Hi ako nga pala si Briana isang dalaga. May natitipuhan akong lalaki, si Adie. Halos magkalapit lang ang baryo namin. Kaya palagi akong nagbibike papunta sa kabilang baryo. Kapag nakikita ko sya ay halos umakyat ang dugo ko sa mukha. Pano ba naman,ikaw kaya kindatan HAHAHAAH hays nakakatunaw. Maghahalos isang taon ko na syang hinahangaan.
Isang araw sinubukan ko syang lapitan dahil nakita kong nagbibike rin sya sa bagong daan na nagawa sa kanilang baryo.
:UY ADIE!
Akala ko hindi niya aq papansinin,buti na lang lumingon sya at tumigil.
:Hi adie hehe
;Sin--no ka?sorry hin--di kita ki--lala
Para syang naging yelo nang lumapit ako at nauutal na nagsalita
:Waw ha parang di mo ko lagi kinikindatan ha
;Woah woah, namamalik mata ka ata,hindi ikaw yon,yung nasa likod mo non ang gusto ko tanga
Napayuko ako sa sinabi niya at halos madurog sa lahat ng narinig ko. Tumunghay ako at pinunasan muna ang aking mga luha.
:Aw haha okay. Pero adi--
Di ko na matapos ang sinasabi ko nang bigla na lang syang mawala sa paningin ko
Hindi na ako nag-atubili pang hanapin sya at nagbalak ng umuwi ng bahay
Napansin kong sa pagbibike ko pauwi ay dumarami ang sasakyang kaharap ko pati mga tao.
: Ano kayang meron?Hays makauwi na lamang
Pagising ko ng umaga ay agad akong nagbihis at dumiretso agad sa kabilang baryo.
:Bakit tila ang tahimik naman masyado dito.
Pupunta sana ulit ako sa bagong daan ngunit may nakalagay nang harang dito
*/ROAD IS CLOSED
:Hala ambilis naman magsara nito..angganda pa naman.sayang
Nag-ikot ikot na lang aq sa baryo at sinubukang hanapin si Adie
:Hays nasan kaya siya?
Sa pag-ikot ikot ko ag sa wakas nakita ko na sya.
Nakita ko syang nakahiga sa isang kabaong na puti at pinaglalamayan ng mga tao.
:A-aano p-po nnnang-y-yari k-kay Ad-die???
Namutla ako sa aking nakita. Hindi ako makapaniwalang wala na sya.
;Iha,nako buti nandito ka na
Nanlulumong sabi ng isang matandang babae na tila ina ni Adie
:H-ha?Kilala niyo po ba ako??
;Nako iha,ito nga pala ang liham na ipinabilin niya..
Pinunasan ko ang luha ko at binuklat ang sulat.
Halos gumuho ang mundo ko sa aking nabasa.
:Tita ano pong nangyari?Saan po sya namatay?
;Nako iha,sa bagong daan kung saan sya huling nagbike ay nahulog sya doon. Masyado nang huli ang ambulansya upang sya'y sagipin.
;Gusto niya sana yang ibigay at ayain ka sa bagong daan na iyon ngunit hindi niya agad nagawa sapagkat sya ay naduduwag,at yun pala ang makakapagpahamak sa kanya
Sana. Sana pala ay hinanap ko muna sya bago ako umuwi,sana ay buhay pa sya ngayon. Sana ay mayroon pa kaming pagkakataon.
Tumulo ng tumulo ang aking luha at di ko namalayang nawalan na ako ng malay. Naalala ko ang lahat ng nakasulat sa liham.
Mahal kong Briana,
Ang sulat na ito ay para lamang sa iyo. Gusto ko sanang malaman mo na ika'y gusto ko. Kaya't sa tuwing dumadaan ka ay nakangiti ako. Araw-araw din kitang hinihintay na makita at alam kong hinahanap mo ako. Sinubukan ko ring magbike katulad mo para naman parehas tayo ng hilig. May maganda at bagong kalsada sa aming baryo. Baka gusto mong samahan ako?
Sincerely yours,
Adie
BINABASA MO ANG
Short Stories I Made
RandomIf you just want to read my short stories they are here!!! It's just like a book with different stories.