Nagulat ako nang abutan ako ng basket ni Kib. Akala ko ba titignan lang namin 'yung lugar? Bakit naging magsasaka na ko ngayon?"Ilalagay mo lang diyan 'yung mga nakuhang mais, tapos ilalagay mo lang doon sa gilid." Sabi niya habang nakaturo doon sa tabi ng puno.
Tinignan ko siya habang naka-taas ang isang kilay, "Tapos ikaw? Anong gagawin mo?" Masungit kong tanong.
Bigla namang gumuhit ang isang pilyong ngiti sa labi niya, "Titignan ka lang kung paano ka mahirapan."
Akmang hahampasin ko na sana siya gamit 'yung basket, nang dumating ang mama niya. "Nako, hija, ayos lang kahit hindi ka na tumulong sa amin. Ayaw ka naming mahirapan." Malumanay na sabi ng mama niya.
Tatanggi na din sana ako nang biglang sumabat si Kib, "Hindi po ma, ayos lang 'yon kay Vivienne." Saka siya tumingin sakin, "Diba gusto mo din naman tumulong?"
Sinamaan ko siya ng tingin, habang siya ay naka-ngiti lang, "O-opo, ayos lang."
Kita kong ngumiti din ang mama ni Kib dahil sa sinabi ko, habang si Kib naman, ayun at tumatawa na ang loko. Lagot ka sa'kin mamaya!
Bago naglakad paalis kasama ang mama ni Kib, lumingon ako sinamaan ng tingin si Kib. Yari ka sa'kin mamaya.
Dumating kami sa napakaraming mga mais, tinuruan ako ng mama ni Kib kung paano ang gagawin. May gusto sana akong itanong sa kaniya kung paano ang gagawin, kaso hindi ko naman alam ang itatawag sa kaniya. Bahala na.
"A-ah, mama ni Kib?" Nahihiya kong sabi. Bigla naman siyang lumingon at ngumiti.
"Ate Flor na lang ang itawag mo sakin. o Tita Flor, yun din kasi ang tawag ng iba sakin. "Ang sweet ng ngiti niya, "Siya nga pala, bakit pala?"
"Saan ko po ito ilalagay pag napuno na?" Tanong ko.
Tumuro siya doon sa lamesa malapit sa puno, "Doon na lang, hija. At may hahango niyan mamaya doon para ibenta." Tumango lang ako.
Nagsimula akong ayusin 'yung mga na-harvest na mais at ilagay 'yon sa basket. Hindi naman mahirap. Ang mahirap lang ay 'yung kapag bubuhatin mo na siya at ilalagay doon sa mesa.
Nabuhayan ako nang may marinig akong sumigaw, "NANDITO NA SI GOV!"
Yes! Maisusumbong ko na rin si Kib sa wakas!
Nagulat ako nang makitang naglalakad na palapit saakin si Daddy. "Dad!" Mas nagulat ako nang makitang naka-sunod sa likod niya si Kib habang nakatawa ng mapang-asar.
Makakatawa ka pa ba kapag sinumbong kita at sinabing pinahihirapan mo ko?
"Daddy, si Ki--"
"Oh, nice anak! You did a good job!" Agad kumunot 'yung noo ko nang sabihin ni daddy 'yon, tapos humarap siya kay Kib, "You did a good job too." And he patted Kib's shoulder.
Bigla akong nakaramdam ng inis nang tawanan ako ni Kib pag-alis ni daddy para batiin 'yung ibang magsasaka. "I did a good job daw," Natatawang sabi niya, halatang nang-aasar.
"Epal mo," Sabi ko, sabay irap.
"Epal mo." Panggagaya niya pa na mas ikinainis ko.
That afternoon went smoothly. Tinigilan na kong asarin ni Kib nang kumakain na kami. And guess what? Kinakain namin ngayon 'yung mga hinuli naming isda kanina. I didn't expect na maiihaw nila 'yon agad.
YOU ARE READING
Bibingka (Ben & Ben Series #2)
Teen FictionBen & Ben Series #2 Para kay Vivienne Guzman, being wealthy is the key to happiness. She had everything, not only what she needed, but also everything she wanted. Ang contenment para sa kaniya ay pagkakaroon ng mga bagay na gusto niya, lalo na sa ma...