9th

208 12 4
                                    


Darren's POV

andito kami ngayon sa unit nila kier, pau text us na pumunta dito may importante raw syang sasabihin buti na lang tapos na kami sa duty kaya naka alis rin kami agad sa hospital


"di mo ata kasama bebe mo darren?" tanong ni kiel,  hahaha di na kasi nag hihiwalay non ewan ko ba she helped me with everything and di ko alam gagawin ko kung pati sya iiwan ako


"ah naka duty pre di sabay sched namin ngayon eh"  sabi ko dito


"wow bago yun ah" sabi naman ni edward 


nag kakwentuhan lang kami ng kung ano ano, maya maya pa ay dumating na rin si pau. 


"wala naman si jen dito ano?" tanong agad ni pau kahit nasa pinto pa lang sya, nakita kong umiling si kier kaya nag tanong ako agad kay pau 


"what's with jen? ayaw nyo bang marinig nya sasabihin mo?" tanong ko, tinignan nya lang ako at umupo na rin sya


"yes ayokong marinig nya" cold na sabi ni pau, nagkatingin lang kami ni kier at napa kibit balikat na lang si kier. 


"as you know galing ako sa binyag ni natalie" panimula ni pau, lahat naman nakinig sa kanya at tumango naman yung iba


"i've discovered everything about violet, lahat ng reason nya, lahat ng nangyari" sabi ni pau di ko alam ang rereact ko kaya napa ngiwi lang ako


"naniwala ka naman don?" tanong ko dito

"eh sa lahat ng manloloko sya na ata yung master" sabi ko natatawa tawa pa ako, pero napansin kong di nagustuhan ni pau yun, dahil seryoso parin mukha nya. 


"say all you want to say darren, i know my bestfriend and i know na nag sasabi sya ng totoo" sabi ni pau tsk patola pala to eh


"magkampi pa kayong dalawa pero wala na akong paniniwalaan sa sasabihin ng manlolokong yun" sabi ko


"even i told you na anak mo si natalie?" lahat kami nagulat sa sinabi ni pau, lahat kami tulala sa kanya


"yes darren, Natalie is your daughter! Vi has its condition sa heart nya, nagkaron sya ng small hole sa puso nya, vi tried to tell you but your mother interfere! remember noong nag stay si vi sa house nyo bago ka nya iwan? your mom talked to vi na wag sabihin sayo dahil maddistract ka lang since focus ka sa internship mo! now through out her pregnancy nag papadala sayo si vi ng sulat, ngayon mo sabihin darren, kung sino papaniwalaan ko? bakit di mo itanong sa nanay mo lahat!" tuloy tuloy na sinabe ni pau


ako eto tulala parin lalo akong nagulahan, may anak kami? pero bakit? si mom? how? she's with me, katabi ko sya noong nag momove on ako kay violet bakit di nya sinabe sakin?


umalis rin ako agad sa unit nila kier, uuwi ako samin i need to know everything. pagdating ko sa bahay saktong gising pa si mommy, 


"mom may gusto lang sana ako malaman" alam kong nagulat sya sa approach ko pero tignan nya rin ako


"ano yun anak?" tanong nya


"ma, why didn't you tell me about violet's condition?" yun pa lang nasabi ko pero kitang kita ko na nabigla sya sa nalalaman ko


"is it true mom? na anak ko si natalie? mommy! please naman maawa ka sakin!" sigaw ko, umiiyak na rin ako kasi nakikita ko sa mata ni mommy na totoo lahat ng nalalaman ko


"im sorry anak, i was just worried about your internship, ayokong madistract ka sa internship mo, ayokong pati paghihirap namin ng daddy mo e mawala na lang ng ganun" sabi nya habang umiiyak na rin


"mom pano mo nagawa sakin to? alam mong mahal na mahal ko si violet! mommy pano mo nagawa sa apo mo yun? mom i could've been there for vi! mommy!!!" di ko na napigilan at napaupo na ako sa sahig sobrang sakit sarili ko pang magulang ang gaganto sa akin


hinayaan ako ni mommy umiyak, umalis sya pero bumalik rin sya agad, may binigay sya sa aking box


"andyan lahat anak ko patawarin mo sana ako" hinalikan ako ni mommy sa noo at pumasok na sya sa kwarto nya


naiwan ako dito sa sala, binuksan ko yung box at may laman itong mga sulat binasa ko yung unang sulat na pinadala nya saken


"Dear Darren, 

hi love! im sorry kung pinalabas kong may mahal na akong iba, ang hirap mo kasing iwan mahal, paano ko magagawang iwan ka eh sobrang mahal kita, kaylangan ko lang gawin to para sa atin mahal ko antayin mo sana ako, may good news pala ako sayo mahal ko, nag bunga yung pag mamahalan natin nakita ng doctor na buntis ako kaya na delayed yung operation ng heart ko maantay mo naman ako in a year mahal diba? makakauwi pa ako sa tahanan ko diba?"


hinanap ko agad kung pangalawang sulat nya, at this point gusto ko na lang umiyak ng umiyak, gusto kong yakapin si vi


"Dear Darren,

love nakikita mo ba sulat ko ? hehehe mukhang busy ikaw sa internship mo, i hope youre doing okay, nilimit ako ni mama sa gadgets kaya nag susulat na lang ako para maipadala sayo, love nag sstart na akong mag crave, siguro kung andito ka di ka magka mayaw hanapin cravings ko hihihi. wag ka mag alala sa yakap at halik mo ako pinaka nag ccrave pero malabong makuha ko yun sad :( wag ka masyado mag alala mahal inaalagaan ako ng mabuti rito super hands on ng doctors and nurses kaya di ako masyado nahihirapan. mahal na mahal kita darren"


patuloy kong binasa yung mga sulat nya para sa akin, pero may isang sulat doon na nag paiyak sakin ng sobra.


"Dear Darren,

hi love! bakit di ka sumasagot sa mga sulat ko? ayaw mo na ba talaga sakin? 8 months na akong buntis, malapit na lumabas si baby, na alala ko nong dati nag usap tayo na you want to name our baby Natalie or Nathan you find it very kind kasi sabi mo tunog mabait kung baga, i will name our baby natalie ha? since she's a girl, i cant wait for you to see her mahal, for sure ma sspoil to sayo hihi, magiging daddy's girl. naiisip ko pa lang nawawala na agad lungkot ko. mahal ko antayin mo lang mailabas ko si natalie and matapos operation ko i will go home to you tahanan ko" 


bakit? bakit tayo pinag lalaruan ng tadhana vi? bakit ngayon ko lang to nalaman, paano si jen? vi si jen yung nag bangon sakin noong lumubog ako, hanggang dito na lang ba talga tayo? di ko na alam gagawin ko violet, bigyan mo ko ng sign Lord kung saan dapat ako umuwi.

TAHANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon