Violet's POV
isang buwan na ang nakalipas pero di ko parin nasasabi kay darren kung ano lagay ko di ko kasi alam kung paano nahihirapan ako kasi everytime na magkasama kami ang saya saya namin.
tapos na ang school year next month mag aapply na si darren for his internship, isa pa yun kaya di ko masabi sabi sa kanya kasi ayokong mawala sya sa focus kasi na maddistract lang sya
"kamusta anak ?" nakita ko si mama nakatayo sa labas ng kwarto, umayos ako ng upo at pumasok sya sa room ko
"ma di ko kaya" sabi ko sa kanya habang umiiyak
"alam kong mahihirapan ka anak ko, pero diba kaylangan nya rin yun malaman ang unfair naman sa kanya kung di mo sasabihin" hawak ni mama yung kamay ko, oo tama sobrang unfair non kay darren kaya napag desisyonan kong sabihin na talaga sa kanya
"sige ma pupunta po ako ngayon sa kanila, umuwi kasi sya eh" sabi ko dito tumango naman si mama at niyakap ako
---
andito na ako sa tapat ng gate nila darren nag door bell na ako at niluwa ng gate si tita che
"oh vi anak pasok ka" pagkatpos kong ibeso si tita pumasok na ako at naupo kami sa sala
"umalis lang si darren kasama pinsan nya alam mo naman matagal ng di nauwi yun kaya nakipag bonding maya maya siguro andito nayun" sabi ni tita che habang nilalapg yung tray na may laman na juice at tinapay
"sige po tita salamat po. may sasabihin lang po ako, mas maganda siguro kung sa inyo ko muna sabihin" mas maganda siguro kung sa kanya ko muna sabihin para maging handa rin sya kung sakaling anong mangyare kay darren
sinabe ko sa kanya lahat lahat, tungkol sa sakit ko at sa kung anong plano ko. plano ko kasing makipag LDR na lang muna kay darren hanggat nag papagaling ako sa japan para di naman kami mag hiwalay yun yung way na nakikita ko para mag work parin kaming dalawa dahil di ko talaga kayang iwan sya
"anak nalulungkot ako sa mga nalaman ko pero ako naman makikiusap sayo kung pwede?" medyo kinabahan ako sa sinabe ni tita may mali ba sa plano ko?
"anak di ako bulag para maliitin yung pag mamahal nyong dalawa sa isat isa, si darren nga eh ikaw ang bukambibig lalo pag uuwi sya dito, anak kasi ina alala ko lang yung paparating na internship ni dj kasi alam naman natin na kahit bigyan mo ng assurance si dj eh mag aalala at paniguradong pag tutuunan ka non ng pansin" tumango ako sa sinabe ni tita tama sya talagang mawawala sa focus si darren na iimagine ko na rin yung possible na mangyare sa kanya
"kaya anak kung pwede lang wag mo ng sabihin kay dj yung tungkol sa sakit mo, kung pwede lang na ilihim natin muna sa kanya, mahalaga namang malaman nya pero anak para sakin? na nanay ni dj please? kasi di ko kakayanin na di nya ma abot yung mga pinag hirapan namin, lalo na yung papa nya na doble kayod para lang matustusan pag aaral nya sana maintindihan mo ako anak" naiiyak na pahayag ni tita che.
lalo naman akong naguilty kasi tama sya kung sasabihin ko kay darren yung plano ko paniguradong maddistract lang sya sa pag aaral nya. ngayon ngang mag kasama kami lagi na syang puyat kakahabol ng reviewers nya.
maya maya pa dumating na si darren kasama mga pinsan nya bakas sa mata nya yung gulat ng makita nya ako doon sa sala nila nakaupo
"loveeeeee! ano ginagawa mo dito? kaya pala di ka nag rereply saken ah ssurprise mo pala ako" mablis nya akong nilapitan at yinakap
"nasurprise ka naman ba?" tanong ko dito sunod sunod naman yung tango nya at nag yakap kami nakita ko si tita na para bang sinasabi ng mata nya na please pag bigyan mo ako kaya tumango ako
"dito ka sleep?" parang bata na sinabi ni darren cuteeeee
"sigeee" sabi ko sa kanya kaya lalo namang humigpit yung yakap nya
tinext ko si mama na dito ako mag papalipas ng gabi tutal this is the last time na mag kakasama kami, pumayag naman si papa at pina alalahanan akong sa susunod na araw na ang flight namen pa japan
*kinabukasan
andito kami ngayon sa kwarto ni darren, magkatabi kaming natulog, at oo may nangyari sa ami, hindi naman ito yung una pero im sure na ito na yung huli
"goodmorning pretty" bungad saken ni darren ngumiti lang ako at tumayo
nag linis lang ako ng katawan ko at nag bihis na rin ako, pag labas ko ng banyo nakaupo sya sa kama nya at nakayuko
"may problema ba love?" malungkot nyang tanong habang nakayuko parin
"darren..." di ko patapos sasabihin ko pero nag salita na sya
"anong darren? what happen to love? akala mo ba di ko napapansin na this past few days sobrang cold mo saken? madalas kang tulala at nag iisip pero pag tinanong kita lagi mong sinasabi na wala ano ba problema vi?" ngayon at nakatingin sya saken di ko alam sasabihin ko pero na alala ko yung sinabe sakin ni tita che kahapon
"sorry darren di ko alam kung kelan o pano nangyare pero i fell out of love"
yun ang sinabi ko kay darren at umalis na, sa gulat nya siguro di nya na ako nagawang habulin nakita ako ni tita che at sinabihan ko syang puntahan na lang si darren dahil kaylangan sya ng anak nya.
bago pa ako lumabas ng banyo kanina tinext ko na si mama na sunduin ako sa bahay nila darren kaya paglabas ko eh andito na sya nag aantay saken
buong byahe namin umiiyak lang ako, di ko alam na darating kami sa point na ganto. gantong mag hihiwalay kami....
BINABASA MO ANG
TAHANAN
FanfictionSapat ba ang pagmamahal? Mas madali nga bang bumitaw kung para sa mahal mo? paano naman sarili mo? handa ka bang talikuran ang tahanan mo? Kaya mo bang gawin para sa kanya lahat? sabay sabay nating tuklasan kung paano bumangon at labanan lahat ni V...