PART TWO: HERE WE ARE NOW

36.9K 2.3K 3.5K
                                    

A/N:

Finally, an update! Thank you for being patient with me, unveilers. Dating gawi. To share your thoughts, use our tagline, "STAY ALIVE 02" on Twitter. Na-miss kong magbasa!

Happy reading! :')

———

Neska & Andrius.

"MR. CLIFORD ANDRIUS BLAKE?"

Lahat ng mga mata ay awtomatikong napalingon sa lalaking nakaupo sa gitnang bahagi ng kuwarto. Ang mga mata nila ay nanunuri, kung nangungutya ba sila o na-a-amaze sa presensya niya, hindi rin niya mawari.

"Yes, Sir," Andrius said calmly. Hindi niya ininda ang mga kaklase niyang halos tunawin na siya sa sobrang titig. "Present."

Kumunot ang noo ng professor nila at nagsimula ang bulungan. Kung mayroong ayaw si Andrius, 'yon ay ang maging sentro ng atensiyon. Ayaw na ayaw niyang napag-uusapan, nahihiya siya at nag-p-panic internally.

Siguro, dahil iyon sa sanay siyang mag-isa at lumaking malayo sa mga tao. Na para bang ayaw niyang mapaligiran ng mga tao dahil takot siya sa kung ano mang iisipin ng mga ito sa kaniya at sa pamilya niyang puro public figures.

He hated the idea that they might blame him for being the hole of the family. He was still struggling to cope with his childhood traumas, ayaw na niyang dagdagan pa ang mga iyon.

"Your name rings some sort of bell, hijo," sabi ng professor sa kaniya. Bagama't may edad na ay kapansin-pansin ang mga mata nitong matulis kung tumingin. "Kakaunti lang ang Blake na kilala ko and majority of them are either politicians or businessmen. Are you, perhaps, connected with them?"

Andrius felt uncomfortable. He loathed the idea that after fighting tooth and nail for his dream, he would still be recognized by his surname and not by his hard work. Pero ano bang magagawa niya? Pamilya niya iyon.

Nang maramdaman ni Andrius na para bang ang lahat ay naghihintay sa isasagot niya, unti-unti siyang tumango at kita niya ang curiosity sa mukha ng lahat.

"Which clan, hijo?" tanong muli nito at halata ang labis na interes. "That largest company in—"

Nahinto ito nang agad siyang tumango. Ayaw niyang marinig ang susunod na sasabihin nito. Hiyang-hiya na siya at ramdam na niya ang pamumula ng tainga niya.

"Then why are you here?" takang tanong nito sa kaniya na may bahid pa rin ng labis na interes. "Most of the Blakes I know are lawyers too—"

"I was a lawyer, sir," Andrius cut him off politely. "I used to be a prosecutor too."

Umugong ang ingay sa buong kuwarto. Maging ang mga kaklase niya ay na-amaze. Ang ilan pa nga'y unti-unti na siyang nakikilala.

"Hijo..." the professor utterred. "Why are you in med school now, then? Hindi mo ba pinangarap na maging judge?"

"I'm done being a judge, too, sir," Andrius answered.

Muli, umingay sa buong kuwarto. Kahit ang professor na mismo niya ay nalula sa credentials niya. Sino ba namang mag-aakala na 'yong lalaking nasa gitnang bahagi ng kuwarto, tahimik lang at sa papel lang ang tingin ay may ganoon kabigat na educational background?

"W-Well then," sagot ng professor at pilit na ngumiti. Halata pa rin dito ang pagkabigla. "Welcome to the field of medicine."

"Thank you, sir," mahinang bulong ni Andrius at tipid na ngumiti.

For the whole day, Andrius felt exhausted. Hindi dahil sa mga lessons, kung hindi dahil sa tingin sa kaniya ng mga tao. May ilan pang sinusubukan siyang kausapin.

Stay Alive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon