Kabanata 2

448 15 0
                                    

'darling'

Nandito parin ako sa Dean's office dahil kailangan kong kunin ang schedule at uniform ko.

“I'm asking you Chase, what are you doing here?“ tanong ulit ng bagong dating kay Chase, bumaling naman ang tingin nito sa 'kin.

“U-uhm, nandito po ako para kunin ang schedule at uniform ko.” pilit-ngiti kong sabi.

“Transferee?” tumango ako. “You must be Desiree Guevarra, if I'm not mistaken.” saad ng Dean, bakit niya 'ko kilala?

he chuckled. “Kilala kita ija anak ka ni Anthony at Isabel Guevarra right?” tumango naman ako, kilala niya din ang mga magulang ko.

“Kaibigan ko ang tatay mo ija at halos lahat ata ng features ng tatay mo ay nakuha mo kaya nakilala kita. Ang liit-liit mo pa nung huli kitang nakita, hindi mo na siguro ako natatandaan.” nginitian ko siya.

Kilala niya pala sila Daddy, ba't hindi sinabi sa'kin to? napanguso naman ako dahil dun. Pansamantala kong nakalimutan ang kaba at takot dahil kay Chase.

“Pasensya na po kayo kung hindi ko kayo natatandaan.” paumanhin ko.

“No worries ija, sabi ko na nga ba't mas maganda ka lalo ngayong nag dalaga ka na. Siguro ay sumasakit ang ulo ng ama mo sa dami ng manliligaw mo.” uminit ang pisngi ko sa sinabi nito at wala sa sariling napatingin kay Chase na nakatingin sa'kin ng madilim at umiigting ang panga.

Kinabahan naman ako ng dahil dun, galit ba siya sa 'kin? katapusan ko na ata sa school na'to, natatakot ako na ako ang susunod na maging biktima niya.

Bumaling nalang ulit ako kay Dean. “U-uhm Mr. Benedi-” he cut me off before I could finish my word.

“Stop the formality ija, you can call me Tito Troy since kaibigan ko naman ang ama mo.” nakangiting sabi nito. Buti pa si Tito Troy ngumingiti.

“Uhm T-Tito Troy hindi naman po siguro sumasakit ang ulo ni Daddy.” I joked then scratch my nape, natawa naman siya sa sinabi ko.

Napatingin ulit ako kay Chase ng makitang mas lalong dumilim at umigting ang panga nito kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Problema ba neto?

Bumaling naman ulit si Tito Troy kay Chase. “Chase, why are you still here?” tanong ulit nito.

“You know why I'm here Uncle.” bumalik naman ang takot at kaba ko ng marinig ang malamig nitong boses.

Pinaupo ako ni Tito Troy sa sofa na nasa gilid bago lumapit kay Chase at pinaalis ito sa upuan niya. Umalis naman si Chase dun at naupo sa tapat ko. Abot langit ang kaba ko dahil mas malapit na kami sa isa't-isa kaysa kanina.

“Ija ito na yung schedule at susi sa locker mo, nandun na rin yung uniform mo.” sabi ni Tito Troy, nagpasalamat naman ako at tinanggap yun.

Matapos kong kunin yun ay nagpaalam na 'kong aalis na dahil may gagawin pa 'ko, pagtango ni Tito Troy ay nagmamadali akong naglakad palabas pero bago yun nadaanan ko si Chase na nakangisi na naman sa akin na siyang kinakaba ko.

Pagkalabas ko ng office ay hinihingal akong napasandal sa pinto, ewan ko ba hindi ko kayang magtagal sa loob dahil kay Chase natatakot ako sa kaniya.

Hinanap ng mata ko kung na saan si Kelsie at nakita ko itong nakaupo sa bench sa di kalayuan dito.

Maglalakad na sana ako papunta sa kaniya ng bumukas ang pintuan at lumabas si Chase, hindi ako makakilos ng dahil sa kaniya. Labis-labis ang kaba ko ng tumingin siya sakin.

Nilampasan naman ako nito kaya napanatag ang loob ko at nilapitan na si Kelsie.

“Hey. Sorry, napaghintay ba kita ng matagal?” tanong ko sa kaniya, ngumiti naman ito sa'kin.

Benedicto Series #1: His Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon