PART ONE: WHERE ARE WE NOW?

50.8K 2.6K 4.3K
                                    

TRAISE AND COURTNEY.

Nasa bahay ako.

After she received such message where most of the people were at work, Courtney Spencer sighed.

Kasalukuyan siyang nasa loob ng supermarket at namimili ng mga pagkain. Inihinto niya ang hawak na push cart at napa-pout habang tinitingnan ang text message ng asawa niyang si Traise Stevens, isang doktor.

"Ok," reply niya rito.

Nagpatuloy siya sa pamimili ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya ngiting-ngiti tulad kanina.

"Bakit ba kasi ang aga niyang umuwi?" bulong ni Courtney sa sarili habang namimili ng mga prutas. "Ayaw ba niyang ako ang nagluluto?"

Huminto lang siya sa pagkuha ng mga pagkain nang mapansing puno na ang push cart niya. Umismid siya lalo at napahimas sa tiyan niya. Ito ang dahilan kung bakit siya naka-leave sa trabaho niya bilang abogado. She's eight-month pregnant at ayon pa sa doktor niya, maselan ang pagbubuntis niya.

No wonder why Traise were mostly at home too. Ayaw na ayaw nitong napapagod siya. Noong nagpakasal sila ay napagkasunduan nilang hindi sila kukuha ng kasambahay. Kaya nang malaman nilang buntis siya at naging maselan pa, they both agreed that she needed a break from work. In return, naging full time housewife siya at nai-try muli ang dati niyang passion—ang pagsusulat ng mystery-thriller novels.

Pero habang tumatagal, ang responsibilidad na dapat sa kaniya ay napunta na rin kay Traise. Tuwing may day off nito sa ospital ay ito ang namimili ng pagkain at naglalaba. Araw-araw, ito rin ang nagluluto at naglilinis ng bahay. If hindi mabigat ang loads sa ospital, umuuwi pa ito para lang ipagluto siya.

They talked about it and Courtney refused to be a freeloader. Pero hindi pa rin pumayag si Traise dahil nga maselan ang pagbubuntis niya. Pero siyempre, Courtney was Courtney. She sneaked out most of the time, kagaya ngayon. She was supposed to surprise Traise with a dinner but he came home before her. Siya pa ang na-surprise nito.

"Kainis..." bulong ni Courtney at naglakad na papalapit sa counter.

"Ganda!"

"Ano naman kung buntis?" bulong ni Courtney sa sarili.

"Ganda, bili ka na!"

"Eh kung—"

"Ganda!"

Napahinto si Courtney at napalingon. May babaeng kanina pa sumisigaw ng 'ganda'.

Napalingon siya sa likuran niya pero siya lang naman ang tao sa bahaging iyon. Itinuro niya ang sarili niya.

"Ako po?"

"Oo, ikaw," sabi nito at nilapitan siya. "Bagay na bagay sa 'yo 'tong prutas na 'to. Ang ganda-ganda mo na, lalo ka pang gaganda."

"Talaga?" Tanong ni Courtney at hindi maitago ang ngiti. She tucked her hair behind her ear. "Ako po, maganda?"

"Aba, oo naman," tugon nito. "Kapag binili mo 'tong mga prutas namin, lalong gaganahan si mister mo. Baka masundan agad si baby!"

Namula si Courtney sa hiya. Thinking about how they made the baby, Courtney still couldn't believe that Traise was that wild and caring at the same time. She didn't know that there was a living beast within Traise's timid facade.

"Tara na," niyakag siya ng tindera. "Tsak, magkakaroon agad ng kapatid 'yang si baby. Bilhin mo na!"

"Sige po," sabi ni Courtney at hinawakan ang push cart na dala niya. "Papakyawin ko na!"

Stay Alive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon