---
"OMG, girl! Kilala niyo ba kung sino 'yung nasa billboard? Ang pogi niya!"
Kahit naka-suot ako ng earpods, rinig ko ang malakas na tili ng kaibigan kong si Seah. Muntikan ko na siyang mabatukan dahil sa biglaan niyang pagtili.
"Patingin nga!" Kita ko kung paanong hawiin ni Leigh ang ulo ni Seah na naka-harang sa bintana ng sasakyan, hinanda ko na 'yung sarili ko dahil alam kong isa pa 'tong malakas din tumili. "Hala! Oo nga, ang pogi!" Malakas niyang sigaw. "Viv, OMG, look! Baka kilala mo 'to, parang sa company yata siya ng mommy mo!"
"I'm not interested." 'Yan ang sabi ko sa utak ko. Naka-titig lang ako sa bintana ng sasakyan sa kahabaan ng EDSA. Napakadaming billboards, at totoo nga, karamihan ay galing sa mga models ng kumpanya ni mommy, siguro 'yung tinutukoy ng mga kaibigan ko kanina ay isa din doon.
Napa-hinga ako ng malalim bago pumasok sa building ng office ni mommy, pero 'yung dalawang kaibigan ko, ayun at nauna nang naglakad sa'kin dahil excited na daw silang makita 'yung mga bagong model.
"Dear, you're here!" Salubong sa akin ng mommy ko habang naka-ngiti, "You should have texted me na darating ka!"
I smiled back, pero tipid, "I did, ma. Hindi mo pa yata nabasa." Maikling sabi ko sa kaniya, 'saka dumeretso ng pasok sa opisina niya.
I heard her slight chuckle sa likod ko, "Oo nga pala, hindi ko pa pala na-check ang phone ko simula kanina. Dumating na kasi 'yung mga bagong model kanina. Mga apat yata sila." There's a hint of excitement sa boses niya.
Napatingin ako sa labas at kitang nandoon na agad ang mga kaibigan ko kasama 'yung ibang mga lalaking model. Basta pogi talaga hindi sila papahuli.
Natigil lang 'yung pag-iisip ko nang marinig ang boses ni mommy sa tabi ko at inabot sa'kin 'yung tubig, "Buti kasama mo sila Seah at Leigh, hindi ka nabobored dito."
"They like here, because of them." Turo ko doon sa mga lalaking kausap at katawanan ng mga kaibigan ko.
Lumabas ako ng opisina ni mommy at naglakad papunta doon sa kumpulan nila. There were five of them. Napalingon sila nang makalapit ako.
"Uuwi na ba tayo, Viv? Later na please?" Naka-ngusong sabi sa'kin ni Seah habang naka-kapit sa braso ko.
"Okay, later." Tipid-ngiting sagot ko sa kaniya na ikinasaya niya, 'saka bumalik sa pakikipag-kuwentuhan sa mga lalaki.
Ramdam ko ang matagal na titig nang isang lalaking kasama namin kahit naka-tingin lang ako sa phone ko. Nailang ako nang bigla silang tumahimik kaya agad akong napatingin sa kanila. Nagpasalit-salit 'yung tingin nila sa aming dalawa ng lalaking kaharap ko.
Nagulat ako nang biglang sumigaw si Seah, "Uyyy, ikaw Jenzo ah! Ba't naka-tingin ka kay Vivienne? Crush mo siya, 'no? Ikaw ha!" Napa-irap na lang ako sa hangin dahil sa pang-aasar ni Seah, 'saka muling yumuko para mag-phone.
"Vivienne pala pangalan niya?" Rinig kong sabi nung Jenzo kahit hindi ko tignan.
"OMG ka! Hindi mo alam pangalan ng anak ng boss mo? My ghad, kung ako boss mo, tinanggal na kita!" Gulat na sabi ni Leigh na ikinatawa nila, "Etong ganitong kaganda, hindi mo kilala? My ghad ka talaga!" Pagtutuloy niya habang nakaturo ang isang daliri sa akin.
Agad ko namang ibinaba 'yon, at nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa niya. Agad akong tumayo at inaya silang umuwi na. "Tara na, uwi na tay--"
YOU ARE READING
Bibingka (Ben & Ben Series #2)
Teen FictionBen & Ben Series #2 Para kay Vivienne Guzman, being wealthy is the key to happiness. She had everything, not only what she needed, but also everything she wanted. Ang contenment para sa kaniya ay pagkakaroon ng mga bagay na gusto niya, lalo na sa ma...