Part 2:WHEN BEST FRIENDS HAVE A SON AND A DAUGHTER

2 1 0
                                    


12 years passed...18 yrs old na kami ni Jayden at college na kami pareho lagi kami ng school kaya lagi kaming nagkikita

may feelings ako sa kanya simula pa nung bata pa kami.Nangako siyang pakakasalan niya ako kaya umaasa ako na may gusto ren siya sakin omg.

Elaisha:Jayden!!Hoy Jayden!!
Jayden:Bakit?
Elaisha:Dukit
Jayden:Tsk.Bilisan mo may gagawin pa ko
Elaisha:eto na nga,pwede ba tayo mag-usap mamaya?Punta tayo park mayang gabi
Jayden:Sige,hintayin mo na lang ako
Elaisha:sige po lods
Jayden: Wag lods itawag mo saken pare na lang para cool HAHAHAHHA
Elaisha:siraulo ka pare,magawa ka na nga lang jan

Napagdisisyunan kong sabihin na ang nararamdaman ko para sa kanya tsaka nasa tamang edad na naman kami.

Pupunta kami sa park saka ako aamin.This is it pancit

Elaisha:Uy Jayden nanjan ka na pala,upo ka babe
Jayden:Ha?sabihin mo na gusto mong sabihin
Elaisha: Ahhh..Jayden kase..naalala mo pa ba yung sinabi mo saken dati nung mga bata pa tayo?
Jayden:Ang alen?
Elaisha:you said you'll marry me..Gusto kase kita!!Gusto mo den ba ako?
Jayden:Ahhh..Of course Elaisha--

Natigil na pagsasalita niya ng yakapin ko siya ng mahigpit

Elaisha:So tayo na??

Hindi siya makapagsalita at makagalaw,namumula ren ang buong mukha niya dahilan para ako ay mapatawa HAHAAHAH

Jayden: ...
Elaisha:Salamat Jaydennnn.Iloveyouuu Muah Muah

Hinalikan ko siya sa pisngi sa sobrang tuwa at hindi ko na mapigilan ang sarili kooo may jowa na akoooo

Hinatid niya ako pauwi dahil delikado na para sakin na maglakad mag-isa

Jayden:Good night Mare
Elaisha:Anong Mare?
Jayden:My Adorable Rare Elaisha
Elaisha:Corny mo HAHAHA
Kunwari di tayo kinilig mga marecakes
Elaisha:Good night den Pare ko.Pretty Admirer Royal Escort.HAHAHAH K bye.
Jayden: Byeee

Gulong muna tayo sa kama mga Marecakes.Kami na ni Jaydennnnn can't wait to be his wifeyyyyy.

Masaya naman siya kasama kaso pag nilalambing ko siya parang napipilitan lang siya pero he's loyal to me,He's kind, respectful and Family-Oriented.
He's Also Faithful to God kaya wala akong mahihingi pa kundi isang bagay.

Sana mapakilala niya na ko sa magulang niya

Almost 5 yrs nang kami at nakagraduate na kami pero never pa niya kong pinakilala bilang girlfriend niya,pag pupunta ako sa kanila,Best friend lang daw kami.

Pinipilit ko siyang ipakilala na ako bilang girlfriend niya ngunit nagiging cold siya at never siyang pumayag

Araw-araw akong nangungulit then he became so cold to me,not until one Day,He chat me.

Jayden:Puwede ba tayong mag-usap sa park kung kelan ka umamin sakin?
Elaisha:Sure babe.

Nabuhayan ako ng loob, maybe magpopropose na siya saken,maybe naging busy lang siya sa paghahanda ng surprise sakin?? Anniversary nga pala namin ngayonnn omggg this is it can't wait to be with you forever Jayden q

Elaisha!!Halika dito,upo ka
Naispeechless ako sa nakita ko
Jayden: Remember when Umamin ka sakin sa Park na to?Naalala mo pa ba yung sinabi ko nung mga bata pa tayo?
Elaisha:Oo naman ano ka ba
Jayden:I'm so sorry Elaisha,I'm so sorry, I'm so stupid.Let's break up
Elaisha:Wait what? Nagbibiro ka ba Jayden?Babe?
Jayden:I'm so sorry.I said I'll marry you.
Elaisha:Yes!I will say yes!
Jayden:But I am not your groom.Magpapare ako Elaisha, Nung bata pa lang yun na yung gusto ko.I said I will marry you.Ikakasal kita hindi pakakasalan.
Elaisha:SO ALL THIS TIME NILOLOKO MO LANG AKO?HINDI MO BA AKO MINAHAL?
Jayden:Elaisha minahal kita,ayoko lang na masaktan ka, Elaisha naipit ako..gustong gusto mo ako nun at hindi ako makatanggi kase ayokong masira ang pagkakaibigan natin.
Elaisha:AYAW MO KONG MASAKTAN??HA??JAYDEN GINAWA MO NA!NASASAKTAN NA AKO NGAYON??BULAG KA BA??O MANHID?
Jayden: I'm so sorry Elaisha
Elaisha:KAYA PALA DI MO KO MAPAKILALANG GIRL FRIEND MO,KASE LETSENG YAN MAGPAPARE KA PALA.SANA SINABI MO AGAD JAYDEN JUSMEYO.FINE! LET'S BREAK UP.GOOD BYE JAYDEN.

Kaya pala iba pagpoprounounce niya ng salitang "pare",kaya pala sobrang faithful niya, kaya pala hindi niya ko magawang lambingin,

Sana self nag-aral ka muna nung bata ka para di mo namis-interpret yung mga salitang "I'll marry you Promise"

Sana kase tinagalog niya na lang para di na ko umasa.Hayst.

Darating den yung groom na para sakin upang maikasal na ako ni Jayden.
Ika nga nila Best friends are meant for each other but never meant to be.

Good bye Father.

Short Stories I MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon