Violet's POV
Hi guys!!!! I'm Violet Villaluna, 19 years old, currently taking BS in Computer Science. taken ehem hahahaha, YESSSS GHORL!!! taken ang chikana na to no hahaha im in a relationship with my 2 year boyfriend Darren he is the best thing that has ever happen to me di ko alam kung ano gagawin ko kung mawawala sya sa tabi ko ewan ko ba parang nasanay na ako na lagi ko syang nasa tabi.
"Love tulala ka dyan ?" saway saken ni darren, andito kasi kami sa isang favorite resto namen wala lang nag date lang hahaha medyo nagiging busy na kasi sya sa stuides nya kaya minsan na lang kami magkasama"ayan sya oh ayaw mamansin" sabi nito hhahaha cutie talaga kahit kelan
"nakuuuu, choootie naman nyannn" kinurot ko sya after ko sabihin yon
"love naman eh ano na naman ba iniisip mo?" sabi nito sabay sandal sa balikat ko napaka clingy talaga nyaaa hihihi
"wala naisip ko lang na ang swerte ko sayo" sabay hawak ko sa pisngi nya. hinawakan ko ang mukha nya at hinirap sa saken
"iiwan mo ba ako?" tanong ko dito
"never kitang iiwan, walang aalis sa atin, ikaw lang ang tahanan ko at uuwian ko mahal na mahal kita love" sabay halik nya sa noo ko
napansin nya atang naiiyak na ako kaya pinunasan nya luha ko
"o bat umiiyak ang bebe?"
"wala ang sweet mo kasi, kahit di na ako mag dessert nawala na umay ko sa lechon kawali"
nag tawanan lang kaming dalawa, at nag kwentuhan pa hanggang sa maubos ang oras namen at kaylagan na naming umuwe.
"sa unit ko muna ikaw matulog love" sabi nito saken andito na kami sa tapat ng bahay namen
"ihhh di pwede, di ako papayagan ni mama di tayo nakapag paalam ng mas maaga" sabi ko dito sabay hwak sa pisnge nya npaka gwapo talaga minsan nag tataka ako bat ako minahal nito eh, eh eto lang naman ako
"hmpff, next time ah, i love you" hinalikan nya ako sa labi
"i love you too love" at ako naman yumakap sa kanya
"mag iingat ka sa pag ddrive ah" pa alala ko dito bago ako lumabas ng kotse nya
"yes bosss! text ako agad pag uwe ko" darren
i waved him good bye and he started to drive away from our house.
pumasok naman na rin ako agad at naabutan ko si mama sa sala nakaupo mukhang inaantay ako umuwe
"oh anak, andyan ka na pala, andyan ba si darren?" tanong nito saken pag pasok na pag pasok ko
"ay umuwe na po ma, gabi na rin kasi po kaya di ko na pinapasok, may sasabihin ka po ba?" tanong ko pagkatapos ko mag bless sa kanya at umupo sa harap nya
"ah wala naman anak, mas okay nga kung ikaw lang kakausapin ko ngayon" medyo kinabahan ako sa tono ni mama at di rin sya makatingin saken ng mabuti. ano meron?
"anak, i am sorry kung ngayon ko lang to sasabihin, pero lately ba lagi kang kinakapos sa hangin? or hinihingal? nahihirapang huminga?" pag aalalang tanong ni mama, paano naman nya nalaman? eh wala naman ako pinag sabihan maski si darren kasi ayokong mag alala sya
"ma? paano mo po nalaman? pero opo bakit po?" takang tanong ko dito, na nag pasimula sa kanyang maiyak
"anak.. pasensya kana kung ngayon ko lang to sabihin, noong pinanganak kita naktia ng doctor na may maliit na butas sa puso mo. that time hindi namin kaya ng papa mo ipaopera ka and inadvice rin ng doctor na wag na rin galawin kasi premature baby ka that time sobrang dami mong complications, sinabi ng doctor na operahan ka na lang kapag lumala na yung sintomas mo" tuloy tuloy nitong sinabe sa akin, nakatingin lang ako sa kanya di ko alam kung pano ipprocess lahat sa utak ko
"anak, kaya yung papa mo di natin nakaksama kasi sinusubsob nya sarili nya sa trabaho alam kong nag tatampo ka sa papa mo dahil di nya tayo inuuwian dito kahit na naging successful naman na business natin sa japan, naghahanda kasi papa mo sa posibleng mangyari"
"anak ko, gusto ko sana sa loob ng 2 buwan sa japan na tayo para ma obserbahan ka ng mas mabuti at makapag treatment ka ng mas maayos doon anak ko please di ko kayang mawala ka saken, samin ng papa mo" lumuhod ito sa harap ko habang umiiyak
mama kooo.... umiiyak na rin akong niyakap sya habang yakap yakap ko si mama nakita kong may nag notify sa phone ko text ni darren.
---
*text mesg
from: Loveeeyyy
HI LOVEEE, NAKAUWE NA PO MEEEEE. NAKA PAHINGA KANA? RAVE TAYOOOO BAGO ME MAG REVIEWWW IMISSYOUUUU LOVE-----
lalo akong naiyak nang ma alala ko yung samin ni darren. paano na to? mahal ko :(
BINABASA MO ANG
TAHANAN
FanfictionSapat ba ang pagmamahal? Mas madali nga bang bumitaw kung para sa mahal mo? paano naman sarili mo? handa ka bang talikuran ang tahanan mo? Kaya mo bang gawin para sa kanya lahat? sabay sabay nating tuklasan kung paano bumangon at labanan lahat ni V...