Chapter 36Come Back
"AALIS ka?" mahina ang boses kong tanong. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. "Aalis ka ng Pilipinas, Hugh?" bigong-bigo kong pag-ulit sa aking sinabi.
Narinig ko ang malalim niyang pabuntong-hininga kasabay ng mabilis niyang pagtayo. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagkagulat. His eyebrows were slightly furrowed while his lips were slightly parted. He looked so disappointed that I saw the ticket first.
Unti-unti nang bumababa ang aking kamay na hawak-hawak ang ticket habang pinapanood ang bawat hakbang na ginagawa niya palapit sa akin.
"Aalis ka?" bulong ko ulit. Sa sobrang hina noon ay halos hindi ko na marinig ang aking sariling boses.
Muli siyang naglabas ng buntong-hininga habang nakatitig pa rin ang kanyang maaamong mata sa akin.
"I am," maiksi niyang sagot at muling humakbang palapit sa akin.
Tuluyan na akong napatigil sa narinig kong sagot nito.
"Babalik ka naman, 'di ba? Magbabakasyon ka lang naman?" tanong ko pa, ang boses ko ay punong-puno ng pag-asa.
Ayaw ko munang isipin na magtatagal siya doon. Even if it was just a one way ticket, I'm still hoping that he will immediately come back.
Napatigil ito mula sa paglapit sa akin. Nanatili siyang nakatitig sa akin, malalim ang iniisip kung sasagutin niya na ba agad ang aking tinatanong. Humugot muna ito ng malalim na hininga bago dahan-dahang umiling.
"I don't know how long I'll be staying there..." bulong nito.
Tuluyan nang bumagsak ang aking puso kasabay ng pamamasa ng gilid ng aking mga mata. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at kasabay noon ay ang mariing pagpiga sa aking dibdib.
Umiwas ako ng tingin mula sa kanya at binasa ang aking labi. I scoffed and gave him a light nod.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" malamig kong tanong. Muli akong tumingin sa ticket na nasa aking kamay at muling pinasadahan ng basa ang nakalagay doon.
Kahit na nanlalabo na ang aking paningin ay pilit ko pa ring sinusubukang intindihin ang nakasulat doon. Tatlong araw na lang. Tatlong araw nalang bago ang kanyang flight, pero hindi niya pa rin sinasabi sa akin?
Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mga mata at mabilis na pinatabi ang ticket na hawak. Natatakot akong malukot ko pa iyon nang hindi ko sinasadya.
"Bakit hindi mo sinasabi sa akin, Hugh?!" ulit ko. Hindi ko sinasadyang tumaas ang aking boses. Huminga muna ako nang malalim at saka pinunasan ang luha sa aking mga mata.
Bakit ako umiiyak kung wala namang kami? Ano naman kung umalis siya, 'di ba?
Naramdaman ko na lamang ang mariing pagbaon ng aking kuko sa aking sariling palad nang hindi ko mamalayang naikuyom ko na pala ito. Naiiyak ako sa sobrang pagka-irita. It frustrates me that he didn't even bother to tell me!
"Hugh, anong balak mo?! Umamin ako sa 'yo noong isang araw, tapos mayroon ka na palang ganito? Kaya ba hindi natin pinag-uusapan kung ano nang namamagitan sa ating dalawa?"
Nang ibalik ko ang aking tingin dito ay kitang-kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. Paulit-ulit itong umiiling sa akin.
It all makes sense! Nakakapagtaka nga naman na isang buong taon na siyang naghihintay pero hindi pa rin naman naging kami nang umamin na ako sa kanya.
"No, Jade. Listen..." he whispered and reached out for me. Hinawakan niya ang aking braso at tuluyan nang lumapit sa akin.
Hindi ako gumalaw at hindi ko iniwas ang aking mga kamay mula sa kanyang pagkakahawak. Nanatili akong nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)
Romance[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either gets cheated on, beaten up, or treated wrong. There was not a good relationship that she remembers she has been in. She's like a magnet for ass...