Kabanata 5

23 1 0
                                    


Hot



Pagkatapos kung maiisip na magpalipas muna ng oras sa garden agad na akung nagtungo sa kusina. Plano ko ngang paglutoan ang pamilya ko ngayon. Wala din naman akung gagawin na.


"Manang ano po bang lulutuin niyo for dinner?" Tanong ko sa Mayor Doma ng mansion ng makarating ako sa kusina.



"Bulalo, Adobo, Inihaw na bangus, Kare-kare at dalawang uri ng gulay hija." Sabi ni manang.


Tumango naman ako bago magsalita. "Ako na pong magluluto ng Bulalo at Adobo manang pag-lulutuan ko din po kasi sila ng pasta." Masayang sabi ko kay manang.



"Sige hija, kung yan ang nais mo. Tatawag lang ako ng dalawang katulong para kung may iba kapang kailangan may tutulong sayo." Paalam niya at umalis na. "Okay, Thank you po."



Kinuha ko naman ang apron sa isang kabinet at sinuot na ito. Tinali ko naman ang buhok ko ng pa messy bun.


Dumating na ang apat na maid's siguro dalawa ang tutulong sakin at dalawa naman ay tutulong sa Head Chef dito sa mansyon na nag luluto. Nilabas nila ang mga lulutuin namin at ang mga kasangkapan nagagamitin.



Nilapag nila lahat sa mahabang marble na mesa sa gitna. Nagsimula ng maghiwa ang isang matabang babae ng mga kasangkapan na lulutuin. Una kung niluto ang adobo, isusunod ko ang pasta ihuhuli ko ang bulalo.



Natututo akung magluto noong 17 ako nagpapaturo ako sa Maid namin sa bahay sa Manila. Wala din kasi akung masiyadong ginagawa noon kaya pagluluto ang pinag-aralan ko, Para naman mapag-luto ko rin ang pamilya ko.



Pero palaging wala ang parents ko dahil dito sila namamalagi sa Isabela. Dito ang uwi ni Dad. Ewan ko ba noon naman gusto ni Dad na palagi kaming magkasama kaso lang nag iba na ngayon. Wala sila kaya ang mga kaibigan ko nalang ang pinaglulutuan ko minsan. Ngayon nalang ulit ang pamilya ko makakatikim ng luto ko.



"Ang galing niyo palang magluto miss Adria." Puri sakin ng isang katulong ng matapos kung ipatikim sa kanila ang naluto ko ng adobo at bulalo. Busy naman ang ang Head Chef sa pagluluto ng ibang ulam.


"Salamat po manang Faye." Sabi ko dito ng nahihiya.


"Saan po kayo natutong magluto?"


"Sa maid's po namin sa manila nagpaturo ako sa kanila."


"Ang cool niyo naman po miss Adria. Maganda't mabait na kayo, magaling pang magluto." Sabi ng mas batang katulong natawa naman kami.


"Hindi naman" Sabi ko.


Madaming nagsasabing spoiled at panget daw ugali ko at karamihan sa mga nagsasabi niyan, they don't know me. Natatawa nalang ako pag-may nag-sasabi sa'kin ng ganyan kasi sa bandang huli napagtatanto nalang nila na mali sila ng akala. Yan palagi ang problema ng karamihan. They judge people agad, without knowing them nor even it's just their first encounter with someone ganon lagi agad. Judge! Judge! Judge!

Lost and FoundWhere stories live. Discover now