Kabanata 7

399 12 0
                                    

'worse'

Matapos ang maayos naming pag-uusap ay magmamadali akong pumunta sa cafeteria. Ayaw pa nga akong payagan mi Zeno pero talagang nagpumilit ako, mahirap na baka magisa pa ako nina Marco.

Pagkarating ko nga don ay pinaulanan na agad nila ako ng tanong, kesyo daw ba't ang tagal ko at ano raw yung ginawa ko. Wala naman akong maisagot sa kanila kaya nanahimik nalang ako nun.

Isang linggo na rin ang nakalipas ng mangyari 'yon. Naging maayos ang pakikitungo sa 'kin ni Zeno, lalo na ang pag-aaral ko na ayoko talagang pabayaan dahil 'yon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito.

These past few days, napapansin ko ang pagiging matamlay ni Kelsie. Ayoko naman siyang tanungin dahil sa nararamdaman kong ayaw niya pang magkwento, siguro ay hihintayin ko nalang ang araw na may lakas na siyang loob para magkwento sa akin.

Feeling ko talagang napakabigat ng problema niya at hindi ko alam ang gagawin para mapagaan man lang ang loob niya kahit papaano. Nag-aalala talaga ko ng sobra sa kaniya pero mas mabuti narin na manahimik nalang ako at pasimple siyang damayan.

"Desiree, tara na." nabalik ako sa huwisyo ng marinig ang boses ni Kelsie.

Nginitian ko nalang siya bago sumunod. Tapos na kasi ang class namin at sabay kami ngayong pupunta ng cafeteria para kumain. Si Marco at Raiko naman ay nauna na sa amin kaya kami lang dalawa ang magkasama papunta ron.

Nang makarating kami ay agad naman naming nakita kung saan nakapwesto sila Marco. Papunta na sana kami ron ng may bumangga sa akin.

Natapon ang dala niyang pagkain na nakalagay sa tray na siyang naglikha ng malakas na tunog kaya napunta ang atensyon ng mga taong kumakain sa amin.

"Look what you've done b*tch!" nanlilisik ang mga mata ng babaeng bumangga sa akin. Nakilala ko naman agad ito dahil sikat siya sa school, ang queen bee kuno ng school ang babaeng ito.

"Pasensya na pero hindi naman kita nabangga, ikaw ang bumangga sa akin." malumanay kung sabi at isa pa ayoko ng away.

Nakita kong lalapit na sana si Kelsie sa 'kin pero ngumiti at inilingan ko lang siya, ayoko siyang madamay sa gulong 'to dahil alan ko namang marami na siyang hinaharap na problema.

"So what are you trying to say? You're the one who bumped me but your putting the blame on me?" nakataas kilay nitong saad.

"I'm not blaming you, ang akin lang ay wala naman akong ginagawang masama sa'yo para magalit ka ng ganyan." matapos kung sabihin iyon ay naglakad na ako papunta kay Kelsie. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay hinila na nito ang aking buhok.

"How dare you turn your back at me like that, hindi pa ako tapos sa'yo b*tch!" singhal niya sa'kin bago ako hinila palapit sa kaniya gamit ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko.

Hindi ko maiwasang mapapikit dahil sa sakit ng pagsabunot nito sa akin. Nagsinghapan naman ang mga taong nanonood sa amin, hindi man lang nila inawat ang babaeng 'to. Kahit naiiyak na sa sakit ay hindi ko pa rin magawang lumaban dahil hindi naman talaga ko maalam sa pakikipag-away.

"I really hate you! Mal*ndi ka! Inaagaw mo sa 'kin si Chase!" nanggagalaiti nitong saad bago bumitaw sa pagkakasabunot sa akin at sinampal ako ng napakalakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Sa lakas ng sampal nito sa akin ay alam kong rinig na rinig yon ng mga tanong nandito.

Dahil rito ay hindi ko na naiwasang mapaluha. Wala pang nanakit sa akin ng ganito, ni hindi nga ako napagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko tapos isang hamak na tulad lang niya ay nagagawa ito sa akin.

Namamanhid ang pisngi ko kung saan niya sinampal. Nilibot ko ang tingin sa buong cafeteria. Nakita ko ang naaawang tingin ng ilang estudyante sa akin, meron ring galit at nagbubulungan pa na alam kong masasamang salita tungkol sa akin ang pinaguusapan.

Benedicto Series #1: His Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon