PART NINE: THAT NIGHT

18.8K 1.4K 2.2K
                                    

A/N:

You may join Law Series by Veilofthedark Facebook Group to read and share theories.

Happy reading, unveilers!

———

COURTNEY.

Malamig at mahangin sa buong paligid. Tanging ang ilaw lang mula sa bintana ang nagbibigay-liwanag sa madilim na kuwarto.

Nakatayo roon si Courtney at malayo ang tingin. Tinitingnan niya ang buwan at sari-sari ang iniisip.

Natigil lang siya nang marinig niya ang notification na nanggaling sa nakabukas niyang laptop. Lumapit siya roon at ang sinusulat niyang nobela ang naroroon at sa taas niyon, sa isa pang tab, ay isang E-Mail notification.

Kinakabahan man ay gusto pa rin niyang mabasa kung ano ang naging tugon ng taong matagal na niyang patagong kinakausap.

Nang pindutin niya ang tab ay hindi nga siya nagkakamali. Isang E-Mail iyon mula sa taong ayaw niyang pangalanan. Akmang bubuksan na niya ang response nito para basahin nang walang anu-ano'y bumukas ang pinto. Mabilis na napatingin si Courtney doon, gulat at ninenerbiyos.

"Are you okay?" Bungad ni Traise. "May... masakit ba sa 'yo or anything?"

Umiling si Courtney at pilit na ngumiti. "Wala, of course. How was... it?"

"Are you sure?" Traise asked at nilapitan siya. Kauuwi lang nito sa trabaho. Hinapit siya nito sa baywang at hinalikan sa noo, pababa sa ilong, at sa labi. He looked worried. "You look so tense, love. What's going on?"

"Wala, nagulat lang ako," pagsisinungaling niya at niyakap ang asawa. "Nararamdaman ko si baby. Parang... sumisipa."

"Really?" tanong ni Traise at halata sa boses ang excitement. "I can't wait to see him, our Sage Amiel."

Ngumiti rin si Courtney. Ramdam niya ang saya ng asawa.

"Oo nga pala," sabi ni Traise at tiningnan siya sa mga mata habang yakap-yakap pa rin siya. "Pumunta ako kila Aubrielle at Neska gaya ng sabi mo, dinaanan ko sila bago ako umuwi dahil alalang-alala ka."

"And?" tanong ni Courtney. Bakas sa boses niya ang pangamba. "K-Kumusta sila?"

"They're... fine," sabi ni Traise at nababahala na sa inaasal ng asawa. "Pagpunta ko roon, okay naman ang lahat. Natutulog lang sila sa kuwarto nila. Hindi ko na nga ginising kasi nakakahiya."

"What?!" Courtney asked. "Walang—"

"Yes," putol ni Traise. "Walang ibang tao, sila lang. Walang mga baril, walang masasamang lalaki, walang dugo—wala lahat ng sinabi mo sa 'kin."

"What do you mean wala?" tanong ni Courtney at bakas sa boses ang frustration. "Imposible 'yan, Traise. Something terrible was bound to happen and—"

"Bound to happen?" Traise asked, confused. "Were you hoping that something bad would happen to them?

"Hindi sa ganoon," Courtney defended herself. Umalis siya sa pagkakayakap ni Traise. "May mangyayari ngayong gabi and—"

"Love..." putol sa kaniya ni Traise. "It's... getting weird."

"What do you mean?" Courtney asked.

"Paano mo nalalaman ang mga nangyayari?" tanong ni Traise. "Noong una, nalaman mo kung saan mahahanap si Neska. You even used a different number to text Aubrielle, Casper and Andrius to give them an idea where Neska could be. Ikaw ang nag-text sa kanila about the hotel and room number when you could've told them personally. Tapos ngayon... ito. What are you up to?"

Stay Alive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon