PART FOUR: BRINGING BACK THE PAIN

19.9K 1.3K 954
                                    

A/N: Double Update! Use our tagline, "STAY ALIVE 04" on Twitter to share your thoughts. I miss you, Unveilers!

---

AUBRIELLE.

A YEAR AGO.

"Court is adjourned!"

Napahinto ako nang makarinig ko iyon sa loob ng court room. Papasok na sana ako sa loob para manood ng trial na kung saan si Neska ang Judge pero na-late ako. Ngayon namang papasok na ako, parang may nag-aaway sa loob. Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa pinto.

Alam ko na ang nangyayari kaya gumilid ako. Saktong ginawa ko 'yon ay biglang bumukas ang pinto. Galit na galit na lumabas si Neska at sinundan siya ng ibang tao. Wala nang magawa ang mga ito. Galit talaga si Neska at kahit isa ay walang ibang nililingon.

I can't help but to envy her. Nakakatuwang tingnan na ang layo na ng narating ng pinsan ko.

Left with no choice, the people let her walk away. Walang ibang maririnig sa buong corridor kung hindi ang tunog na nanggagaling sa heels niya habang naglalakad siya papalayo.

Maya-maya lang ay nasapo niya ang noo niya.

"Mga buang," rinig kong sabi niya at umiling.

Napangiti ako. Hindi pa rin pala talaga siya nagbabago.

Isang taon na rin halos simula nang bumalik kami ng Maynila mula sa probinsiya. Isang taon na ang lumipas simula nang makipaglaban kami laban sa mga kulto at napakarami nang nangyari matapos niyon.

Ilang buwan lang matapos naming bumalik ni Neska sa opisina bilang mga prosecutor ay nagkaroon ng vacancy para sa judge position. Pareho kaming nagsumite ni Neska at matapos ang ilang buwan ay siya ang napili.

Akala ko ako ang mapipili based on experience and credential. Lahat ay ako rin ang inaakalang mapipili pero hindi pala. Sa totoo lang, umasa ako. Siguro, masiyado rin kasi akong naging confident at mapagmataas sa sarili. That's why the Creator above humbled me.

Sinundan ko si Neska habang naglalakad ito. Hindi ko na ito tinawag dahil mukhang badtrip talaga siya.

"Good morning, Judge," bati sa kaniya ng isang empleyado na nadaanan niya.

"Good morning," ganti nito bago lumiko sa isang pasilyo.

Lumiko rin ako. Sinong mag-aakala na iyong dating pumasok na lasing sa korte ay isa nang judge ngayon?

Binuksan ni Neska ang pinto ng opisina niya at bumungad sa kaniya ang secretary niya.

"Judge Harriett, tapos na po ang trial?" tanong nito sa kaniya.

Huminto ako sa pinto at nakita kong naghubad si Neska ng coat.

"Nag-walk out ako. Ang gulo ng courtroom, akala mo may sabong," she complained.

Natatawa siya habang inaayos ang mga papeles sa table niya. I can't help but to watch her with envy.

"Judge, nasa loob na po pala iyong ibang kaso na dapat ninyong i-review. Mayroong isa na need daw po ma-review as soon as possible dahil kailangan daw po ninyong maglabas ng warrant."

Hindi na siya sumagot at tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto niya. Isinara ng secretary niya ang pinto habang nakatingin sa papeles at hindi man lang ako napansin.

Stay Alive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon