13th

260 17 1
                                    

VIolet's POV

naging mabilis ang pangyayari, okay na ang lahat lahat. ayoko ng mag pakipot kay darren dahil alam naman nating lahat na mahal ko parin sya.


"ma thankyou ha bukas na kami uuwi" sabi ko dito habang lumalabas sa pinto


iniwan kasi namin ni darren si tali kay mama, lilibot raw kaming dalawa babawi raw sya ng date sakin hihi, cutie nga eh sabi ko sama namin si tali pero sabi nya saka na lang daw baka raw masyadong mapagod si tali kaya pumayag na rin ako

nasa daan na kami papuntang tagaytay doon  daw kami mag staycation para relaxing ang environment


"ang lalim naman ng iniisip mo love?" tanong ni darren sakin 


"masaya lang ako na okay na tayo, and buo na pamilya natin" sabi ko sa kanya, hinawakan naman nya yung pisnge ko


"and never na maghihiwalay" 


nginitian ko na lang sya need nya mag focus sa daan baka kung ano pang mangyari kung maglandian kami hahaha. 

--

Darren's POV

andito na kami sa hotel na pag sstayan namin madali lang naman din yung byahe kasi nga wala naman masyado sasakyan sa daan dahil linggo. inaantay ko lang si vi nag shower kasi nya, lalabas kasi kami ngayon mag dinner date kami sa isang magandang resto dito .


"nako po, napakaganda naman ng misis ko" singhal ko pagkalabas ni vi sa cr, 


"napaka bolero mo parin" sabi nya tapos hinagis sakin yung bimpo na ginamit nya pang tuyo ng buhok nya


"anong bola? totoo kaya" tumayo ako at yinakap sya patalikod


dahan dahan ko syang sinayaw, naka rest lang yung ulo ko sa shoulder nya habang yakap yakap ko sya


"di ko alam gagawin ko kung mawawala ka uli sakin vi" sabi ko sa kanya saka ko hinalikan yung leeg nya


"di na ako mawawala mahal ko" pagkasabi nya non ay humarap sya sakin at hinalikan ako


"wala ng mawawala" sabi nya at yinakap nya ako


this kind of moments yung di ko ipagpapalit sa kahit na ano, im very lucky that sya yung minahal ko and sya yung makaksama ko sa habang buhay.


nakarating na kami sa resto, marami kami napag kwentuhan habang nakain, katulad ng business na gusto nyang ipatayo. mga balak nya para sa aming tatlo.


gusto nya rin daw maging full time housewife para matutukan nya anak namin, gusto nya raw ako ipagluto para daw pag pagod ako galing duty eh mabilis daw mawawala pagod ko kasi sya yung nag luto.


"may powers pala yung luto mo" sabi ko sa kanya, bigla naman sya sumimangot


"oh bkit?" tanong ko


"so ayaw mong pag luto kita? di mwawala pagod mo pag inasikaso kita paguwi mo?" sabi nya tapos ngumuso sya, nakuuu tigilan mo yan baka bigla na lang kitang halikan


"hahaha bilis mo naman mag tampo, syempre mawawala pagod ko, kahit nga yakap mo lang eh okay na ako"


napangiti naman sya sa sinabi ko, marami pa kaming napag usapan, after namin kumain, may pinuntahan kaming lugar kung saan over view is yung city


sobrang ganda, kasing ganda nya 


"maraming salamat sa lahat ng sakripisyo na ginawa mo mahal ko ah" sabi ko sa kanya sya naman eh naakatanaw lang sa malayo


"wala yun, kung sa huli eh tayo rin naman, worth it lahat ng hirap at sakit" sabi nya nakitang kong naluluha na sya kaya tinabihan ko sya at inakbayan


"kung andon lang ako sa tabi mo, siguradong di ka masasaktan, sorry sa lahat ng pagkukulang ko" nayuko ako sa balikat nya kasi ayokong makita nyang umiiyak ako


"ano ka ba darren, okay na yun saka di mo rin naman kasalanan na di mo alam" sabi nya kinuha nya yung mukha ko at hinarap sa kanya


"wag mo ng isipin yung mga nakaraan ang mahalaga eh kasama mo na ako at kasama na rin kita ngayon kasama ang anak natin diba? yung naman ang mahalaga?" tanong nya


"oo mahal ko, mahal na mahal kita violet" sabi ko sa kanya nakangiti naman syang sumagot sakin


"mahal na mahal rin kita darren" 


hinalikan ko sya at yun na ata yung isa sa pinaka masarap na halik na nangyari sa aming dalawa sa loob ng ilang taon


"forever?" tanong ko sa kanya


"endgame" sabi naman nya


yinakap ko sya, after namin mag yakap, pinansin nya naman yung mga bituin dahil sobrang ganda raw


"sana lagi tayong ganto no? yung parang walang problema, walang iniisip na negative" sabi nya habang nakatingin parin sa kalawakan


"di naman mawawala yung problema eh, pero ang maganda lang ngayon eh magkasama na tayong haharapin yun" sabi ko  sa kanya, ngumiti sya sakin at binalik yung tingin nya sa kalawakan


eto na yung pagkakataon ko, kinuha ko yung maliit ng box sa bulsa ko, handa na akong makasama ka mahal ko habang buhay. tumayo ako sa pagkakaupo ko at nag taka naman sya 


dahan dahan akong lumuhod, alam kong alam nya na yung gagawin ko kaya napatayo sya at naluluha na rin ang cute mo talaga love


nilabas ko yung box na may lamang singsing at lumuhod na ako ng tuluyan, inalay ko sa kanya yung singsing


"i can't think of tomorrow withuout you my love, hayaan mong samahan kita sa pag tanda, will you marry me?" tanong ko


tumatalon talon naman sya sa saya haha napaka cute mo talaga violet


"oo naman love i will spend the rest of my life with you and you only" sabi nya sakin


tumayo ako agad para halikan sya at yakapin sya


"mahal na mahal kita" sabi ko sa kanya


"mahal na mahal rin kita" 


pagkalagay na pagkalagay ko ng singsing sa daliri nya eh biglang bumuhos yung malakas na ulan, weird naman, diba pag maraming stars hindi uulan? 

TAHANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon