BESTFRIENDS ARE MEANT FOR EACH OTHER BUT NEVER MEANT TO BE

14 3 4
                                    

Dear diary,ako nga pala si Ellaine at may bestfriend akong si Josh

Parehong single parents ang mga magulang namin kaya nagkakasundo kami

Bestfriend ko siya since elementary
Lagi kaming nagkukuwentuhan at nag-aasaran

Panget!!!torpe!!!

Minsan pa nga sabi niya

Josh: Gusto ko kasama mo ko pag kasal ko na ha
Ellaine: Oo naman pangako.

Sabay nag-isip kung ako ba ang gusto niyang makasama

Kapag pareho kaming broken ay sabay kaming iiyak

At kapag masaya ay sabay kaming tatawa

Lagi kaming magkasama dahil kaklase ko siya

Hinihimas niya lagi ulo ko at sasabihing ang cute ko

He's my boy best friend ever!!!

Masaya ako tuwing kasama siya at may kakaibang ligaya

Hanggang sa naging high school kami at magbestfriend pa den

Magkaiba na kami ng room dahil magkaiba den kami ng section
Tuwing recess ay magkikita at magpapalibre sa isa't isa

At magkukuwento sa mga nangyari sa klase't kaeskwela

Sa uwian naman ay hinihintay niya ako at ginagawa pa den ang paghimas sa aking ulo

Sabay kaming maglalakad papunta sa sakayan ng jeep

Doon magsasapi sa earphones dahil nakakalimutan niya ang sa kanya

Makikinig ng musikang paborito naming dalawa

At ako'y makakatulog sa balikat niya
Kapag bababa na ko sa bahay namin ay gigisingin niya ko habang hinihimas ulo ko

Sasabihing "panget gising na"

Pagkababa ay tatanawin siya habang nakikitang palalayo na

Paminsan minsang magkachat kapag kailangan ang isa't isa

Ganoon lagi ang aming sistema

Hanggang sa may naramdaman akong kakaiba

Tila best friend ko ay mahal ko na

Hindi ko muna ito sinabi sapagkat alam kong iiwasan niya ako

At baka pakikitungo ay mabago

Hanggang sa pumunta ito ng bahay namin at nagtanong

Josh:ano bang gusto ng mga babae?May liligawan kase ako
Ellaine: talaga?sino?
Josh: basta,makikilala mo den
Ellaine:kilala ko ba?
Josh: Oo naman,bilis sabihin mo sakin ang mga gusto ng babae
Ellaine: Hoy seryoso ka ba?HAHAHAHAHA
Natatawa kong sabi
Josh: oo hindi,siguro?
Ellaine: lakasan mo ang loob mo wag kang maging torpe!!!
Josh:e kaseee
Ellaine: walang kase kase pano ka manliligaw niyan
Josh: sige susubukan kong lakasan.
Ellaine:yan good sige sabihin ko na sayo alam ko

Sinabi ko ang mga nalalaman ko at iba kong gusto

Oo,nag-assume ako
Na baka ako yung babaeng gusto niya

Babaeng nais na ligawan.

Pagkatapos ng gabing iyon

Kung kelan malapit na ang graduation
Ay naging cold siya sakin

Minsan na lang kami nagkakasabay sa reccess

Madalas ay wala pang limang minuto
Wala nang naghihintay sa labas ng aming room

Hindi na nagkakasabay sa paglalakad dahil may service na siya

At minsan na lang mag-usap kahit sa chat at magkita

Short Stories I MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon