Visitor
As I open my eyes. The white ceiling immediately dawned on me. Naalala ko na isinugod pala ako sa hospital kaya ako nandito ngayon.
Inangat ko naman ang kabilang kamay ko para makita ang kamay kung parang may naka takip.
I saw my other palm with a bandage around it. Siguro ay nadiinan ko pagkabagsak ko ang bubog na kumalat kaya ako nasugatan.
Ang kabilang kamay kong may suero ang ginamit ko para tanggalin ang oxygen na nasa bibigko. It's for me to help me breathe. Pero diko na yun kailanagan ngayon.
"Adria! Hey, how are you feeling?" It was Kuya Travis.
Lumingon agad ako sakanya. Lumapit ito sakin at hinalikan ako sa nuo napangiti naman ako sakanya.
"I'm fine Kuya Travis." Sabi ko ng malapad ang ngiti sa labi dahil yun din manan ang totoo.
"She's fine Kuya." Said Zachary dahil mukang ayaw pa maniwala ni Kuya Travis.
"Okay just a minute, tatawag lang ako ng Doctor." Sabi ni Kuya Travis sabay alis sa tabi ko't lumabas na.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. It was big as always! There's a sofa sa harap naman merong flatscreen TV na malaki. May pinto di kalayuan sa hospital bed ko, siguro ay ang Restroom. Malaki ang kwarto pero bukod samin ni Zachary ay wala ng ibang tao pa.
"Where's Mom and Dad?" I ask Zachary. Diko nalang pinahalata ang tampo na nararamdaman ng ma-realized ko na walang parents akung nadatnan pagkagising ko.
"As you can see wala sila." Sabi niya habang busy sa phone niya.
"The hell Zachary?! Nagtatanong ako ng matino ha!" Galit agad na sigaw ko sakanya.
Nagulat siya sa reaksyon ko kaya binitawan niya agad ang phone niya at tumayo. "Hey... Relax Adria, I'm just kidding." Sabi niya ng natatawa.
"At ako? Sa tingin mo nakikipag biruan ako?!" sigaw ko ulit sakanya.
"Hey stop shouting. Kakagising mo lang!" Saway niya sakin ngayon natataranta na at lumapit sakin.
"I'm gonna sumbong you to Kuya Travis." Madrama kung banta sakanya. Mahilig akung makipag bardagulan sakanya pero pag wala ako sa mood kawawa siya palagi.