Chapter 3

4.9K 88 4
                                    


Chapter 3

It's Him

NAGLABAS ako ng malalim na buntong-hininga kasabay ng pagtingin ko sa aking gilid. Iniikot ko ang aking tingin sa loob ng office. Hinahanap-hanap ko si Nica dahil aayain ko na sana itong mag-lunch.

Nang hindi ko ito makita ay ibinaling ko ang aking tingin sa akin relo. It's almost our lunch time. I let out another sigh as I turned my eye back to the screen of my computer. Muli ko iyong kinalikot at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Minsan ay napapatigil pa ako dahil na rin sa biglaang kumikirot ang aking ulo. Tangina, dapat ata natulog pa ako ng matagal-tagal. Hangover na may halong walang tulog, samahan mo pa ng sama ng loob sa iyong jowa. Oh, 'di ba? Triple kill agad ako.

Ilang minuto pa rin akong nagpatuloy lamang sa pagtatrabaho hangga't sa makarinig na lamang ang pagtawag sa akin gilid. Nilingon ko ang taong iyon at bumungad sa akin si Nica. May maliit na ngiting nakapinta sa kaniyang mga labi at maayos akong hinarap.

"Lunch na tayo?" her gentle and soothing voice asked. Ngumiti ako rito at saka tumango.

Inayos ko muna ang aking desktop at kinuha na rin ang aking wallet at cellphone. Sabay kaming nagpunta ni Nica sa cubicle ni Maia dahil nakapwesto ito malayo-layo sa amin. Nadatnan namin itong seryoso lamang nakatitig sa screen ng kaniyang computer.

Inaya namin siya ngunit biglaan siyang nakatanggap ng text galing sa kaniyang tatay kaya hindi rin siya nakasabay sa amin. Hinahayaan na namin si Maia kapag ganoong nag-aaya ang tatay niya sa kaniya. Minsan na lang kasi niya makasama ang kaniyang ama dahil masyado na ring nagiging abala ang opisina ng aming CEO.

Chismis kasi sa buong building ay may balak nang mag-resign ang aming CEO. Maraming nagbubulong-bulungan na ililipat na raw niya iyon sa kaniyang anak. Hindi ko alam kung totoo. Wala pa naman kasing official announcement eh. Bahala na sila dyan. Wala naman akong pakialam doon.

Napagkasunduan namin ni Nica na kumain sa isang korean restaurant kaya doon na rin kami dumiretso. Nag-samgyeopsal na lang kami dahil pareho naman kaming nag-c-crave noon.

"Did you know? Maia met the man on the dating app last night actually..." mahinang bulong ni Nica habang nag-f-flip ng meat.

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pag-ayos ko ng upo sa aking kinauupuan. "Weh? Ano? Nag-usap sila?" sunod-sunod kong tanong.

Kailan nila nakita?! Noong umalis na ba ako? Sayang, hindi ko rin nakita ng personalan! Mukha pa namang may itsura kahit sa picture ko lang nakita. Gusto ko lang makita kung bagay ba sila ni Maia 'no!

My friends deserve the best men in the world. Kapag hindi iyon binigay ni Lord sa kanila, ipipilit ko. Ako maghahanap ng the best na jowa para sa kanila.

"No. They didn't meet. Nasulyapan lang ni Maia, but I don't think he saw Maia," sagot nito.

Natapos na niyang lutuin ang ibang meat kaya binigyan niya ako ng ilang piraso. I thanked her and started eating.

I covered the meat with vegetables and stuffed it inside my mouth. Ibinalik ko ang aking tingin kay Nica at pinanood itong ayusin ang kaniyang kinakain.

"Eh, ikaw? May nakalandian ka ba?" tanong ko rito.

Nilipat niya ang kaniyang tingin mula sa kaniyang pagkain papunta sa akin kasabay ng kaniyang mahinang pagtawa. Hindi kasi masyadong maintindihan ang mga sinabi ko kanina dahil punong-puno ang aking bibig ng pagkain. Sinubukan kong nguyain iyon nang mabilis ngunit mas nahirapan lamang akong tapusin iyon.

Nakita ko itong umiling kasabay ng pag-inom niya ng tubig. "I also passed out after a few minutes of you getting home," sabi niya.

Minsan, si Nica, kailangan din matutong lumandi. Sa aming tatlo, siya ang madalas na walang kalandian. Single naman, mabait, at maganda. Mayroon na rin naman siyang stable na trabaho. Bakit ayaw pa niyang lumandi?

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon