Chapter 24

2.3K 34 6
                                    

tw: violence

Chapter 24

Leave

BINALOT ng kaba ang aking buong sistema at mabilisang binuksan ang makina ng aking kotse. Tumingin muna ako sa aking harapan at saka sinundan ng tingin ang itim na kotse.

Sinigurado kong hindi mawawala sa aking paningin sa kotseng itim. Mabilis kong pinaandar ang aking kotse at sinundan ito.

Nang makatapak ang aking kotse sa kalsada ay mahina pa akong napamura nang may mas mauna pa sa aking sasakyan. Dalawang kotse ang nasa pagitan namin ng itim na kotse ni Hugh.

I groaned in frustration but tried my best to stay calm. As long as hindi pa sila nagkikita, kumalma ka muna, Jade.

Ilang minuto pa ang tinagal ko sa pagmamaneho hangga't sa unti-unti nang mawala sa aking paningin ang itim na kotse. Madiin na lamang akong napakagat sa aking labi dahil sa sobrang kaba.

Nang makarating ako sa building ng aking condo ay agad kong nakita ang itim na kotseng nakaparada sa harapan nito. Lumipat ang aking tingin sa kabilang gawi at nakakita pa ng isang pamilyar na kotseng nakaparada rin dito.

Mabilis kong pinarada ang aking kotse sa tabi at nagkukumahog na lumabas. Tumakbo ako papasok ng building habang sobrang lakas ng kabog ng aking puso.

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang pamilyar na lalaking nakatayo sa harapan ng elevator. Mas lalo lamang akong nataranta nang bumukas ang pintuan nito at naglakad papasok doon ang lalaki.

"Hugh!" tawag ko dito bago pa tuluyang makaalis.

Habol-habol ang hininga ay tumakbo pa rin ako papunta sa kanyang gawi. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako.

"Jade..." rinig kong bulong nito sa aking pangalan.

Tumigil pa ako sa harapan nito, hindi gaanong lumalapit sa kanya. "A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang hinahabol ang aking hininga.

Umiwas ito ng tingin sa akin at saka tumikhim. Nanatili siyang tahimik hangga't sa makita ko ang pagsarado ng pintuan ng elevator. Mabilis kong hinarang ang aking kamay doon at pinigilan iyon mula sa tuluyang pagsara.

Kita ko ang muling pagtingin sa akin ni Hugh. "Jade, you either come in or be left here behind," sabi nito.

Umiling ako. Hindi tataas 'tong elevator kapag pinipigilan ko nang pinipigilan ang pagsarado ng pintuan. Kung hindi ko siya mapipigilan sa pagpunta sa aking condo, hindi ko na lang siya hahayaang makataas doon.

"Anong ginagawa mo dito?" muli kong tanong.

Nanlaki ang aking mga mata nang bahagya itong lumapit sa akin at inangat ang kanyang kamay. Nagulat na lamang ako nang biglaan niya ako akong hilahin sa aking kamay papasok ng elevator.

"Hugh—" Uulitin ko na sana ulit pa ang aking tanong ngunit agad niyang pinutol ang aking sasabihin.

"He's the one who hurt you, right?" mahina nitong tanong.

Natahimik lamang ako sa tanong nito. Dahan-dahang nagsarado ang elevator, wala nang ibang tao pa ang nakapasok kung hindi kaming dalawa lamang.

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang siya ay nakatitig lamang pabalik sa akin. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

Napatalon ako mula sa aking kinatatayuan nang maramdaman ang kanyang mainit na palad sa gilid ng aking leeg. My body's initial reaction was to keep still and frozen. Bahagya akong napapikit, para bang hinihintay ang kanyang gagawin. Akala ko ay sasaktan niya ako.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon