Simula

1K 19 0
                                    

Bata palang ay alagang-alaga na ng pamilyang Guevarra ang kanilang nagiisang anak na si Desiree, hindi maipagkakaila ang taglay nitong ganda na namana niya sa kaniyang mga magulang.

Sa katunayan nga ay bumagay ang pangalan nitong Desiree sa kanya dahil she is every man's desire, maraming naghahangad na makuha at maangkin ang dalaga ngunit ni isa ay wala itong binigyang pansin.

Nakuha niya ang magagandang mata at pilikmata sa kaniyang ina, samantala taglay naman niya ang kilay, matangos na ilong na bumagay naman sa kanya at nakakaakit niyang mga labi sa kaniyang ama, A beautiful creation indeed.

“Maam Desiree pinapatawag po kayo ng Daddy niyo.” rinig niyang ani ng isa sa kasambahay nila.

“Susunod na po ako ate, salamat po.” bukod sa gandang taglay ng dalaga, napakabait at maunawain nito.

Bumangon na siya sa kaniyang hinihigaan at naligo na dahil alam niyang may importanteng sasabihin ang Daddy sa kaniya at ayaw naman niyang pinaghihintay ng matagal ang ama kaya mabilis ang ginawa niyang pagkilos.

Natapos ang dalaga at nagsuot lang ng isang simpleng dress na medyo hapit sa kaniya na talaga namang nagpakita ng magandang hubog ng katawan nito. Pagkababa ay nagtanong ang dalaga sa nakasalubong na kasambahay kung nasaan ang kaniyang papa dahil hindi niya ito nakita sa opisina na laging tinatambayan nito.

“Nasa hardin po si Senyor kasama na po nito ang Senyora.” nginitian lang ito ng dalaga at umalis na.

Pagkarating sa hardin nakita ng dalaga ang kaniyang mga magulang na masayang nag-aagahan, hindi niya mapigilang mapangiti sa nakikita dahil kahit na matagal na itong nagsasama hindi parin nawawala ang pagmamahal ng mga ito sa isa't-isa.

“Oh, Desiree anak. Kanina ka pa ba diyan? bat hindi ka pa lumapit at umupo dito?” nakangiting saad ng kaniyang ina.

“Kararating ko lang rin po Mommy.” mahinhing sabi nito at binigyan ng halik ang pisngi ng kaniyang mga magulang at naupo na.

“Siya nga po pala Daddy, bakit mo po ako pinapatawag?” baling niya sa ama.

“About that my dear since Senior High School kana naman at malapit naring mag college. Your mom and I decided to enroll you in Benedicto University, hindi ba't gusto mo rin pumasok dun?” nakangiting saad ng kaniyang ama na ikinangiti niya.

Gustong-gusto niya talagang mapakapasok sa paaralan na 'yon dahil isa ito sa sikat na school sa manila. Matagal na niyang gustong mag-aral dun, kaso nga lang inaalala niya ang kaniyang mga magulang kaya hindi siya matuloy tuloy pero ngayon magulang na niya mismo ang nagsabi.

“Talaga po Daddy?” masayang tugon nito na tinanguan lang ng kaniyang ama. “Pero Daddy pa'no po yun, sasama po ba kayo sakin sa manila?”

“Desiree, alam mo namang ayaw namin ng mama mo manirahan duon at mas gusto namin sa tahimik at may sariwang hangin na lugar gaya nitong San Antonio, saka walang maiiwan na magbabantay dito kung sasama pa kami sa'yo.” mahabang paliwanag ng kaniyang ama.

“Saan po ako tutuloy kung ganon?” tanong muli ng dalaga.

Hindi naman kasi talaga siya maalam sa mga lugar sa manila dahil simula bata ay sa San Antonio na sila nakatira.

“Pwede ka namang tumira sa tita mo o kaya ay tumira sa condo na iniregalo namin sa'yo.”

Tama nung nag sixteen kasi siya ay niregaluhan siya ng magulang niya ng condo na hindi naman niya magamit dahil nga sa malayo ito sa kanila at sa magulang niya. Siguro pinaghandaan din nila ito dahil alam nilang gusto kong pumasok sa University na malapit-lapit lang din don.

Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap hanggang sa pumayag na ang dalaga dahil dadalawin naman daw siya ng mga magulang pag walang masyadong ginagawa at ganon din siya, she decided to stay at her condo dahil nahihiya at ayaw niyang makaabala sa tita niya.

Benedicto Series #1: His Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon