Chapter 17

2.6K 66 2
                                    


Chapter 17

I Like You, Jade

NANLAKI ang aking mga mata dahil sa biglaan nitong sinabi. My heart skipped a beat upon processing what he just said. Nanatili akong nakatitig dito dahil biglaan na lamang na-blangko ang aking isipan.

H-Ha? Tama ba ako ng pagkakarinig?

"I'm starting to like you, Jade," mahina pa nitong ulit.

Kahit madilim sa parte ng condo kung saan siya nakatayo ay kitang-kita ko ang kaba sa kanyang mukha. Ang maaamo nitong mga mata ay nakatitig lamang sa akin.

Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ito ng pangalawa nang beses.

Tangina. Tama nga ang narinig ko noong una.

Napalunok na lamang ako dahil unti-unti nang nanunuyo ang aking lalamunan, hindi alam kung anong isasagot sa kanya. Iniwas ko ang aking tingin mula sa kanyang gawi at tumingin sa aking gilid.

Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking puso sa loob ng aking dibdib. Inangat ko ang aking kamay at ipinatong ito sa aking dibdib. Sobrang lakas ng tibok noon! Tipong sa tingin ko ay naririnig na iyon sa kabuuan ng loob ng aking condo!

Unang pumasok sa aking isipan ay ang mga sinabi nina Maia at Nica sa akin. So, tama nga sila ng sinabi? Paano nila nalaman? Ako ngang halos araw-araw kasama ni Hugh ay hindi ko nahalata!

Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Pero mas nangingibabaw ang kaba na unti-unti nang lumulukob sa aking buong sistema.

Anong sasabihin ko? Wala akong maibibigay na sagot o kahit ano sa kaniya!

Tangina. Ngayon lang ulit ako nakaranas ng may umamin sa akin ng harap-harapan. Hindi ko na alam ang gagawin ko!

Tumikhim ako at saka pinadaan ng aking mga daliri ang aking buhok. Binasa ko ang aking labi at saka muling lumunok.

"G-Gago, paano mo naman nasabi 'yan? T-Tangi ka..." bulong ko, pilit na pinapaniwala ang aking sarili na hindi iyon totoo. Tumawa ako nang mahina at muling ibinalik ang tingin sa kaniya. "K-Kumain na muna tayo. Gutom mo lang siguro 'yan!" nauutal kong sagot at saka dumiretso ng lakad papunta sa kusina.

Nakahilera na doon ang dalawang steak na binili niya kanina. Pumalakpak pa ako at saka ngumiti nang malawak nang makalapit sa kitchen counter, pilit na pinapagaan ang atmosphere sa loob ng condo.

Tangina, hindi ko na alam ang gagawin ko! Kanina inis na inis ako sa aking trabaho, tapos ininis pa ako ng tatay ko. At ngayon naman ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa biglaang pag-amin ni Hugh. Paiba-iba na ang mood ko, mababaliw na ata ako!

Umupo ako sa kitchen stool at sinimulan nang kumain. Nang ilang minuto ko pang hindi makita si Hugh sa aking tabi ay muli ko itong tinignan sa kanina niyang pwesto. Dahan-dahan na itong naglalakad papunta sa direksyon ko.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa pagkain at napatulala na lamang nang paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang boses nito. Paulit-ulit kong naiisip yung sinasabi niya kanina!

Napatingin lamang ako sa aking gilid nang maramdaman doon ang presensya ni Hugh. Tahimik nitong kinuha ang kaniyang pagkain at saka inilipat sa aking harapan. Kinuha din niya ang kitchen stool at umikot sa kabilang side ng counter.

Pumirmi siya sa unahan ko at umupo doon. Ang mukha nito ay halatang hindi rin alam ang gagawin.

Nanatili akong tahimik at bumalik sa pagkain. Ilang segundong purong katahimikan lamang ang pumapalibot sa buong condo hangga't sa basagin ito ni Hugh.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon