Chapter 31

2.8K 52 6
                                    


Chapter 31

Proud of You

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang nakakabulag na puting liwanag. Kunot-noo akong pumikit pa nang ilang beses bago tuluyang masanay sa ilaw.

Dahan-dahan kong iginala ang aking tingin sa buong paligid. Puro lamang puting dingding ang aking nakikita. Marahan kong iginalaw ang aking kamay at agad napatigil nang makaramdam ng may nakaharang doon.

I looked down beside me and saw a woman sitting beside me. Ang kanyang ulo ay nakapatong sa kama habang mahimbing na natutulog. Kahit na nakatungo lamang ito ay kilalang-kilala ko na kung sino ito.

Mama.

Mas iginalaw ko pa ang aking kamay dahilan para unti-unti itong magising. Nakakunot ang mga noo at takang-taka niyang iiikot ang tingin. Ang mga namumungay nitong mga mata ay agad dumapo sa aking gawi. Nanlaki ang kanyang mga mata, halata ang pagkatuwa at ang pagkabigla.

"Jade, anak ko! Gising na ang anak ko!" tuwang-tuwa nitong sigaw.

Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap pa ako. Napangiwi pa ako nang kaunti nang makaramdam ng kaunting sakit ngunit hinayaan ko lanag siya. Matagal ko na siyang hindi nayayakap. Matagal ko nang hindi nararamdaman ang init ng kanyang mga bisig.

"Jade..." bulong nito sa akin.

Tumawa ako nang mahina at hinayaan lamang siya sa pagyakap sa akin. Nang humiwalay ito sa akin ay agad nagtama ang aming mga tingin. Inangat niya ang kanyang kamay at saka marahang hinaplos ang aking pisngi.

I closed my eyes and leaned my head more on her hands, feeling its warmth. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nanatili pa rin itong nakatitig sa akin. Halata ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata hangga't sa tuluyan na itong tumulo.

"Ma..." mahinang pagtawag ko dito. Halos hindi ko na marinig ang aking boses sa sobrang hina noon.

Marahan itong umiling kasabay ng paghaplos ng kanyang hinlalaki sa aking pisngi. 

"Proud na proud ako sa'yo, nak..." bulong niya. Tumango ako nang tumango dito bilang sagot. I want to open my mouth to talk to her, but I can't. Kakagaling ko lang mula sa matinding sakit at matagal na pagpapagaling.

Ramdam ko ang pangingilid ng mainit na luha sa gilid ng aking mata na agad din namang tumulo. Mama immediately wiped the tear that fell from my eye down to my cheek. 

"Mahal na mahal ka ni Mama, Jade. Sobrang proud ako sa'yo, sa medalya mo," bulong pa nito.

Napatigil ako kasabay ng pagkunot ng aking noo nang marinig ang huli nitong sinabi. Medalya? Matagal nang nangyari 'yon...

Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at tarantang inangat ang aking kamay. Mas lalo lamang akong nilukob ng kaba nang unti-unti nang mawala ang init ng palad nitong nakalagay pa rin sa aking pisngi. 

Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang palad ngunit wala akong naramdaman kung hindi ang aking sariling pisngi. Nanunuyo ang aking lalamunan, kahit gusto kong magsalita ay walang lumalabas na tunog mula sa aking mga labi.

I opened my mouth to try to speak, but I was mute. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata habang pinapanood ang aking nanay na malawak ang ngiti sa akin.

Naninikip nang sobra ang aking dibdib sa sakit. Gusto ko siyang mahawakan. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang mayakap. Kahit isang beses lang... Isang beses lang.

Dumoble ang bilis ng tibok ng aking puso sa kaba nang unti-unti nang manlabo ang aking paningin. Halos hindi ko na siya makita. I can still feel her presence, but it was very faint. 

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon