Chapter 4

4 0 0
                                    

"Bayaran mo na."

Nanlaki mata ko nang sabihin sa akin ni Kib 'yon. Hawak niya na ang plastic kung saan nandoon ang binili niyang bibingka.

"Ano? Ako magbabayad? Eh, ikaw bumili niyan!" Suhestyon ko.

"Ikaw naman ang kakain," Ngisi niya.

"Edi wag na! Ikaw na lang kumain. Hindi ko naman sinabing gusto ko 'yan," Umirap ako.

"Biro lang," Tumawa siya ng pang-asar saka bumunot sa bulsa niya at binayaran yung tindera. "Salamat, te Mely."

"Nakakatuwa naman kayong dalawa tignan." Naka-ngiting sabi nito.

"Nako, pag-pasensyahan niyo na ho ang Madam, palaging mainit ang ulo," Pang-aasar niya pa.

Madam ka diyan. Baka gusto mong Madam-in ko 'yang mukha mo.

Syempre sa isip ko lang sinabi 'yan. Baka pag sinabi ko yan sa kaniya ay mayari ako kay daddy kapag nagsumbong 'yan.

Napa-tingin ako sa langit at malapit nang magliwanag. Malapit nang mag-ala sais ng umaga, at lumalabas na rin ang araw.

Naputol ang pag tingin ko sa langit nang magsalita ang katabi ko. "Oh, kainin mo na to. Masarap 'yan kapag mainit pa."

Napatingin ako sa kaniya at inaabot sa akin ang parang maliit na cupcake na nakabalot sa kulay green, parang dahon. Hindi ko alam.

"Malinis ba yang dahon na yan?" Tanong ko sa kaniya.

Tumawa lang siya, "Oo naman. Dahon yan ng saging, isa yan sa nagpapasarap sa bibingka." Binuksan niya ng bahagya ang dahon ng saging na naka-takip sa bibingka. "Oh, kainin mo na to,"

Kinuha ko yung bibingkang inaabot niya sakin. Sinubukan ko munang kumagat ng maliit. At bigla akong na-awkward dahil nakatingin pala siya sakin. Siguro ay hinihintay ang magiging reaksyon ko.

Dahan-dahan akong tumango nang marealize na masarap pala 'to. Sinubukan ko ulit kumagat pa, at mas nalasahan ko ang kaunting tamis nito.

"Masarap ba?" Naka-ngiting tanong ni Kib, halatang excited sa itatanong ko.

Nag-kibit balikat ako, "Hmm, puwede na." Pero ang totoo ay masarap talaga siya.

"Sabi sayo, eh." Binuksan niya na din ang kaniya saka kumain kasabay ko.

"Masarap sana 'to kung may kape. Yun yung bagay dito sa umaga, eh," Rinig kong sabi niya, pero hindi ako sumagot dahil talagang nag-enjoy ako sa bibingka.

Napatingin siya sakin nang makitang ubos ko na ang kinakain ko. Kinuha niya yung dahon ng saging sa kamay ko, at inilagay yon sa plastic na hawak niya. "Gusto mo pa?" Tanong niya.

Umiling ako, "Hindi na. Di naman gaanong masarap." Duh! Ang sarap kaya! Wala lang akong pera ngayon. Next time magpapabili ako kay daddy.

"Ang bilis mo nga naubos, eh." Asar nito.

"Duh, syempre, nakakahiya naman kung hindi ko uubusin. Libre na nga lang, eh."

"Hayaan mo, bibilhan ulit kita bukas." Naka-ngiting batid nito.

"No thanks! Ayokong magka-utang na loob 'no." Nasaan na ba kasi sila daddy? Bakit ang tagal naman nila? Wala akong kasama dito, ang awkward!

Speaking of kasama, hindi ba may sinundong kaibigan raw si Kib? Itatanong ko ba sa kaniya? Tsk, bahala na.

"Nasaan na pala 'yung kasama mo?" Pagbasag ko sa katahimikan. Katatapos niya lang kumain.

"Sinong kasama?" Tanong niya habang ngumunguya pa.

Bibingka (Ben & Ben Series #2)Where stories live. Discover now