dahil natatawa ako kay Kib. Bumabagsak na kasi ang ulo niya dahil sa antok. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang nasiko at nakurot sa tagiliran. Pero pagtapos naman ng misa ay gising ay gising siya, hay nako.

Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin paglabas ko ng simbahan. Napadilat ako nang maramdaman si Kib sa tabi ko.

"Ano na? Bibingka na!" Natatawa niyang sabi, "Libre mo ko, diba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bibingka (Ben & Ben Series #2)Where stories live. Discover now