"Oh, Vivienne, saan ka galing?" Rinig kong tanong ng daddy ko pagbalik ko sa loob ng covered court.
"Just outside." Tipid kong sagot.
Maya-maya lang ay may mga lalaking naglalakad papunta sa direksyon namin, I guess they were 4? My dad immediately smiled when they saw them.
"Gov! Ang aga mo naman!" Bati nung isang matanda sa daddy ko.
"Oo naman, Mayor, syempre unang medical mission 'to." Nakipag-kamay siya sa apat. "Siya nga pala, anak ko nga pala. Nakatira siya kasama 'yung mommy niya sa Manila."
"Hi," I greeted, and smiled awkwardly.
"Anak mo ito?!" Gulat na tanong ng isa, "Aba'y napakaganda naman ng anak mo, Governor!" Napangiti ako. Kapag nakakarinig talaga ako nang sinasabihan ako ng maganda, kusang ngumingiti ang mga labi ko.
"Aba'y kanino pa ba magmamana?" Pagyayabang ng daddy ko, 'saka sila tumawa. Nagpaalam na sila dahil may gagawin pa daw sila. Dumalaw lang sila saglit para batiin si daddy.
Maglalakad na sana ako papunta doon sa mga upuan nang may marinig akong pamilyar na boses. "Gov! Pasensya na po, nahuli ako. Tinulungan ko pa po kasi si nanay sa bukid."
Napalingon ako at nakitang nilapitan ng lalaking epal na nakausap ko kanina and daddy ko. "Ayos lang 'yon, hijo, magsisimula pa lang naman."
Agad kumunot noo ko nang makitang parang close sila ng daddy ko. Nagulat ako nang bigla din siyang mapatingin sa'kin. "O, si Ms. Englishera pala 'to oh." Natatawang sabi niya nang makita ako, kita ko ring natawa ang daddy ko.
"Englishera your face," Mahinang sabi ko 'saka umirap. Pero imbis na mainis sila sa ginawa ko, natawa lang sila.
"Pagpasensyahan mo na itong anak ko, hijo. Suplada talaga iyan, mana sa mommy niya. Kadarating niya lang din kahapon, kaya hindi pa siya masiyadong sanay sa mga tao dito," Mahabang paliwanag ni daddy.
Kita kong tumango 'yung lalaki, "Ahh.. kaya pala." Nagulat ako nang bigla niyang nilahad kamay niya sa'kin, "Kib pala." Pagpapakilala niya.
"Hindi ako interesado," Pagsusungit ko.
Rinig kong tumawa ang daddy ko, "Siya si Vivienne, anak ko. Anak, si Kib. Minsan assistant, pero madalas runner ko 'yan. Masipag ang batang 'yan. Magka-edad lang yata kayo," Bumaling siya doon sa Kib, "21 ka lang din, hindi ba?"
"22 na po, Gov." Sagot niya habang naka-ngiti. Hindi ba siya titigil kakangiti, ha?
"Ah, 22 pala. Pasensya na at makakalimutin ako. Oh siya, maiwan ko na muna kayo at magsasalita pa ako sa stage bago magsimula. Kib, hijo, ikaw na muna ang bahala sa anak ko at baka ma-busy ako mamaya. Iikot mo muna siya dito sa baryo." Mahabang sabi ni daddy bago umalis.
"Dad, ayoko-"
Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko dahil dere-deretsong umalis si daddy. I felt awkward dahil kaming dalawa nung Kib ang natira. Even his name sounds weird. Maglalakad na din sana ako palabas papunta sa sasakyan, kaso bigla namang hinawakan ng feeling close na Kib na 'to 'yung kamay ko.
YOU ARE READING
Bibingka (Ben & Ben Series #2)
Teen FictionBen & Ben Series #2 Para kay Vivienne Guzman, being wealthy is the key to happiness. She had everything, not only what she needed, but also everything she wanted. Ang contenment para sa kaniya ay pagkakaroon ng mga bagay na gusto niya, lalo na sa ma...