PART TEN: THE MOMENT THEIR WORLDS MET

17.1K 1.2K 1.1K
                                    

"BUHAY SI NEWT?"

Hindi makapaniwalang sambit ko sa sarili. Kasalukuyan akong naglalakad-takbo papunta sa parking lot at hindi malaman ang mararamdaman.

Matapos ang pag-uusap namin ni Casper, na kung saan sinabi niya sa akin na hindi panaginip 'yong nangyaring pamamaril sa bahay namin kagabi, ay bigla akong natuliro at hindi malaman ang dapat na gawin.

After that talk, umalis agad ako at iniwan si Casper. Rinig na rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.

Gusto kong umuwi para suriin ang apartment ko. Ramdam na ramdam ko na totoo ang nangyari pero wala akong ebidensya para patunayan iyon. When I checked my apartment this morning, everything was neat and organized. There was no sign of any disturbances or attacks at all.

Akmang bubuksan ko na ang kotse ko nang biglang may pumigil sa kamay ko. When I looked at the guy who did it, it was Casper. Humihingal ito at puro pawis.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka lumilingon," sabi niya sa akin. Halata sa boses niya ang inis. "Paano kung may mangyari sa 'yo?"

"I can handle myself, Casper," depensa ko.

"Really, can you?" he asked sarcastically while looking at my neck.

Madali kong tinakpan iyon.

"Kung hindi ko kaya, may choice ba ako?" tanong ko sa kaniya. "Ako lang ang may kakayahang magtanggol sa sarili ko kasi ako lang naman ang may pakialam sa sarili ko."

Kumunot ang noo niya. "Ganyan ba ang tingin mo?"

"Hindi ba?" tanong ko pabalik. "Every time may nangyayari kay Courtney, Avery or Neska, nandiyaan ang mga partners nila para i-rescue sila. Pero ako, when something happens to me... wala. All because they thought... they thought I'm strong and independent enough to handle myself. No one's really there for me."

"What about me?" Casper suddenly asked.

"Huh?" I asked back.

"Do you think wala akong pakialam sa 'yo? Tingin mo hindi ako nag-aalala?" he added.

"Why would you?" I asked.

"Why wouldn't I?" he answered back

Ilang segundo kaming natahimik. Nang walang anu-ano'y kinuha niya ang susi ng kotse ko mula sa kamay ko.

"You were shot with a tranquilizer, Aubrielle," sabi niya habang binubuksan ang kotse ko. "Kung gusto ka nilang saktan last night, they could and they would."

"Panaginip lang 'yon, Casper," pagmamatigas ko. "Walang ebidensya na nangyari 'yon-"

"I expected a lot from you," he said after finally opening the door, cutting me off. "Dahil lang sa takot, you'd start feeding yourself with delusion?"

Pumasok siya sa loob at naiwan ako sa labas.

"I'm not!" I insisted.

"Yes, you are!" he snapped back. "Get in the car."

Nanatili ako sa labas at matalim ang tingin sa kaniya.

"'Wag mong hintaying buhatin pa kita papasok," he said, warning me. "Get in."

I heaved a sigh and went inside.

"Seatbelt mo," sabi niya.

Hindi ako kumibo at deretso lang ang tingin. I heard him sigh and in a snap, he moved towards me. Inabot niya ang seatbelt para ikabit 'yon sa akin at dumaplis ang labi ko sa leeg niya.

Sobrang bango ni Casper. Ako 'yong tipo ng taong madaling ma-attract sa mababangong lalaki and I can't deny the fact that Casper has this certain smell na hahanap-hanapin mo.

Stay Alive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon