Chapter 12

3.5K 41 0
                                    

Nasa kaniya-kaniyang silid sina Aslan at Tatiana dahil nagpumilit itong maghiwalay sila ng kwarto sa kadahilanang ayaw nitong makasama ang lalaki at hindi iyon propesyunal tignan.

Katatapos lang maligo ni Tatiana nang may biglang kumatok sa pinto nito. Dahil hindi na siya nakapag-bihis, madali siyang nagtungo sa pintuan at binuksan iyon.

Bumungad sa kaniya ang mahalimuyak na bango ni Aslan, nakaputing t-shirt ito at khaki short na pinaresan ng simpleng tsinelas.

Nabigla ito at napalunok. Isasara na sana niya ang pinto ngunit naiharang na ni Aslan ang kaniyang paa sa pintuan. Ngumisi ito sa kaniya at hindi naman nakawala sa paningin ni Aslan ang pamumula ng pisngi ng sekretarya.

"You wear nothing inside that robe, don't you?" Aslan smirked at her.

Iniharang ni Tatiana ang kaniyang dalawang kamay sa dibdib at masamang tinignan ang kaniyang boss.

"Dukutin ko kaya ang mga mata mo, Mr. Lewis? Baka sakaling magtanda ka dahil sa kamanyakan mo!" Angil nito. "Ano ba ang ginagawa mo rito? Para sabihin ko sa iyo, Sir Aslan, mamayang alas nuwebe pa magsisimula ang conference. Bakit hindi ka na lang magliwaliw kaysa istorbohin ako?"

Napatawa si Aslan. "Unang-una, wala akong makikita sa dibdib mo kasi wala namang laman. Pangalawa, hindi ako manyak, nagsasabi lang ako ng totoo. Pangatlo, kakain lang tayo ng agahan at kung ayaw mo naman akong saluhan sa pagkain..." Huminto si Aslan at nagkibit-balikat, "bahala kang magutom sa tatlong oras na conference. Pang-apat, hindi ako nsgtungo rito sa Cebu para magliwaliw, trabaho Tatiana. Trabaho ang aatupagin rito... depende na rin kung gusto mong atupagin kita."

"Tumahimik ka na nga! Satsat ka nang satsat. Makasalanan talaga dila mo, Mr. Lewis."

Tumango-tango si Aslan. "Mas lalong magiging makasalanan kapag dinilaan ko tilapia mo," huminto ito at nag-isip pa ng sasabihin. "at saka, ipinanganak na akong makasalanan."

Dahil sa inis, sinipa ni Tatiana ang tuhod ni Aslan at pinagbagsakan ng pintuan.

"Magaling na naman ang kumag kaya kabastusan na naman ang lumalabas sa bibig. Kaasar!" Inis na saad niya bago bumalik sa banyo at magbihis.

"Dapat pala lagi na lang may sakit oara tahimik at hindi iba ang lumalabas sa makasalanan niyang bibig." Naiiling na saad nito bago muling pagbuksan ang pinto.

"Lumabas ka pa talaga," nangunguyam na usal ng kaniyang amo. "nakakainip kang hintayin. Sumunod ka na nga! Kilos-pagong kasi."

Nagpanting ang tainga ni Tatiana sa narinig mula sa kaniyang amo. "Kung hindi mo na lang kaya ako hinintay, e hindi sana nagwawala mga bulate sa sikmura mo!" Sigaw ni Tatiana.

Since kubo style ang mga silid, hindi nakaligtas sa pandinig ng ibang tao ang pagsigaw ni Tatiana.

Napakagat labi naman ito at umatras na lamang at pabalibag na isinara ang pinto. Hindi na ito sumunod sa amo niya, hinanda na lamang niya ang sarili para sa conference na magaganap sa isang function hall ng resort.

Nagugutom na siya ngunit ininda na lamang niya iyon at akma na sana siyang aapak sa may pinto nang makita niya ang isang styro na nakalapag roon.

Kumunot ang noo niya at saka pinulot ito. Naamoy naman niya ang mabangong amoy ng pagkain. Isinara niya ang pinto bitbit ang styro bago siya naupo sa isang bench at kinain iyon. Napangiti siya nang wala sa oras habang kinakain iyon at iniisip na may kabaitan rin pala ang kaniyang amo ngunit napawi ang ngiting iyon nang maalala na walang puso ang lalaki.

"Magpapasalamat pa sana ako kaso huwag na lang," saad niya. "Baka lalong lumaki ulo niyon at lalong manigas. Nakakatakot pa man rin siya, nanunuklaw." Dugtong niya.

Played (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon