PART SIX: FINDING NESKA

20.4K 1.4K 1.1K
                                    

A/N: To share your thoughts/opinions about this chapter, use our tagline STAY ALIVE 06 on Twitter. Happy reading!

———

THIRD PERSON POV.

"PASENSYA KA NA, ANDRIUS."

Nang marinig ang mga katagang iyon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang balikat ni Andrius. He felt like he lost lope.

"Hindi namin nakita si Neska," dagdag ng kaibigan ni Neska noong college. Andrius went to her house just to ask about Neska's whereabouts. "Hindi na rin siya sumasama sa mga hang-outs namin lately."

Neska was missing the whole damn day. Ang naalala niya lang ay sinundo siya nito sa med school para i- congratulate siya sa successful first day niya bilang medicine student. They even dated, photographed each other, went to an old museum and had one of the best days of his life.

But few days later, Neska became aloof. Ayaw nitong makipagkita at ayaw lumabas ng bahay. Ayaw pa nga nitong pumasok sa trabaho at ang dahilan ay masakit daw ang tiyan.

Just when Andrius called her to ask what was going on, instead of getting answers, he received a completely different response. For absolutely vague reasons, she wanted to break up with him.

She was crying. She sounded scared more than hurt. Alam ni Andrius na hindi tama ang nangyayari. Neska was breaking up with him not because she no longer loved him, but because she was terrified of something. He could feel it.

Kaya naman pinuntahan niya ito sa bahay nito. Pero pagdating niya pa lang ay kinilabutan na siya agad sa nasaksikhan. Masiyadong magulo ang bahay at patay lahat ng ilaw. Umuulan sa labas at nakabukas ang bintana. Malakas ang hangin kaya naman ang mga kurtina ay animo'y sumasayaw. Ang liwanag lang mula sa sunud-sunod na kidlat ang nagbibigay liwanag sa loob ng kuwarto.

She looked for her everywhere but Neska wasn't there. He immediately got alarmed. Something odd was definitely going on.

Buong araw niya itong pilit tinatawagan pero hindi ito sumasagot. Kung sinu-sino na ang pinuntahan niya pero ni-isa ay walang may alam kung nasaan si Neska. Not even Traise, Courtney, Tyler or Avery. Not even her cousin, Aubrielle.

"I'm sorry," sagot ni Tyler nang magpatulong siya rito. Buong araw din itong naghahanap pero hindi rin nito nakita si Neska. "I did my best pero... wala talaga. We'll try again, Andrius. Balitaan ka na lang namin."

"Mahirap 'tong ganto," sagot ni Avery. "She ran away. Mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita. Maybe... she needed some space to breathe, just like what I did before. Search for her all you want pero hindi n'yo siya makikita. She will show up once she's ready."

"Pasensya na, hindi kami masiyadong makakatulong ni Courtney," sabi ni Traise. "I have surgeries to do all day at hindi advisable si Courtney na lumabas-labas, since maselan ang pagbubuntis niya. I will help once I'm done with my tasks, Andrius. For sure nandiyaan lang si Neska."

Andrius felt like he was facing this problem alone. Ayaw niyang isipin iyon pero ganoon ang nararamdaman niya.

Tiningnan ni Andrius ang mga kaibigan ni Neska nang malungkot ang mga mata.

"Sige, salamat ha. Balitaan n'yo na lang ako 'pag nakita n'yo siya."

Nagpaalam na siya sa mga ito at sumakay na sa kotse niya. Habang nasa biyahe ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya at alam niyang hindi iyon makakatulong sa sitwasyon niya.

"Andrius, you're overthinking again..." bulong niya sa sarili.

Pero anong magagawa niya? He can't think of any reason why Neska would do this. All he could do for now is to formulate answers to his own questions.

Stay Alive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon