'official date'
Kanina pa ako nakayuko dito sa desk ko dahil wala kaming klase. Gusto kong lumabas at mag-ikot pero hindi naman kami pinapayagang umalis ng classroom.
Inaantok pa talaga ako dahil wala akong maayos na tulog dahil sa sinabi ni Chase; paulit-ulit 'yong nagp-play sa utak ko na parang sirang plaka.
Hindi naman ako makatulog dahil sa ingay ng dalawa kong kaibigan, kanina pa sila nagbabangayan. Masaya ako dahil bumalik na ang dating sigla ni Kelsie pero 'di ako natutuwa sa kaingayan nila, antok pa kasi ako 'e.
"Mukha ka namang palaka." nang-aasar na sabi ni Marco.
"Kung ako mukhang palaka, ano ka nalang kaya? Hinahanap kana ng kauri mong unggoy." bawi ni Kelsie.
"Sa gwapo kong 'to, sasabihan mo akong unggoy? Ha! Crush mo lang ata ako 'e, pero sorry ka nalang di ako pumapatol sa panget na may jowa. Bulag siguro yung boyfriend mo kaya nagkagusto sa 'yo." hindi nga s'ya mukhang unggoy, asal unggoy naman minsan.
"Yuck! Kadiri ka! Look at yourself kaya? Para sabihin ko sa'yo maganda ako at maraming nagkakagusto sa akin no; kasama na do'n ang boyfriend ko, 'e ikaw? Ni wala ka manlang girlfriend dahil siguro sa mukha mo, kawawa ka naman." tamo to si Kelsie kawawa naman ang bestfriend ko natamaan.
"Ouch! Grabe siya! Ang sakit mo naman magsalita, foul 'yon ah." sabi ni Marco sa malungkot na boses.
"Well, totoo naman kasi talaga. You're gay siguro kaya wala kang girlfriend." si Kelsie talaga ayaw paawat.
"Gay agad? Hindi ba pwedeng may hinihintay lang?" may hinihintay pala si Marco? Hindi manlang sinabi sa akin, parang 'di bestfriend ah.
Ilang minuto ang nakalipas ng walang nagsasalita ni isa sa kanilang dalawa. Nagtataka ako dahil bigla nalang silang nanahimik kaya inangat ko ang ulo at binalingan sila.
Nangunot ang noo ko dahil pareho silang nakatingin sa akin, problema ng mga 'to? Hindi naman ako kasali sa asaran ah?
"Do you have a problem? Bakit kayo nakatingin sa akin?" tanong ko.
"A-Ah w-wala naman, k-kanina ka pa k-kasi nakatungo d-diyan." utal-utal na sabi ni Marco.
Hindi rin nakaligtas sa akin ang bahagyang pagsiko ni Kelsie kay Marco. May hindi ba sila sinasabi sa akin? Nagtataka man ay nginitian ko nalang silang dalawa.
"Gano'n ba? I don't have enough sleep that's why I'm sleepy." nakangiti kong sabi.
"Bakit Desiree? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Marco.
"Ah, wala naman. Hindi lang kasi ako makatulog ng maaga, kaya ganon." half truth kong sabi. Totoo naman kasing hindi ako makatulog pero may problema naman talaga ako at 'yon ay tungkol sa sinabi ni Chase.
"Okay. But if you have any problems, don't hesitate to tell us. Malay mo makatulong kami 'di ba?" nakangiting sabi ni Kelsie na tinanguan ko nalang. Siya nga itong hindi nagk-kwento pag may problema hays.
Minutes had past and the bell rangs; it's time for our favorite subject which is recess! Makakalabas na rin ng classroom. Kanina pa kasi ako bored sa loob at isa pa gusto kong matulog kaso ang ingay ng dalawa, kaya alam n'yo na hindi ako nakatulog.
"Tara Desiree! Sabay ako sa inyo ni Marco ngayon." himala ata at sumabay si Kelsie? Lagi niya kasing kasabay kumain ang boyfriend niya.
"Wow, himala! Nag-away siguro kayo ng boyfriend mo kaya sasabay ka sa'min. Sinasabi ko na nga ba, mukhang natauhan na ang boyfriend mo at balak kanang iwan." nang-aasar na sabi ni Marco kaya siniko ko siya.
BINABASA MO ANG
Benedicto Series #1: His Sweet Desire
RomantikDesiree Vien Guevarra is a beautiful yet innocent girl who's kind and generous. Siya ang babaeng hinahangaan at hinahangad ng kalalakihan. Tahimik ang pamumuhay ng dalaga not until lumuwas sila ng manila at duon na nag-aral. Sa isang pagkakamali ay...