Chapter 42

2.7K 39 5
                                    

Natutop ni Tatiana ang kaniyang bibig nang maisara ang gate ng apartment na tinutuluyan niya. Malayang naglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi habang pinapakinggan ang sinasabi ni Aslan sa kaniya.

“Kapag naipanganak mo ang anak natin, aalagaan ko kayong mag-iina ko…” mariing usal ni Aslan sa labas ng gate, bakas sa tono nito ang pagiging sinsero. “Aalagaan ko kayo ng mga bata, kahit na… kahit na nasa malayo lang ako.”

“Alam kong nariyan ka pa… kahit hindi mo na ako pakinggan o kahit ayaw mo na akong makita, Tatiana…” basag ang boses na usal niya. “Tangina, mahal kita… mahal na mahal kita at ikaw lang ‘yong babaeng hindi ko kayang tiisin kahit malaki ang galit mo sa akin.”

“Kaya kahit na pustahan lang ang dahilan ko para mapalapit sa iyo… kahit sana ‘yong pagmamahal ko na lang ang paniwalaan mo, Tatiana.”

Napakagat ng labi si Tatiana at hinihintay pa ang mga salitang sasabihin ni Aslan ngunit hindi na ito muling nagsalita pa. Tanging narinig na lamang niya ay ang boses ng kung sino habang dinadamayan siya.

“Hayaan na muna natin si Tatiana, pare. Ang importante, nakausap mo sa siya at humingi ka ng tawad at nagsisisi ka kung bakit hindi mo sinabi ang rason ng paglapit mo sa kaniya.”

“Pustahan man ‘yong rason, alam namin at ramdam namin na minahal mo talaga ng totoo si Tatiana. Kaya kahit anong mangyari, kahit pagtabuyan ka niya, sipain, sigawan o kahit ano pa, huwag mong gawin dahilan para sukuan siya.”

Hindi na kayang pakinggan ni Tatiana ang mga sinasabi ng mga kasama ni Aslan kaya minabuti na lamang niyang umakyat sa kaniyang apartment habang hawak ang bilugan niyan tiyan.

Anak, huwag kang magagalit sa akin kung sa ngayon ay hindi ko kayang patawarin ang tatay mo. Sambit ni Tatiana sa kaniyang isipan at pinahid ang mga luha.

“Ate bakit ka po umiiyak?” salubong sa kaniya ni Ryan pagkapasok niya sa loob ng apartment. “May nangyari po ba?”

Hindi siya nagsalita, inilapag niya lang ang pagkain na ibinigay ni Dion sa kaniya sa maliit na lamesa at pumasok sa kaniyang silid. Hindi niya pinansin ang mga bata dahil masyado siyang pagod ngayon at maging ang kaniyang utak ay pagod na rin mag-isip pa ng isasagot.

Naupo siya sa paanan ng kama, humagulgol siya nang humagulgol at tila paulit-ulit sa kaniyang utak ang mga katagang binitawan ni Aslan na salita kanina.

“Ano na naman ang ginagawa mo at nagpakita ka na naman sa akin, Aslan?” mariin na tanong niya habang lumuluha. “Umalis na ako, lumayo na ako kasi ayaw kong masaktan mo pa ako pero bakit… bakit hinahabol mo na naman ako at tila ang lungkot-lungkot ng mga mata mo?”

Pinahid niya ang kaniyang mga luha at tumayo para tanawin sa bintana kung naroon pa sa ibaba si Aslan at mga kasama nito. Hindi naman siya nabigo dahil naroon pa siya, nakatayo, nakatingin sa kaniyang silid habang may luhang naglalandas sa kaniyang mga mata.

Nakita niya ang mga kaibigan nito na pilit siyang hinihila ngunit hindi niya pinapansin ang mga ito at nagmamatigas pa. Napaupo si Aslan, bakas ang pagod at pighati sa kaniyang hitsura. Bagsak rin ang kaniyang balikat habang inaalo siya ng kaniyang mga kaibigan.

“Mahirap kang patawarin, Aslan… dahil mananatili lang sa utak ko ang tungkol sa pustahan niyo…” mahinang bulong niya, bakas ang pait sa kaniyang tinig. “Natatakot ako, na baka ulitin mo ang ginawa mo at iyon ang hindi ko kakayanin.”

Napansin niyang tumingala si Radion sa kaniyang silid kaya mabilis niyang isinara ang kurtina at napaatras pabalik sa kaniyang kama. Humiga siya roon at muling umiyak.

Tumunog ang kaniyang cellphone kaya bumalikwas siya ng bangon para kuhanin iyon sa kaniyang bag. Isang mensahe iyon mula sa unknown number.

From: Unknown

Played (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon