DALAWANG araw na akong paikot-ikot lang dito sa loob ng bahay. Nakakalabas lang ako ng madaling araw kapag simbang gabi, pero pagtapos non ay uuwi na din kami agad. Feeling ko nabubulok na ko dito sa bahay. Nakakalabas at nakakagala lang naman ako dito kapag nandyan si Kib at inaaya ako.
Speaking of Kib, dalawang araw na din simula noong huli kaming nagkita. Hindi ko rin siya nakikita sa simbahan. Baka busy? Busy kay Nessa? Wow, paranoid.
Siguro kung nasa Manila lang ako ngayon, panigurado nasa Mall ako ngayon at nagsho-shopping. Oh! Speaking of shopping, sobrang miss ko na mag-shopping!
Mabilis akong bumaba ng hagdan para kausapin si daddy. Gusto kong magshop today! For sure papayagan niya naman ako dahil mabait naman ako these past few days.
"Dad!"
Hingal akong napa-ngiti nang makitang naabutan ko pa si daddy bago siya sumakay ng sasakyan niya paalis.
"Oh. Bakit, anak?" He asked.
"Dad, I was wondering if I could go on a shopping today since wala naman akong gagawin ngayon. And miss ko na din magshopping!" I said excitedly.
His face suddenly turned worried, "Pero ang sabi ng mommy mo iwasan mo na ang pagsho-shopping, lalo na yung mga bagay na binibili mo kahit di mo naman kailangan. Diba yun nga yung isa sa rason kung bakit ka nandito?"
I pouted, "Daddy naman, eh. Konti lang promise!" I raised my right hand, "Saka para maka-gala naman ako sa malls dito."
He sighed, "Promise, konti lang ha. Lagot ako sa mommy mo nito." May kinuha siyang card mula sa wallet niya. "I need your receipts, ha. Make sure to be always mindful sa mga binibili mo. Know your limits, anak."
Nanlaki mata ko nang iabot niya sa akin ang card niya, "Yes, dad!" I smiled.
"Ang mall dito ay 1 hour away, malalayo talaga ang mall dito. Magpasama ka sa driver mo. Sasabihan ko din si Kib na samahan ka." Bilin niya bago sumakay ng sasakyan. "Wag kang magpapa-gabi, Vivienne."
Oh my gosh. "Si Kib???"
Biglang kumunot ang kilay niya, "Bakit? May problema ba kay Kib?"
"W-wala naman po, dad."
He nodded, "Okay, then. Mauna na ko." He kissed my forehead before heading his car.
Hindi na ko nakapag-reklamo kay daddy nang makitang umaandar na paalis ang sasakyan niya. Omg talaga anong gagawin ko? Huling kita namin ni Kib, hindi ko siya pinansin. Tapos biglang magpapasama ako sa kaniya sa mall???
Bahala na! Ang mahalaga makakapag shopping ako ngayon. Yay!
Mabilis akong naligo at nag-ayos. I wore a white jeans, and a plain black short sleeve turtle neck, paired with a black flats. Inilagay ko na sa loob ng maliit kong sling bag ang phone, at wallet ko. I put on a little bit of lipstick. And done!
Akala ko maghihintay pa ako ng matagal sa kaniya. Pero pagbaba ko ay nandoon na siya sa baba, kausap si Manang.
Nanlaki mata ko nang bigla kaming magkatinginan. Mabilis kong iniwas ang tingin ko, at nagkunwaring may hinahanap sa bag ko.
"Nandito na pala si Madam!" Natatawang bungad ni Kib, pero hindi ko siya pinansin.
Dumeretso ako kay Manang, "Pakisabi na lang po kay daddy na aalis na po kami,"
Mabilis siyang tumango, "Sige po, ma'am. Ingat po kayo."
Nilagpasan ko lang si Kib at dere-deretsong lumabas. Naghihintay na sa labas ang driver. Pumasok na ko sa loob ng sasakyan, ganon din ang driver.
YOU ARE READING
Bibingka (Ben & Ben Series #2)
Teen FictionBen & Ben Series #2 Para kay Vivienne Guzman, being wealthy is the key to happiness. She had everything, not only what she needed, but also everything she wanted. Ang contenment para sa kaniya ay pagkakaroon ng mga bagay na gusto niya, lalo na sa ma...