PART EIGHT: THE MASTERMIND

16.4K 1.3K 1.6K
                                    

"The new leader... it might be one of the death chasers..."

Bahagya akong natulala sa mukha ni Heinz. I didn't zoom out or anything, I was looking at his face as if I was expecting him to laugh after saying it.

"Isa siya sa inyo, Aubrielle..." seryosong sabi ni Heinz. Nag-iigting ang panga niya habang sinasabi iyon. Mukha siyang takot, mukha siyang galit.

Hindi ako nagsasalita. Tinitingnan ko lang siya at inoobserbahan.

"Kaya habang may panahon pa... habang kaya pa silang labanan..." Heinz stopped and gulped. He was meeting my eyes with so much emotion, as if he was begging me through looks. "Dapat... dapat—"

"Dapat, ano?" Putol ko sa kaniya. "Dapat palayain ka namin?"

Biglang tumikom ang bibig ni Heinz. Tumingin siya sa ibaba at hindi nagsalita muna. Ilang segundo lang ay muli niya akong tiningnan. Namumuo na ang luha sa mga mata niya.

"I know... I know that's... that's absurd but—"

"But what exactly, Heinz?" I snapped back. "Gusto mo palayain ka namin just for this petty situation? Matapos lahat ng ginawa mo at ng kulto mo sa amin?"

"Petty reason?" tanong ni Heinz. He sounded really hurt yet frustrated. "Ginugulo na nila kayo. Binabalikan nila kayo at ng bago nilang lider. Hihintayin mo pa bang marami pa sa inyo ang maging biktima gaya ng nangyari kay Neska kagabi?"

My eyes widened. How did he know?

"I have my ways, Aubrielle," Heinz said. "At alam kong hindi ordinaryong tao ang gumugulo sa inyo. They're here—all here. They're just... waiting for the perfect time to kill you all."

"Ich freue mich, dich zu sehen..." mariin kong tugon. "Hindi ba't ikaw ang nagpapadala n'un kay Neska?!"

"It wasn't me..." Heinz said. "I just... made it look like I did para balik-balikan mo ako rito."

"Why did you do that?" I asked, partly furious.

"I need you," Heinz said with burning ears.

"For what?"

"Alam kong ikaw lang ang makakaintindi sa akin at sa sitwasyon ko."

"We're not the same, Heinz," I said. "Kailan man hindi ko ginustong mapahamak ang tao sa paligid ko. You remained silent about your alter's wrong deeds kaya nagsimula itong gulong ito. If you were brave enough, marami sanang buhay ang hindi nasayang."

"I admit my mistakes," Heinz said, he sounded sad. "But... I'm not that bad at all. Siguro nga, masama akong tao pero may awa pa rin ako. I... I want to help people around me kahit na parati akong na-m-misunderstand. That makes us similar, Aubrielle. Kaya... kaya sa 'yo ako lumalapit."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. For a second, I wanted to believe him. Pero siya si Heinz at marami na siyang naloko. Ang pagtitiwala nila sa kaniya ang nagpahamak sa kanila. Should I really believe him?

"Marami pang dugo ang dadanak. Hindi lang si Neska ang biglang mawawala at hindi natin sigurado kung mahahanap pa ba sila. Sa susunod na araw, iisa-isahin nila kayo. If they can't hurt you physically, they will destroy you mentally hanggang sa masiraan na kayo lahat ng ulo. This war will be bloody, Aubrielle."

He gulped. Nanginginig na ang labi niya at mukha na siyang iiyak.

"Kung iniisip mong ginugulo ko kayo, nagkakamali ka. The Wild Bear... he's gone. I can decide on my own now and this time... I'm sincere. Gusto ko kayong tulungan para makabawi man lang ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Lalong-lalo na kay Avery..."

Stay Alive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon