Kabanata 12

422 14 0
                                    

'nababaliw'

"Zeno, let's go! Kain muna tayo." ani ko sabay hila sa kaniya.

We're here at the Enchanted Kingdom. Dito niya ako dinala kaya gutom na'ko, mahaba-haba kasi ang biyahe. This is my first time here, lumaki kasi ako sa probinsiya at hindi naman kami gaanong gumagala nila Mom.

"Wait me here, I'll just go get your food." he said then left me sitting in the bench.

I roamed my eyes around the area. Hindi na masyadong marami ang mga tao ngayon siguro dahil mag-gagabi na rin. It's already six in the evening and naguumpisa naring dumilim. I wonder if makakauwi pa ba kami nito, delikado na kasi para sa akin ang gabi na umuwi. And I know na mas gagabihin pa kami dahil kararating lang namin.

Ilang sandali pa ay natanaw ko si Chase na papalapit sa akin dala ang binili niyang pagkain para sa aming dalawa.

"Here, eat first before we go and ride those available rides you want to try." sabay abot sa akin ng plastic na dala.

Kinuha ko naman ito sa kaniya at inilabas isa-isa ang binili niya. Marami-rami din naman ang binili niya at sakto lang para sa aming dalawa.

Nagsimula akong kumain at naupo naman siya sa tabi ko. Nagtataka ako dahil hindi nito ginagalaw ang pagkain niya at nakatingin lang sa akin.

"Bakit hindi kapa kumakain?" I asked.

"Nothing, I just can't help admiring you." natigil naman ako sa pagsubo at nilingon siya.

Hindi ko maiwasang mamula dahil sa sinabi niya. "T-Tumigil ka nga, k-kain kana." nahihiyang sabi ko.

Narinig ko naman itong tumawa. "Oh god, you're so cute." he said.

I just continue eating, hindi na pinansin ang sinabi niya. Ang lakas talaga niyang mang-asar. Hindi ko pa rin lubos na maisip na may ganito pala talagang side si Chase.

We are silently eating matapos niyang sabihin 'yon at hindi ko siya pinansin ay nanahimik na din naman siya. Minutes had past and we're done eating. Iniligpit muna namin ang aming pinagkainan bago kami tumayo.

"Let's go! We'll ride whatever you want, just tell me kung sa'n mo gusto." he said.

Nagsimula na kaming maglakad, inilibot ko rin ang paningin ko sa lugar at nakita ko ang roller coaster sa di kalayuan. Hindi ko pa 'yon nasusubukang sakyan kaya gusto kong i-try.

"Zeno! Do'n tayo sa roller coaster." aya ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako o ano, pero nakita ko siyang namutla. Sabi niya sasakay kami sa lahat ng gusto ko, bakit parang ayaw niya? 'Wag mo sabihing takot siya sa mga gano'ng rides? Napatawa nalang ako sa naisip.

"O-Okay, are you s-sure about that?" kinakabahang sabi niya.

I knew it! Takot nga siya. Bakit niya pa ako naisipang dalhin rito kung takot naman pala siya? Umandar tuloy ang pagkaloka-loka ko at nakaisip ako ng kalokohan.

"Uy Zeno, h'wag mo sabihing takot ka?" pang-aasar ko at sinundot-sundot ang tagiliran niya.

"Stop making fun of me, hindi ako takot no! Ako? Matatakot? Asa ka." natawa nalang ako sa sinabi niya dahil halata naman kasi sa kaniyang takot siya.

"Okay sabi mo e. Let's go! Do'n tayo sa roller coaster." I said sabay hila sa kaniya.

Napipilitan siyang nagpahila sa akin bago bumili ng ticket para sa aming dalawa. Hindi pala takot ah! Tignan nalang natin mamaya pagsakay.

Ilang sandali pa ay nilapitan na ako ni Chase dala-dala ang ticket naming dalawa. Excited na akong sumakay do'n at itong katabi ko naman hindi mapakali. Ayaw pa kasing aminin na takot siya.

Benedicto Series #1: His Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon