EpilogueChained to the Past
NAGMAMADALI kong sinilid sa loob ang mga gamit ni Maia. Nang makita ko pa ang iilan nitong damit na hindi pa nakatiklop ay mabilis ko iyong kinuha at saka siniksik sa loob ng bag.
Hindi pa kasi nag-impake kagabi! Inuna muna ang pakikipaglandian. Kukutusan ko na talaga 'yong dalawang malandi na 'yon eh!
May nahulog pang iilang undergarments na hindi na kasya. Nilabas ko iyon at sinubukang isara ang bag. "'Wag ka nang mag-panty at bra! Para namang susuotin mo 'yan kapag nandoon na tayo, bikini lang naman ang kailangan mo!" pagbibiro ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng dalawa kong kaibigan. Kinuha na lamang ni Maia ang ibang undergarments at sinilid sa bag na dala-dala ko kanina. Pasalamat siya may space pa doon dahil kung hindi, hubad talaga siyang maglalakad sa room nila ni Andre!
Nilipat ko ang aking tingin kay Nica na umupo na sa kama. "Hindi ka na talaga sasama sa amin?" tanong ko dito.
Mabilis siyang umiling at saka ako binigyan ng maliit na ngiti. "Nope. I still have to find a job for my mother and also, you know," makahulugan niyang sagot.
Tumango na lamang ako at saka mabilis itong niyakap. Hinaplos ko ang buhok nito at hinalikan sa taas ng ulo. "Mag-iingat ka, ah! Sa susunod kapag may partner ka na rin, sama ka na sa amin!" pagbibiro ko.
Nag-aya kasi ako kayna Maia at Andre na mag-beach naman kami. Parang naging couple's vacation pa 'to dahil kaming apat lang ang pupunta. Umayaw si Kurt at busy rin naman si Nica.
Nag-convoy na lamang kami nina Maia papunta doon. Nang makarating doon ay mabilis lamang kaming nakapunta sa mga rooms na pina-reserve ko na noong isang araw pa.
Mag-aayos na muna kami ng mga gamit namin bago kami gumala. May tatlong araw pa naman kami dito.
Tanghali na kami nakarating doon at sabay-sabay naman kaming magtatanghalian na apat. Hinanap ko ang aking nude bikini at pati na rin ang puting beach cover up.
Mabilis ko lamang pinusod ang aking buhok, wala nang pakialam kung medyo magulo ba 'yon. Lumabas na ako ng banyo at agad hinanap ng aking mga mata si Hugh.
Nakasuot na ito ng puting pang-itaas at itim na shorts. Magulo ang kanyang buhok dahil hindi na siya nag-abala pang i-gel ito.
Nadatnan ko itong tahimik lamang na kinakalikot ang kanyang cellphone habang nakaupo sa kama. "Okay lang ba?" tanong ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa aking gawi.
Mabilis sumilay ang malawak na ngiti sa labi nito nang makita ako. Hinawi ko pa nang kaunti ang beach cover up para ipakita sa kanya ang bikini ko.
The top only had a single string, hanging on my neck, while the bottom had cute ribbons on the side. Hindi rin siya gaanong ka-brown, medyo light lang din ang kulay.
Binitawan niya ang kanyang cellphone at saka inangat ang kanyang kamay. Tumawa ako nang malakas at saka naglakad palapit sa kanya. He immediately hooked his arms around my waist, inside the cover up and pulled me in.
Nakatayo na tuloy ako sa pagitan ng kanyang mga binti. Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang buhok at marahan itong sinuklay.
Inangat niya ang tingin sa akin at saka ako mabilis na pinatakan ng halik sa baba. "My baby looks so good..." mahina niyang sabi. "You're so hot..."
Mas lalo lamang akong natawa sa sinabi nito at hinalikan siya sa noo. "Tara na? Kumain na tayo," aya ko sa kanya.
Tumayo na ito habang hindi pa rin bumibitaw ang pagkakayakap sa akin. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong halikan sa labi. "I love you, Jade," he whispered while looking into my eyes.
BINABASA MO ANG
Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)
Romantizm[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either gets cheated on, beaten up, or treated wrong. There was not a good relationship that she remembers she has been in. She's like a magnet for ass...