6th

182 6 2
                                    

Edward's POV

its been months since nalaman namin na may anak na si violet, medyo nakakagulat lang kasi ganon pala sya kabilis mag move on to the point na nagka anak pa sya sa ibang lalaki

natanaw ko sa labas ng office papasok si darren at si jen sa hospital nag breakfast sguro sila ng sabay, hahaha nakaka tuwa lang na lumalabas na sya at nakikipag interact na kay jen ever since kasi na mag meet yung dalawa na yun parang ayaw na syang iwan  ni jen hahahaha

"uhm edward mamaya pala may vip ako ha, tawagin mo ako agad kapag hinanap ako. Frank Sato yung name ng vip, bale aakyat lang ako sa neuro i ddiscuss ko lang yung batang ooperahan nila ngayon" pag papaalala saken ni Doc. Ramos, resident na sya dito at sa kanya ako ng hihingi ng task since pedia rin naman specialty ko 

"copy doc!" yun lang sinabe ko at umalis na sya

andito lang ako sa office at gumagawa ng report ng mga OPD marami kasing OPD kahapon kaya pinayos sakin ni Doc. Ramos tong report, OPD doctor rin kasi sya minsan naman sa emergency pero mas gusto kong andito kami sa OPD since wala masyado malalang nangyayare sa mga bata nakakatakot sa emergency eh di pa nga ako ready pag nag new year ako dito yikeess

siguro mga 30 mins simula nung umalis si Doc. may tumawag na sa telephone kaya naman sinagot ko na agad dahil nakita kong sa reception nanggaling yung tawag baka eto na yung VIP ni Doc

"hello good afternoon, Doc. Ramos office" sagot ko dito

"hello ed, andyan ba si Doc? di nya kasi nasabi saken na may bibisita  kaya di ko mapatuloy dyan sila sir" sabi naman ng receptionist, kilala naman nila ako kaya alam nilang ako ang nasagot ng tawag sa office ni Doc

"uh nasa neuro eh, pero may nasabi naman sya saken ano nga ule pangalan?" tanong ko dito

"uhm si sir Frank Sato" sagot naman nya saken, so confirmed eto na nga yung VIP ni Doc

"uh sige, papuntahin mo na sila dito sa office VIP yan ni Doc. pasensya kana at di nya nasabi sayo hehehe" sabi ko

nag paalam na sya at inayos ko na yung Lounge sa office ni Doc malaki kasi mga office ng resident dito kala mo apartment na hahaha. medyo makalat lang kasi dito ata natulog si Doc ayaw nya daw kasi sa sleeping quarters di malambot kama hahhaa, inayos ko lang yung mga magazine at binuksan yung isang fan don sa part na yun

maya maya pa at may kumatok na sa pinto naka bukas naman ito kaya nakita ko agad kung sino, teka si Violet to ah, pati yung kasama nyang lalaki sa seaside noon, at YUNG BABY NILA wtf.

"edward!!!" singhal ni vi at agad nya akong yinakap. yinakap ko na lang rin baka mapahiya eh

aaminin ko na wlaa naman akong galit kay vi pero simula noong iniwan nya si darren na gulong gulo nako, parang sya na yung number one enemy ng tropa except kay pau syempre bff sila at naniniwala syang may dahilan lahat pero syempre nasagot na yung dahilan na yun, eto nga't bitbit ng lalaking kasama nya

"kamusta ka vi?" tanong ko dito, grabe ka self ang plastic mo

"ah eh okay lang, im so happy for you ed" sabi nya sakin sabay hawak sa braso ko

nginitian ko lang sya at tumango lang ako

"ay nga pala eto si Frank and this is my 6 months old Natalie, say hi to tito Edward tali" hinawakan ni vi yung kamay nung anak nya at winave nya saken

"hi tali! ang cute naman ng anak mo, nga pala upo muna kayo. tatawagan ko lang si Doc kasi nasa taas eh" sabi ko dito 

umupo naman sila at nilalaro nila anak nila, napa sigh naman ako kasi totoo ngang may anak na sya kawawang darren  james hayssss

TAHANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon