Teacher: Class,my party tayo sa sabadoSabi ng guro naming suplado
Teacher:Kailangan niyong humanap ng partner para makasali kayo
Ngunit sino, kung maging crush ko ay hindi ako gusto
Tanong ko sa mga isip ko,Binaliwala ko na lang ang sinabi ng aming guroHabang pauwi ako may nakita akong nagyayakapan
Nakita ko ang crush ko sa aking harapan
Sa sobrang sura ko ay naipaltok ko ang basurang dapat ay sa basurahan
Sabay tumawid sa kabilang kanto
Dahil malapit ang dagat sa daang aking napuntahan
Umupo muna ako dito saglit saka sumigaw
Jane:Sanaol may jowa!!!!sanaol makakasali sa party!!!!Sanaol gusto ni Ko--
Natigil ako sa paghiyaw
Nang narinig ko ang isang tinig na sobrang pamilyar sa akin
Kobe: Sanaol gusto ni jane!!
sabi ng taong nasa likod ko,sa aking pagtingin..
Nakita ko ang crush kong dati ko pang tinititigan
Hala,totoo ba to?crush niya den ba ko?!!
Tanong ko sa isipan kong naguguluhanKobe: Oo,Crush kita jane, matagal na
Bigkas niya habang namumula ang aking mukha
Hindi ko alam na parang narinig niya ang tanong ko sa aking isipan
Jane: Hala,crush mo ko? seryoso ka ba?nakita kita kanina nakikipagyakapan ha
Kobe: Ha?HAHAHAHAHA baliw
Jane: Sayo, bulong ko
Kobe: Kapatid ko yon gaga
umuwi kase siya galing sa America
Jane: Maniwala sayo
Kobe: Na lang ako HAHAHAHA joke
Jane: Umayos ka, talaga ba?
Kobe: oo nga,gusto mo tawagan ko pa si mami?
Jane: Wag na kaya pala di ko kilala hihi
Kobe: So ano? naniniwala ka na bang crush kita?
Jane: Luh,bakit mo naman ako naging crush?
Kobe: luh,means love u hazel HAHAHA
Jane: Hoy hindi pa nga tayo may hazel ka na
Kobe: Ogag ka talaga second name mo yon dba
Jane: Aayy oo nga no nakalimutan ko HAHAHAATanga kinilig ako,sabi ko sa utak ko
Kobe: Naging crush kita kase nagpapansin ka
Jane: Di naman ako nagpapansin sayo ha
Wag ka feeling hmp
Kobe: Ah oo nga pala, naipaltok mo lang ang mga basura
Jane: Aayy hehe sorry na
Kobe: Nadapa ka lang naman sa harap ko nung first day of school
Chineer mo lang naman ako para sa math ca--
Natigil na ang pagsasalita niya dahil tinakpan ko bibig niya
Habang pinipigilan niya ang kamay ko nagtaob kaming dalawa
Sabay nagkatitigan na parang tumigil ang mundo at kami ay nagsolo
Habang papalapit ng papalapit ang aming mga mukha,May narinig ulit akong boses na kakaiba
Babae: Jane!!! tulungan niyo siya!!
At tunog ng ambulansya...
Panaginip lang pala ang lahat,at minulat ang aking mata
Saka pinikit muli,isip ay muling gumawa ng pantasya
Sa isang dagat,nagpaparty at nagsasaya ang lahat
Habang ako ay nasa pangpang lamang
Katabi ang isang taong hinangaan
Kinuha ko ang aking diary na aking pinagsusulatanNg mga sari-saring nararamdaman
Ng bigla itong kunin ng aking katabi
Si Kobe,Hindi ko ito makuha sapagkat matangkad siya
Tumakbo pa siya papalayo sa akin at pumunta sa dagat
Nais ko siyang habulin pero nawala agad siya sa aking paningin
Nakita ko siyang lumitaw sa likod ko at ako naman ang nawala
Habang siya ay nagtataka nasan ka sinta
Pagkatapos noon, mata ko'y namulat
Sa katotohanan na panaginip lang ang lahat
Panaginip lang,pero gusto kong
hanapin ang taong gusto koNang ako'y magising,nakita ko ang kapatid kong mukhang matsing
Hehe joke lang,tinanong ko siya kung bakit ako nasa ospital
Sinabi niyang nabangga ako dahil gusto ko daw tumawid papuntang dagat,
sabi ng mga nakakita sakenKuya: Sinagip ka ng isang lalaki,sinagip ka ni kobe
Jane: Nasan na siya ngayon?nanginginig kong tanong
Kuya: Wala na siya jane, Namatay siya ng dahil sayoPagkarinig ko ay agad na tumulo ang luha ko
Namatay ang gusto ko ng dahil sakin nang dahil sa aking pagpapansin
Iyak ako ng iyak habang nag-ooverthink
Na sana di ko na lang sila pinaltok ng basura
Para di niya na ko napansin,baka sakaling mabago ang tadhana
Baka hindi lang sa panaginip maging masaya,baka sana ay naging kami pa
Baka sana buhay pa siy--
Natigil ako ng may naalala ako
Kuya anong date na ngayon?
"Feb 14, Valentines day"
Hindi ko maipaliwanag ang naging emosyon ko sa aking narinig
May kirot sa dibdib at may halong saya sa mukha habang kamay ay nanginginig
Naalala kong nagparamadam ang taong gusto ko sa isang panaginip
Sa isang panaginip, panaginip na nagpapaalalang siya lang ang taong gusto ko
Pero naalala kong sa panaginip ko na nga lang siya matatagpuan
Sa panaginip na lang.
BINABASA MO ANG
Short Stories I Made
RandomIf you just want to read my short stories they are here!!! It's just like a book with different stories.