'Confession'
Nag-aayos na ako ng iilang damit dahil pumunta pala si Chase sa condo at do'n kumuha ng iilang damit ko para may masuot ako. Nagkausap na rin kami nung gabing nagkaro'n kami ng konting alitan, ayos naman na kami kaya okay na 'yon.
Ilang minuto matapos naming magkaayos ay sabay na kaming bumaba para kumain. Nagpaalam na rin ako sa kaniya no'ng kumakain kami na uuwi na 'ko. Ayaw niya pang pumayag pero wala na rin naman siyang nagawa kalaunan.
At heto ako ngayon, nag-aayos na ng gamit. Sa ilang araw naming magkasama talagang mamimiss ko siya ng sobra. Wala pa naman siyang sinasabi tungkol sa kung ano nga bang meron kami, siguro nalilito rin siya. Hindi ko naman kasi siya boyfriend at gano'n rin siya, hindi niya ako girlfriend. Pero minsan may nagagawa kami na para lang naman kasi talaga sa magkarelasyon, hays, ayoko na isipin.
Patapos na akong mag-ayos ng gamit ng bumukas ang pinto, iniluwa no'n si Chase na seryosong nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga ako habang hinihintay siyang makalapit sa 'kin. Pipilitin na naman siguro niya ako na 'wag ng umuwi.
Nang makalapit siya ay naupo siya sa kama, paharap sa akin. Akala ko ay mag-uusap nalang kami ng gano'n, pero nagulat ako ng bigla niya akong hinigit kaya napaupo ako sa kandungan niya. Pumulupot naman agad ang kamay niya sa bewang ko bilang suporta para hindi ako malaglag.
He sighed. "I told you, you can stay here with me. I would love that." he then buried his face in my neck.
"I told you, too. Hindi pwede," I caressed his face and made him look at me. "At isa pa. How can I explain myself to my parents, in case they visit me?"
He stared at me, seriously. "Okay, then. I will talk to your parents and tell them I'm your boyfriend," napatampal nalang ako sa noo dahil sa sinabi niya. "What? Do you have their numbers? Or... I will talk to them personally." seryoso ba siya?
"Chase! You're not my boyfriend, ano bang sinasabi mo?" kung ano-ano nalang talaga lumalabas sa bibig niya minsan.
Napakagat naman ako ng labi dahil tinignan lang ako nito ng walang emosyon. Hindi ko talaga kayang alamin kung ano ang iniisip niya minsan, ang hirap niya talagang basahin. Nakakakaba naman kasi yung mga tingin na ibinibigay niya.
"Oh? Okay, I'll court you then." he softly said.
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya, seryoso ba siya sa sinasabi niya? Tinitagan ko siya lalo para makita kung seryoso ba siya sa sinasabi niya at nakikita kong seryoso nga siya. Bumuka ang bibig ko para sana magsalita, kaso wala man lang lumabas ron niisa. Napatungo nalang ako dahil sa hiya, ano ba yan!
Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya ng makakuha ng salita. "S-Seryoso ka ba?" hindi ko maiwasang magduda dahil hindi pa naman kasi kami gano'n magkakilala.
"I'm serious, baby. I love you... since the day I first saw you, please don't doubt my feelings for you," He kissed my forehead then caressed my face. "You'll let me court you, right?"
Muli ay bumuka ang bibig ko para sana magsalita, kaso talagang nawawalan ako ng salitang masasabi dahil sa kaniya. Sobrang lakas ng tibok ng puso, and I'm afraid he heard that. Sobrang natatakot ako.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko pati na rin ang mga paro-parong nagwawala sa loob ng tiyan ko. Maya-maya pa'y hindi ko alam, pero kusang gumalaw ang ulo ko para sabihing pumapayag ako sa gusto niya.
Napahiyaw pa siya dahil sa sagot ko, akala mo talaga sinagot ko na siya kung umasta. I can't help but mentally chuckled, he never failed to amaze me. Lahat ay bago lang sa akin pero madali ko 'yong naiintindihan ng dahil sa kaniya.
"Thank you, baby. Fvck! You don't know how happy I am right now." I giggled because of what he said.
We spend the remaining hours together, napag-usapan kasi namin na hapon nalang daw ako umuwi. At dahil mapilit siya, pumayag na rin naman ako kalaunan. Mami-miss ko rin kasi yung bonding na magkasama kaming dalawa. Hindi ko talaga lubos akalain na may soft side rin pala siya. Ika nga nila, don't judge a book by its cover.
BINABASA MO ANG
Benedicto Series #1: His Sweet Desire
RomanceDesiree Vien Guevarra is a beautiful yet innocent girl who's kind and generous. Siya ang babaeng hinahangaan at hinahangad ng kalalakihan. Tahimik ang pamumuhay ng dalaga not until lumuwas sila ng manila at duon na nag-aral. Sa isang pagkakamali ay...