Darren's POV
its been a week since iniwan ako ni violet, ive tried to reach her pero wala siguro nga blinock na ako nun kasi everytime na tatawag ako di na nag coconnect call ko, i tried gong to their house na rin pero wala, maski mama nya ayaw akong kausapin yung kasama lang nila sa bahay yung lumalabas. di na rin muna ako umuuwe sa unit ko kasi sa loob ng dalawang taon naging safe space namin ni vi yon kaya sobrang hirap saken mag stay don.
"anak dj may bisita ka" tawag sakin ni mama, buong araw na kasi ako dito sa kwarto, mas nag focus na lang ako sa review ko. sabi kasi ni mama wag ko raw pabayaan yung pag aaral ko dahil nga malayo na rin narating ko
ayoko rin naman maging pabigat kanila mama kaya sa gabi na lng ako nag ddrama at sa buong araw naman eh subsob parin ako sa review buti nga di ako iniwan ni mama minsan dito sya sa kwarto natutulog just to make sure na nakakatulog parin ako, ang hirap kasi sobrang mahal ko yung tao tapos andali lang sa kanya sabihin yung mga sinabi nya saken
"san ba ako nag kulang pre? diba sabi nya naiintindihan naman nya na kung minsan di ko sya narereplyan and napupuntahan?" naiiyak na tanong ko sa tropa ko andito sila ngayon sa bahay
sila yung bisita na sinabe ni mama, si edward, kiel, hadji saka si kier, laking pasalamat ko rin sa kanila kasi di nila pinabayan, lalo na nung di ako nakapasok sila yung nag eexcuse saka nag susulat ng notes for me
"wala pre, wala ka pag kukulang sa tingin ko nga sobra sobra pa ginawa mo" sabi naman ni kiel
"pero bakit ganun, panong na fall out of love sya? hayssss" singhal ko di kasi talaga ako makapniwala kasi may nangyari pa nga samen nung gabing yon tapos biglang kinabukasan di na ako mahal? dahil kaya don? pero hindi eh hindi ganung klaseng tao si vi
"alam mo pre maski si pau di makapaniwala, kinakausap nya si vi pero wala naman sinasabi si vi kung ano yung sinabe ni vi sayo yun rin sinasabi nya kay pau" kier, gf kasi ni kier si pau kaya minsan sa kanila ako nanghihingi ng balita tungkol kay vi.
"ang sakit gago walang gabing di ako umiiyak dahil sa kanya nakakaputangina tong sakit" hanggang sa umiyak na ako ng tuluyan
tangina sa sobrang pag mamahal ko kay vi na wawala yung pagka lalaki ko eh. nagiging malambot ako eh tsk
"labas kaya tayo? ano? G? punta tayo MOA mag rides tayo sa seaside" edward, mukhang mganda yung suggestion nya para naman kahit ngayong gabi lang makalimutan ko sya
"taraaaaa! mag ayos kana darren alis na tayo sakto mag 6pm na maganda na mag libot don" hadji
----
andito na kami sa seaside nag ka ayaan na kumain bago pa mag rides sabi ko wag muna baka masuka kami pag inuna namin pagkain
kaya nag rides muna kami, sa lahat ng sinakyan namin medyo nawawala yung kalungkutan kasi pilit nila akong pinapatawa laking pasalamat ko talaga na andito sila sa tabi ko
"try natin yung pre oh" may tinuro si kiel ng tignan ko yung tinuro nya pero iba nakita ko
"si violet ba yun?" tanong ko at sabay sabay silang tumingin
si violet nga, di ako nagkakamali napaka ganda mo mahal ko, kaso sino yang kasama mo ? yan ba yung dahilan bat ka na fall out of love saken? eto ba yung dahilan.
akmang lalapit na ako ng pigilan ako ni edward
"pero isipin mong mabuti gagawin mo" sabi nya saken at tumango ako saka nya ako pinakawalan,
lumapit parin ako kay vi kasama yung lalaki nag lalaro sila dito sa may isshoot kang bola sa timba tapos may price na stuffed toys
"ay ang galing naman!!!!" sabi ni vi dahil nanalo yung lalaki
binigay nung guy yung stuff toys kay vi kitang kita mo naman na sobrang saya nya, yan yung mga ngiti na dati eh ako yung nag bibigay, mga ngiti na pinagdamot ko sa iba dahil lalo syang gumaganda sa mga ito.
"vi" lumingon sakin si violet at kitang kita sa mata nya ang gulat, pati yung lalaking kasama nya eh nakatingin na sa akin ngayon
"sya ba yung dahilan vi? kaya mo ko iniwan?" di ko alam pero parang nagmanhid buong katawan ko sa sunod kong narinig
"oo sya" nakayukong sagot ni vi, napatingin naman yung lalaki kay vi at inakbayan sya
"bakit vi? nagkulang ba ako? nasakal ka ba sa pag mamahal ko? pwede naman nating pag usapan eh please vi wag mo ko iwan" hahawakan ko na sana yung kamay nya pero pinigilan ako nung lalaki
"pre ayoko sana manghimasok pero sapat na siguro yun para layuan mo na si violet, lets go vi" aalis na sana sila pero di ko napigilan sarili ko nasapak ko yung lalaki
"FRANK!!! what the hell darren ano sa tingin mo ginagawa mo?" sigaw sakin ni vi
sasapakin ko pa sana sya uli pero pinigilan na ako nila edward, habang pinipigilan nila nakita kong parang hinihingal si vi. this past few months pansin ko nga na lagi syang hinihingal
"vi are you okay? lets go home na" hinila na sya ng lalaki palayo
at ako? eto nakatingin lang sa kanila, siguro nga ganun nya kamahal yung lalaking yun first time ako sigawan ng mahal ko puta ang sakit
"pare sabi ko naman sayo wag ka padalos dalos" edward, sabay tapik ng balikat ko
"tangina pre ang sakit, lalo lang sumakit"
ganun ba ako kadaling ipag palit vi? sa dalwang taon ilang beses na kayong nag uusap? yung mga oras na di mo ako kasama sya ba kasama mo? talaga bang nagkulang ako? litong lito na ako sa lahat mahal ko.
BINABASA MO ANG
TAHANAN
FanfictionSapat ba ang pagmamahal? Mas madali nga bang bumitaw kung para sa mahal mo? paano naman sarili mo? handa ka bang talikuran ang tahanan mo? Kaya mo bang gawin para sa kanya lahat? sabay sabay nating tuklasan kung paano bumangon at labanan lahat ni V...