'taste'
Nagising ako dala-dala ang panaginip na 'yun, hindi ko alam kung anong dahilan at napaginipan ko ang pangyayaring 'yon. Agad akong bumangon at tinignan ang oras sa bedside table, alas kwatro palang pala ng umaga.
Napailing nalang ako sa aga ng gising ko, hay panira naman ng tulog. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, nanunuyo kasi ang lalamunan ko. Matapos 'kong uminom ng kunting tubig ay inayos ko na ang gagamitin ko para magluto ng agahan.
Natapos naman agad akong magluto at magsisimula na sanang kumain ng biglang tumunog ang doorbell. Nagtataka pa nga ako dahil wala naman akong inaasahang bisita. Siguro si Marco lang yun kaya tumayo na ako para buksan ang pintuan.
Nakangiti ako ng binuksan ang pinto na siya ding agad naglaho ng makita ang taong nasa harapan ko. Anong ginagawa niya dito? At pa'no niya nalaman kung anong room number ako? May dala-dala siyang paperbag na hindi ko alam kung anong laman.
"Good morning, my Vien. Coffee or milktea?" nakangiti niyang sabi bago itinaas ang dala niyang paperbag.
"A-ahm, m-milktea nalang." nahihiya kong sabi. Ngumiti naman siya na kalaunan ay nawala din.
"Pwede bang pumasok?" Ayan na naman siya sa pagtatagalog niya, ang sarap talaga pakinggan.
Nalilito man kung bakit siya nandito ay linakihan ko na ang bukas ng pinto para makapasok siya. Pagpasok niya, sinarado ko ang pinto at hinarap siya.
Dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa hapag kainan na para bang alam na alam na niya ang pasikot-sikot sa tinitirhan ko, kahit ngayon lang naman siya nakapasok rito.
Tinignan naman niya ang nakahain duon na niluto ko kanina, bago bumaling sa'kin na para bang namamangha. Ngayon lang ba siya nakakita ng ganong klaseng pagkain?
"You cooked this?" nagtataka man sa kinikilos niya ay tumango nalang ako.
Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng panibagong plato para sa kaniya. Nakakahiya naman kung hindi ko siya yayayaing kumain, atsaka marami-rami din naman ang niluto ko at saktong-sakto lang saming dalawa.
Pagdating ko sa hapag, nakita ko siyang nakaupo lang dun at nakatingin sa gawi ko na para bang hinihintay niya talaga ako. Hindi ko maiwasang mailang sa mga titig na ibinibigay niya, kaya nag-iwas ako ng tingin at inilagay ang plato sa lamesa. Kahit naiilang parin dahil sa mga titig niya, naupo nalang ako sa harap niya.
"A-ah, kain ka." pagbasag ko sa katahimikan.
Ngumiti naman siya ng maliit sa'kin. Parang napapadalas yung mga ngiti niyang 'yan, hindi na siya suplado tignan. Nagsimula na siyang magsandok ng kain at kumuha ng ulam. Pinatapos ko muna siyang kumuha duon bago ako kumuha ng akin.
Tahimik lang kaming kumain. Ramdam na ramdam ko naman ang pagsulyap niya sa'kin kada minuto, hindi ko na natiis at tinignan din siya. Nakita kong namumula ang tenga niya na siyang ipinagtaka ko.
"May problema ba? Ayaw mo ba sa pagkain?" nagaalala kong tanong. Hindi kaya allergic siya sa pagkaing niluto ko?
Sa takot na dahil nga duon ay dali-dali akong lumapit sa kaniya. Dahil sa pagmamadali, hindi ko inaasahang matatalisud ako. Napapikit ako ng wala sa oras at hinintay ang pagtumba ko. Napahawak naman ako sa kaniya ng maramdaman ko ang isang kamay niyang pumulupot sa maliit kong bewang, bilang suporta na rin sa'kin upang hindi ako tuluyang matumba.
"Oh... baby." ungol niya ng igalaw ko ang kamay kong nakahawak sa kaniya, hindi kasi maayos ang pagkakahawak ko sa kaniya.
Wala sa sariling napamulat ako ng parang tumigas yung nahahawakan ng kanang kamay ko. Napatingin ako kay Zeno ng makitang nakapikit ito ma para bang nagpipigil ng sarili. Anong bang problema? Dumako naman ang tingin ko sa kamay kong nakahawak sa kan'ya. Nanlalaki ang mata kong nakatingin duon, hala! y-yung ahas ni Chase hawak-hawak ko!
BINABASA MO ANG
Benedicto Series #1: His Sweet Desire
RomanceDesiree Vien Guevarra is a beautiful yet innocent girl who's kind and generous. Siya ang babaeng hinahangaan at hinahangad ng kalalakihan. Tahimik ang pamumuhay ng dalaga not until lumuwas sila ng manila at duon na nag-aral. Sa isang pagkakamali ay...